INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: TheBlackCat047
CHAPTER 2?
"Tara na! Sasakyan ko na lang gamitin natin", abot-tenga ang ngiting pag-aaya ni Jake.
"Pa'no yung red baby ko? Iiyak yan pagnahiwalay sa'kin", sagot naman ni Patrik na ang tinutukoy ay ang pulang sasakyan niya.
Napapailing na lang si Jack sa kabaliwan ng dalawa.
"O sya,dahil may kanya-kanya naman tayong kotse na hindi nating pwedeng iwan, at isa pa mas komportable din ako sa kotse ko, ang mabuti pa, mag racing nalang tayo", suhestyon ni Jack na kaagad namang gumuhit ng ngiti sa mga labi ng dalawa.
"Game!", sabay pa na sagot ng dalawa na nag-apir pa.
"O sige, ang maunang makakarating sa bar, mananalo ng 10k", ani Jack habang tinataas ang pera na nasa kamay nya mula sa naganap na pustahan nila kani-kanina lang.
"Tsss 10k lang? Eh isang chickas lang kaya niyan", dismayadong tugon naman ni Jake.
Napailing na lang si Jack pati na din si Patrik, wala na atang balak magtino etong kaibigan nila na puro babae lang ang laman ng utak.
"O siya, since bar naman namin 'yun. Ganito na lang, ang mananalo, he'll get every girl he want tonight. Kahit ilan, and 10k ni Jack is a bonus for drinks", suhestyon naman ni Patrik at kaagad naman na nagkikislapan ang mga mata ni Jake sa narinig.
"Haha, ayus!", nakangising tugon ni Jake na kaagad ng sumakay sa kotse neto at pinaandar ang makina at mapang-asar na pinaugong pa.
----------
Mabilis ang pagpapatakbo ni Jack, maliban sa ayaw nyang matalo ay kailangan din niya ng pera. Wala siyang pakialam sa babaeng papremyo ni Patrik, ang gusto niya lang ay ang manatili ang pera sa mga kamay niya.
Hindi kasi alam ng mga kaibigan niya na naglayas siya sa kanila, at kailangan niya ng pera para sa pang-araw-araw na gastos niya.
*phone ring*
"Bwesit! Sino ba yang wrong timing kung tumawag? Tsss kala mo naman may magandang ibabalita", inis na saad niya ng mapansing tumunog ang cellphone niya.
He didn't expect any call from anyone lalo na sa mommy niya na pilit niyang iniiwasan.
Nagtampo kasi siya ng hindi neto binigay ang bagong kotseng hinihingi niya. Maayus pa daw kasi ang kotse niya at gumagana pa.
"Teka, asan ba yung earphone ko?", bulong niya habang kinakalap ang earphone niya na kaagad din naman niyang nakita.
Sasagutin na sana niya ang tawag ng biglang nalaglag mula sa tenga niya ang earphone.
"Badtrip ang put**!!?", inis na bulyaw ni Jack ng malaglag ang earphone na kakasuot niya pa lang. Wireless kasi iyon kaya kapag nalaglag sa tenga ay diri-diritso na itong nahulog sa sahig ng sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo niya at dahil na din sa pagmamadali ay hindi na niya naisipang ihinto pa ang sasakyan sa takot na din na matalo siya at mawala pa sa mga kamay niya ang perang hawak-hawak na niya.
Nasa kalye ang kanyang mga mata ngunit abala ang isip niya at ang isang kamay niya sa paghagilap sa earphone na nalaglag.
Kinapa-kapa niya ang ilalim ng upuan niya at bahagyang sinilip. Sa wakas ay nakita na niya ang earphone na nalaglag, na nasa paanan niya lang pala napunta.
Pangiti-ngiting aabutin na sana iyon ni Jack ng bigla siyang napatingin sa harap at nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat ng hindi niya namamalayang malapit na pala siya sa taong nagtatatakbo papatawid sa kalsada.
"Put** may tao!", kabadong sambit niya at agad-agad na tinapakan ang brake ng sasakyan sanhi upang mauntog ang ulo niya sa manebela na dahil sa lakas ng impact dahil na din sa bilis ng pagpapatakbo niya ay agarang dumilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
-------------
"Hoy,bess gising na aba!", humahagulgol na sabi ng isang babae habang marahang niyuyugyog ang mga balikat ko na siyang unang napansin ko pagkadilat ko ng mga mata ko.
(Teka, asan ako? Bakit amoy alcohol na ewan ang paligid? Hala, yung pera ko!) ,tanung ko sa isip ko habang inuusisa ang paligid ng kinalalagyan ko at napabalikwas ako ng bangon ng maisip ang pera ko.
Kinakapa ko ang bulsa ko.
(Bakit wala dito?
Natalo ba ako?
Kinuha ba ng mga mokong na iyon ang pera ko?
Haysss nadaya yata ako.
Lagot talaga sa akin 'yung mga mokong na 'yun!
Panigurado gumagapang na ngayun 'yung mga 'yun dahil sa kalasingan.
Teka, anong oras na ba?
Ilang oras na ba ako dito?
Tsaka anung lugar ba 'to?)
"Hayyy salamat at gising ka ng bruha ka, kinakabahan ako sa'yo!", humahagulgol pa ding saad ng babae sa tabi ko ngunit tila nakahinga naman eto ng maluwag ng makitang gising na ako.
Kunot-noong tinitignan ko ang babae na pangiti-ngiti pa habang nagpupunas ng luha.
(Bruha?
Kung makabruha ang pu***!!?!
Mas mukha ka pang bruha kesa sa'kin. Sino ba 'to?
Parte ba ito ng prank nila?
Tsss ang dami naman sigurong ibang babae dun bakit ito pang ubod ng pangit ang binigay nila sa akin?
Haysss malilintikan ko talaga 'yung mga mokong na 'yun!
Panigurado winaldas lang nila 'yung pera ko para dito sa babaeng 'to)
"Oh, anyari sa'yo?
Ayus ka lang ba bess?
May masakit ba sa'yo?
Haysss kinakabahan ako sa'yo.
Oh, bakit ganyan ka makatingin?
Kung hindi lang kita kilala, uupakan na kita. Parang palihim mo naman akong hinuhusgahan niyan.
Saglit, dito ka lang ah?
Tatawag lang ako ng nurse", tugon ng babae bago pa eto agarang tumayo at umalis.
(Nurse?
Nasa hospital ba ko?
Hospital ba 'to?
Anung hospital to, kurtina lang ang pagitan ng mga pasyente, tsaka ang baho!!
Tsss, kilala niya ako?
As if naman nakikilala ko siya.
Sino ba kasi 'yung babaeng 'yun na mas mukhang pang pasyente kesa sa akin?)
(Tsaka makabess naman, kala mo naman close kami!!
Ttsss asa siya!
Mukhang yun, mukhang hindi mapagkatitiwalaan.
Magc-cr na nga lang muna, nakakasuka ang amoy ng lugar na 'to)
Agad na bumaba si Jack sa maliit na kamang kinauupuan niya at naglakad papunta sa cr ng mapansin niya ang suot niya. Pang-babae uniporme iyon ng school nila.
"Hahaha, ang baduy!!?
Bakit ako nakapalda?
Kasama ba 'to sa prank ng mga mukong na yun?
Tsaka kaninong palda 'to?
Tsss", nakatawang bulong niya ng mapansin ang suot niya ngunit agad naman iyong napalitan ng inis ng maisip kung kaninong palda naman kaya ang binayaran ng mga baliw niyang kabarkada para iprank siya.
Hindi na nga siya natutuwa ng maisip na kung sinu-sino na lang babae ang binunot ng mga baliw niyang barkada para samahan siya at ang mukhang iyon pa ang kauna-unahang bumungad sa kanya pagkagising niya.
Kaya labis-labis at tila lumala pa ang inis niya ng maisip kung kaninong palda naman kaya ang ginamit niya.
Tsaka bakit palda pa??! Eh kahit naman gaano kalasing 'yung mga kaibigan niya at halos wala na sa katinuan paglabas ng bar, ni minsan ay hindi niya naisipang pagsuotin ng palda ang mga iyon.
Bukod sa ayaw niya, eh dagdag gastos at malaking abala lang 'yun, na sa pakiramdam niya ay napakalaking oras ang masasayang niya na dapat igugol na lang sa pag-inom at pagpapakasaya.
Nasa harap na siya ng pinto ng cr sa hospital ng pakiramdam niya ay tila nahihilo siya ngunit nilalabanan niya iyon dahil ihing-ihi na siya na para bang sasabog na ang pantog niya.
Napahinto siya saglit at pumikit, pilit na nilalabanan ang pagkahilo niya at ang pagsakit ng ulo niya.
Naisipan niyang maghilamos muna kaya dumiritso muna siya sa isang lababo na may salaming nakalagay sa taas neto.
Nabigla siya ng makita ang repleksyon niya. Lumingon siya sa likuran niya ngunit siya lang ang taong nandoon kaya paniguradong ang nakikita niyang repleksyon ay sa kanya.
Iniisip niya na nagha-hallucinate lang siya at mali ang nakikita niya. Sinabuyan niya ng malamig na tubig ang mukha niya ngunit 'yung mukhang 'yon pa din ang nakikita niya sa repleksyon niya.
Unti-unti na siyang nakakaramdam ng kaba. Kung anu-ano na lang mga bagay ang pumapasok sa isip niya.
"Nananaginip ba ako?
Binabangungot?
Baka naman kinulam ako!!
Teka pinakakulam niya kaya ako?", tanung niya sa isipan niya habang pilit na pinapakalma ang sarili at iniiwas sa salamin ang tingin.
"Wahhhhhhh!!!", biglang sigaw niya ng muling pagmasdan ang repleksyon niya.
"Hindi!
Hindi?!
Mali, hindi ako yan.
Baka may tao lang sa likod nyan, hindi ako yan!!
Okay, relax Jack", pilit na pagpapakalma at pagkukumbinsi niya sa sarili.
Chinicheck nya ang mukha nya, baka parte lang eto ng prank ng mga barkada niya. Nagwacky pa siya pero yun pa din ang mukhang nakikita niya sa salamin.
Umalis siya sa harap nito at bigla ding babalik, pero yun pa din ang mukhang nakikita niya.
"Hindi, 'wag kang magpanic Jack!
Panaginip lang 'to.
Guni-guni mo lang, ok!?" patuloy na pagpapakalma niya sa sarili na ayaw paniwalaan ang mga nakikita niya.
Chineck nya muli at pinagmasdan ang buong anyo niya. Nakapangbabaeng uniform pa sya, at nakapalda. Mahaba ang maalun-alon na nag-aagaw tsokolate at itim na kulay ng buhok na abot hanggang bewang at nakapang-babaeng kulay itim na sapatos.
Ilang minuto din niyang tinititigan ang maamong mukha ng repleksyon niya at ang malakulay rosas na mga labi niya, at nakipagtitigan sa kulay langit niyang mga mata.
"Waaaahhhhhh!!? Hindi pwede 'to!" parang batang bulyaw niya.
Kung anu-ano na namang kulam o mahika ulit ang pumasok sa isipan niya.
"Pinakulam niya kaya ako dahil sa masasakit na nasabi ko?
Sumpa ba 'to?
Prank?
Hindi mali, baka panaginip lang lahat ng ito," debate niya sa sarili na ayaw pa ding paniwalaan ang mga nangyayari.
Kinurot pa niya ng napakalakas ang braso niya at napapikit sa sakit. Kinagat din niya ang dila niya at napangiwi sa sakit.
"Totoo ngaaa!!!!?
Paano nangyari 'to?
Paano ako makakabalik sa dati?
Pinakulam nga niya siguro ako," mistulang batang bulyaw niya habang kinakausap ang repleksyon niya.
"Pero parte lang yun ng plano ko!
Lahat ng iyon!
Para din naman sa'yo lahat ng iyon.
Para layuan mo na ako at pati na din yung mga mokong na mga barkada ko!
Para layuan mo 'yung mga baliw na 'yun na kung makatingin sa iyo eh , akala mo nakita ng isang pagkain," dugtong niya na mistulang kinakausap at nagpapaliwanag sa repleksyon niya.
"Pero bakit ginawa mo akong ganito?
Pa'no ako?
Pa'no yung pangbayad ko ng bahay?
Pa'no yung club?
Pa'no yung pag-aaral ko?
Tsaka,pa'no ako papasok?
Magpapalda ako!!?
Waaahhhhhh…" bulyaw niya na halos halikan na ang buong silid sa kakaikot.
Tiningnan niya muli ang repleksyon sa salamin, ng mapagtantong siya nga ang repleksyon na nakikita niya ay biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.
"Bakit 'yan?
Bakit 'yang mukhang 'yan?
Para parusahan ako?
Eh bakit ako parurusahan eh wala naman akong ginawang masama," halos mangiyak-ngiyak na tanung niya sa repleksyon niya.
"WAAAHHHHHHHHHHHH….. MAUREEEEEENNNNNNNNN!!!!!!!!" ubos hiningang sigaw niya.
-----------
"Uy pre, kamusta?," saad ng isang lalaki sa'kin habang sinuntok bahagya ang dibdib ko.
Hindi kasi ako pinapalabas ng ale at sinabing kailangan ko daw munang magpahinga para gumaling agad.
Ngunit hindi naman ang katawan ko ang may deperensya eh.
Mukhang ang utak ko naman yata.
"Aray!?"
"Hahaha, ang sensitive naman neto, para kang babae," sambit naman ng kasama niya na abot tenga ang ngiti.
Tsss makangisi, mukha namang lasing na tipaklong.
"O,ano? Papasok ka ba bukas?," tanung ng isang lalaki na tila mas matino ang mukha kesa dito sa mukhang manyak na palaka.
"Ewan, baka hindi muna, " tipid na sagot ko.
Eh papano ako gagalaw?
Paano ako maliligo?
Magbibihis?
Magc-cr?
Makikita ko at mahahawakan yung-
Aaarghhh!! Kainis!!
"Buti na lang nakabreak ka kaagad. Kundi baka napatay mo 'yung babae," dugtong ng mukhang tipaklong na dahilan ng pagkunot ng noo ko at pagkabigla.
(Ba-babae?
Ako?
Ako ba yung babaeng tinutukoy nila?
Ibig sabihin, s-si Ja-Jack pala ang muntik ng makabangga sa 'kin? Hindi kaya-)
"Hoy!"
Nagulat ako ng magsnap ng daliri si tipaklong.
"H-ha?"
"Hahaha, nasa mars ba isip mo pre?," ani ni Jake.
"Sabi ko, hinahanap ka ng mga chikas kagabi.
Hoooo ang hot pa naman ni Ellaine" nakangising dugtong neto .
(Hayss ang ma-manyak talaga ng palaka na mukhang tuko na 'to)
"Hays, lumayas na nga kayo, ang iingay nyo," taboy ko sa kanila.
"Suss, ang init ng ulo.
Daig mo pa nanay ko eh.
Oh sya,alis na kami pre ah?
Pahinga ka muna para makapasok ka bukas.
Hehe kinakamusta ka nga pala ni Ellaine," nakangising pahabol na saad ni Jake bago pa sila tuluyang lumabas ng silid.
Napabuntong-hininga na lang ako habang sinusundan sila ng tingin habang papalabas ng silid.
"Haysss, kadiri talaga yung palaka na tipaklong na yun!
Makangisi, daig pa asong ulol.
Haysss ang mamanyak talaga," kunot-noong inis na sambit ni Maureen.
"Pero teka-teka saglit lang, napunta ako sa katawan ni Jack, hindi kaya-" napatakip na lang ng bibig si Maureen na kinakabahan sa naiisip.
"Nako!! Kailangan kong umuwi," pagmamadaling bangon niya.