Halos malula siya ng makarating sa harap ng kumpanya ng amo. Tantiya niya ay lampas ng 40 floors ang tinatanaw niya. Nakaukit ang salitang Monteguado Empire sa itaas na mga palapag ng building. Napatingin siya sa lalaki at lalong namangha sa yaman na maaring meron ito.Nakatingin din naman ito sa kanya at tila natutuwa pa sa kanyang reaksyon kaya bahagya niya itong inirapan.Ang mga bodyguards nito ay agad pumalibot sa kanila pagkababa palang ng sasakyan. Pagkapasok nila sa lobby ay nakahilera na ang mga empleyado at nakayukod sa amo. Tumango lang ito ng walang kangiti-ngiti kaya siya na mismo ang bumati sa mga nasa harapan. Nang makita ng lalaki ang kanyang ginagawang pagyukod pabalik ay hinila na siya nito at dinala sa elevator na naghihintay sa kanila. Dalawang button lang ang nandoon,

