KANINA pa sila tapos kumain ngunit tila wala silang balak tumayo upang lisanin ang hapag-kainan. Nag-eenjoy silang magkwentuhan habang kumakain ng hinog na mangga na dala ng maybahay ng katiwala nila Blake sa farm.
Nagpapasalamat na rin siya kahit papaano dahil tungkol sa mangosteen at santol ang kanilang pinag-uusapan. Lahat sila ay nakikisali sa usapan maliban lang kay Lea na tahimik lang itong nakaupo habang sarap na sarap kumain ng mangga. Himala na nakalimot itong mang-asar.
Maya-maya pa ay tumayo si Lea at tinungo ang lababo. Naghugas ito ng kamay at pangiti-ngiti itong bumalik sa upuan.
"Blake, may screwdriver and nutdriver ka ba?" tanong ni Lea.
Nakita niyang kumunot ang noo ni Blake sa itinanong ni Lea. Maging sila ay ganoon din ang reaksiyon.
"Bakit ka naman naghahanap ng screwdriver, Reyes? Wala ka naman dalang sasakyan." Si Dylan.
"Bakit sa sasakyan lang ba pwedeng gamitin ang screwdriver, Monteverde?" balik na tanong ni Lea kay Dylan.
"Saan mo nga gagamitin?" makulit na tanong ni Dylan.
"Syempre gagamitin ko pang higpit ng turnilyo. Alangan naman ipang-toothpick ko!" Sinamaan nito ng tingin si Dylan.
"Baka magpapractice lang si Lea kung paano magbukas ng nakalock na pinto na hindi gumagamit ng susi." wika ni Vince.
"Oh, baka naman saradong puso ni Evan ang susubukan niyang buksan." natatawang dugtong ni Blake.
"Hayaan niyo na si Reyes... Baka kasi ramdam na niya na maluluwag na ang turnilyo niya sa ulo kaya hihigpitan niya gamit ang screwdriver." hirit ni Dylan.
Lihim na lang siyang natawa sa mga naririnig. Pinagtulungan na nila si Lea ngunit hindi na siya nakisali, mahirap na baka gumanti si Lea sa kaniya. Maging si Kathy at Evan ay tahimik at nakikinig lang.
Nakisuyo si Blake sa babaeng nakauniporme ng pang kasambahay na sabihan si Rex na pumasok sa dining area at magdala ng screwdriver at nutdriver. Tumango naman ang babae at agad na lumabas.
Tumayo si Lea at hinarap si Evan. "Kung hindi ka lang sana naduwag na ligawan ako ulit Evan sana ngayon may kakampi ako dito. Sana ngayon pinagtatanggol mo ako bilang asawa sa mga hinayupak na 'to!"
Dinuro-duro pa ni Lea ang tatlo at nag-f*ck you sign sa kanila bago sumunod sa babaeng kasambahay na lumabas.
"Paiyakin ko kaya si Lea." natatawang wika ni Evan.
"Huwag, dude!" pigil ni Dylan. "Gusto mo na bang umuwi?"
"Oo nga, dude. Huwag niyo ng pansinin si Lea. Alam niyo namang may saltik pinapatulan niyo pa. Mag-enjoy na lang tayo, ang ganda pa naman dito." Si Vince.
Nagsitayuan sila at naghugas ng kamay sa lababo. Pagkuwa'y magkakasunod silang lumabas upang magtungo sa garahe para tingnan si Lea kung ano ang gagawin sa screwdriver.
Nasa hulihan silang dalawa ni Blake at napapitlag siya nang hapitin siya ni Blake sa bewang.
"Nahihiya ako." pabulong niyang sambit.
Tinanggal naman iyon ni Blake at nakipagholding hands na lang sa kaniya.
"Manang, saan na po ang babaeng kasama niyo po kanina?" Narinig niya ang magalang na tanong ni Dylan sa babae nang makasalubong ito.
"Ewan ko nga, ang bilis kumilos ng babaeng iyon. Pagkaabot ng screwdriver ni Rex nawala na agad na parang bula. Hindi talaga namin namalayan kung saan na napunta." sagot ng kasambahay.
Nagkatinginan silang lahat.
"Ano'ng nangyari sa babaeng iyon?" tanong ni Evan.
"Baka hindi lang nakautot buong magdamag." ani ni Kathy at sabay silang nagtawanan.
"Kuya, wala ba siyang ginalaw dito sa van?" tanong ni Evan.
"Wala naman." sagot ni Rex.
Napakamot sa ulo si Evan. "Hanapin na lang natin."
Pumasok muli sila sa loob. Nakasalubong nila si Sweetheart na nakabihis at tila may lakad.
"Kuya Blake, pupunta muna ako sa kaibigan ko. Hihiramin ko muna sasakyan mo..." paalam ni Sweetheart kay Blake.
"Sige na, basta ingatan mo lang ha." pagpayag nito.
"Naman, kuya. Saka hindi naman ako magtatagal dahil malapit lang ang bahay no'n dito." sabay sabi ni Sweetheart ng salamat.
"Teka, nakita mo ba si Lea?" pahabol na tanong ni Blake bago humakbang si Sweetheart.
"Nasa kwarto mo. Tinanong niya kasi sa'kin kung saan kayo natulog kagabi kaya itinuro ko." simpleng sagot ng pinsan nito.
"Ha?" sabay-sabay nilang turan.
"Ano'ng gagawin niya daw doon?" Si Kathy.
"Aayusin niya daw 'yung kama baka daw lumuwag ang mga turnilyo dahil sa nangyaring digmaan kagabi. Hindi ko nga siya magets kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya nagpa-oo na lang ako. Maiwan ko na kayo ha." Tinungo ni Sweetheart ang pintuan.
Sila naman ay patakbong pinuntahan ang kwarto kung saan silang dalawa ni Blake natulog kagabi.
"Lumalala na talaga ang ugali ng doktorang 'yan! Makatikim talaga 'yan sa'kin." nanggigil na wika ni Blake.
Nadatnan nila si Lea na inaamoy pa ang kobre kama. Sa sobrang gigil ni Blake ay patakbo nitong nilapitan si Lea at hinawakan nito ang ulo at nginudngod ang mukha ni Lea sa kama.
"Blake, hindi ako makahinga! L*tse ka!" sigaw ni Lea ngunit hindi parin binitawan ni Blake ang ulo nito.
"Hoy, bitawan mo si Lea." Saway niya kay Blake at siya na mismo ang nagtanggal ng kamay nito sa ulo ni Lea. Inilayo niya si Blake at pinaupo sa sofa na naroon.
"Anong kagag*hang trip 'to Lea?" mapanitang boses ni Vince.
"Para kang bata, Reyes! Ano naman kung may nangyari kina Blake at Trixie kagabi? Dalaga at binata naman ang mga 'yan at isa pa nasa tamang edad at pag-iisip na." May halong inis na sa boses ni Dylan.
"Ano'ng ginawa niyo dito sa kama buong gabi? Nagbilangan ng daliri?" tanong ni Lea.
"Sana naman tumigil ka na, Lee. Walang nangyari kagabi, okay?" aniya.
"Imposible eh." hindi naniniwalang saad ni Lea.
"Bahala ka Lea!" galit na wika ni Blake.
Niyaya sila ni Blake na lumabas upang pumunta sa living room para ipakita ng pader kung saan nakasabit ang mga picture frame ng buong angkan ng mga Miller. Agad naman nilang nilisan ang naturang silid at sumama naman sa kanila si Lea na pasipol-sipol pa sa likuran.
"Lea, pagdating ni Mommy at Daddy mamaya, umayos ka ha. Bawas-bawasan ang pagiging makulit." nagtitimping paalala ni Blake rito.
"Pag-iisipan ko mamaya." sagot ni Lea.
Napailing na lang si Blake sa naging sagot ni Lea. Nagpatuloy na lang ito sa paglalakad habang hawak ang kaniyang kamay hanggang sa marating nila ang sala.
NAKATAYO silang magkakaibigan sa harap ng puting pader na may mga picture frame na pare-pareho ang kulay at sukat. Sa taas nakalagay ang magkadikit na litrato ng grandparents ni Blake. Sa ibaba niyon ay ang mga litrato ng ama ni Blake katabi ang mga kapatid nito at kani-kanilang asawa. Sa pinaka-ibaba ay litrato na nina Blake na magpipinsan.
'Yung ibang pinsan ni Blake ay may mga asawa na rin at mga anak na. Halatang mailap sa angkan ng mga Miller ang magkaanak ng babae dahil halos kalalakihan lang ang makikita. Ngunit ang umagaw ng pansin niya ay ang bahagi kung saan nakalagay ang picture frame ng magulang ni Blake na malaki pa ang space sa ibaba. Palibhasa si Blake lang kaisa-isahang anak at wala pa naman itong pamilya.
"I'm so excited na makita ko ang picture mo na katabi ko dito at sa ibaba ay ang tatlong anak natin." bulong ni Blake sa kaniya.
"Tatlo? Makakaya ko kaya 'yun alagaan?" mahinang boses niya.
"Tutulungan naman kita mag-alaga at ikuha pa kita ng yaya para hindi ka mahirapan." natatawang sambit nito. "Sayang naman kung magiging bakante lang ang parteng 'to." Sabay himas ni Blake sa pader sa ibaba ng picture frame nito.
"Oy, nagpaplano na sila for the future." ani ni Kathy.
"Dude, hangga't kaya pa magkaanak ni Trixie, huwag mong tigilan. Buntisin mo nang buntisin. Mas maraming anak, mas masaya." si Dylan.
"Tama, mas maganda talaga maraming anak... Tingnan mo kami ni Dylan balak naming dagdagan pa ng dalawa si Alexandra kaso wala na talaga eh. Pero we keep trying naman malay mo may himala pa." dagdag ni Kathy.
"Buti nga kayo may chance pa. Ako wala na talaga." malungkot na wika ni Lea.
"Baka naman hindi lang talaga abot sa matres mo ang kargada ng asawa mo. Subukan mong ipasagad paminsan-minsan, 'yun bang ikabutas ng puson mo at ikatirik ng mata mo." mungkahi ni Vince.
"Ang bastos mo, Vince!" Magmura pa si Lea.
"Baka saan naman 'yan mapunta. Ang mabuti pa lumabas na tayo dito para makalanghap ng sariwang hangin." aniya.
Nilisan nila ang sala nang hindi parin nagkakahiwalay. Lumabas sila para makalanghap ng sariwang hangin dahil malamig na hangin galing sa aircon ang kanilang nalalanghap sa loob.
BALAK nilang umupo sa ilalim ng puno ng mangga na hitik sa hilaw na bunga. Magpapahangin lang sila doon habang magkukwentuhan ng mga bagay-bagay na kanilang maisipan. Napahinto sila saglit upang hintayin si Kathy na bumalik sa loob upang humingi ng suka at asin pati na rin kutsilyo para may gagamitin silang pambalat sa mangga.
Pagbalik ni Kathy ay patuloy silang naglakad at nang malapit na sila sa puno ng mangga ay may lumapit sa kanila na lalaking may edad na nakasuot ng sombrerong gawa sa buri. Humahangos ito na para bang may hindi magandang balita na dala. Magalang silang bumabati rito at gumanti naman ng bati ang lalaki bago hinarap si Blake.
"May problema po ba, Mang Luis?" tanong ni Blake.
"Señorito, may pumasok sa kubo na iniimbakan natin ng palay." wika ni Mang Luis.
Bigla siyang kinabahan sa narinig. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib at namamawis ang kaniyang palad na hawak ni Blake dahil sa kaba. Hinigpitan ni Blake ang paghawak para iparating sa kaniya na walang siyang dapat ikabahala.
"May nawawala ba?" pormal na tanong ni Blake.
"Wala naman, Señorito. Bukas lang ang bintana at pinto ng kubo. Tapos inilipat ang isang sako ng palay malapit sa bintana at may nakalatag na dalawang sako sa kawayang sahig. Siguro nakitulog lang ang kung sinumang pumasok doon." saad ni Mang Luis.
"Hayaan mo na iyon, Mang Luis. Importante walang nawawalang palay doon." wika ni Blake.
Yumuko pa si Mang Luis at nagpaalam sa kanila. Pigil ang hininga niya dahil ang akala niya ay mabubuko na silang dalawa ni Blake. Binitawan ni Blake ang kamay niyang namamawis kaya't ipinunas niya iyon sa kaniyang suot na short.
"Siya nga pala, Señorito. May nakita akong hikaw doon sa may sakong nakalatag. Baka hikaw ito ng natulog doon." Pinakita ni Mang Luis ang walang pares na hikaw na galing sa bulsa nito.
Bagong bili niya lang ang huggie earrings na iyon at buena manong suot niya kagabi. Hindi niya man lang namalayan na wala na pala doon ang isa pero ramdam niya pang nakakabit sa kaniyang kanang tainga ang kapares ng hikaw na hawak ni Mang Luis. Mabuti na lang nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok kaya't natatakpan ang kaniyang magkabilaang tainga.
Para siyang naging istatwa sa kaniyang kinatatayuan na hindi makagalaw at nakayuko lang. Ang buong akala niya ligtas na silang dalawang ni Blake, hindi pala.
"Pahamak ka talagang hikaw ka!"
"Patingin nga po, Manong." si Lea.
Mas lalo siyang kinabahan nang marinig ang boses ni Lea. Katabi niya si Lea sa loob ng van ni Evan kagabi at malabong hindi nito napansin ang hikaw na suot niya. Ipinagdadasal niya lang na sana hindi na gumana ang memorya ng doktorang kaibigan.
"Ang ganda po ng hikaw. Akin na lang po ito, bago kasi ako pumunta ng hospital may nadadaanan akong bumibili ng sirang alahas sa bangketa. Mukhang pwede pa 'tong ibenta o 'di kaya ipatubos ko na lang sa kakilala ko para may pambili ako ng gatas para sa anak ko." Nakangising wika ni Lea. Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Blake.
"Sige po, ma'am." wika ni Mang Luis at humakbang na papalayo sa kanila.
Nang ganap ng makalayo si Mang Luis ay bumaling si Lea kay Blake. "Blake, limang libo lang."
"Ang ano Lea?" maang-maangan na tanong ni Blake.
"Pinapatubos ko sa'yo ng limang libo 'tong hikaw ni Trix." pasaway na wika ni Lea.
"What? Baliw ka ba? Hindi kay Trixie 'yan!" pagsisinungaling ni Blake.
"Ah talaga, Blake? Sigurado ka na hindi kay Trixie 'to? Hindi man mabuo ang ipinutok mo kagabi?" paniniguro ni Lea.
Tahimik lang na nakikinig sa kanila sina Evan, Vince, Kathy at Dylan.
"Tama si Blake, Lee. Hindi ko hikaw iyan." sinakyan niya ang sinabi ni Blake.
"Trix, ano ang feeling nang sinako?" tawang-tawa na tanong ni Lea.
Pinamulahan siya ng mukha sa tanong ni Lea. Bumuntong-hininga siya at umamin sa harap ng mga kaibigan.
"Oo na, may nangyari sa amin kagabi sa loob ng kubo na imbakan ng palay at sako lang sapin namin. Kaya akin ang hikaw na 'yan." Nakayuko niyang pagtatapat.
Niyakap siya ni Blake bago ito magsalita. "Masaya ka na ba sa narinig mo, Lee?"
"Aamin lang pala kayo dami niyo pang satsat!" Kinuha ni Lea ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang kaniyang hikaw. "Sana mabuo na 'yan." Kumindat pa si Lea kay Blake.
"Congratulations, dude! Nakaraos kayo kagabi." patawa-tawang sabi ni Evan.
"Balak kong puntahan ang kubo." si Lea.
Hinawakan ni Dylan ang buhok ni Lea at hinila ito sa ilalim ng puno ng mangga. Hinabol naman nilang magkakaibigan ang dalawa.
"Umupo ka diyan, Reyes!" maawtoridad na boses ni Dylan.
Pabalyang umupo si Lea sa ugat at umupo rin sila. Si Vince na ang nagpresinta na umakyat sa puno ng mangga upang mamitas. Samantalang si Evan naman ang taga pulot ng bunga na malalaglag.
"Anong oras kayo aalis mamayang madaling araw?" tanong ni Blake.
"Mga 5 AM..." si Dylan ang sumagot.
"Iwan niyo na lang si Trixie dito---"
"Hindi pwede! Kasama namin si Trixie pumunta rito kaya kasama din namin siya pauwi." putol ni Lea sa sinabi ni Blake.
Dahil nga hindi pumayag si Lea na maiwan siya, walang nagawa si Blake kundi ang magpasya na lang na makikisabay sa van ni Evan para makasama siya nito.
"Ang daming tao dito kagabi, pero ngayon tayo-tayo na lang. Ganoon ba kayo mag-celebrate, Blake? Pagkatapos ng party uwian agad? Bukod sa pinsan mo walang kamag-anak mo ang nagpaiwan dito?" usisa ni Kathy.
"Busy kasi silang lahat. Saka iniwasan nila talagang magtagal dito, lalo na ang mga kapatid ng daddy ko dahil naalala lang nila dito sina lolo't lola." malungkot na wika ni Blake.
"Nakakalungkot naman kung ganoon." si Kathy ulit.
"Huwag na nating pag-usapan iyon." wika ni Blake.
Sinabihan sila ni Blake na magpakasawa nang kumain ng mangga dahil anumang oras darating na ang mommy at daddy nito. Siya na lang ang hindi pa nakikilala ng magulang ni Blake dahil si Kathy ay napakilala na pala ni Dylan na asawa nito kagabi sa party.
"Huwag kang mahiya mamaya ha. Mabait naman ang parents ko at alam kong magugustuhan ka nila." Hinalikan siya ni Blake sa pisngi sa harap ng kanilang mga kaibigan na sarap na sarap sa pagkain ng mangga.
"Ang asim ng mangga pero parang lalanggamin tayo dito." parinig ni Evan.
"Kumain na lang kayo ng mangga!" aniya. Binato niya ng balat ng mangga si Evan na nag-shoot naman sa kanilang sinasawsawan na suka na may asin kaya't sabay silang nagtawanan.
PATAGILID siyang nakahiga sa malambot na kama at nakadantay ang isang paa sa unan. Gising na ang kanyang diwa ngunit sadyang mabigat lang ang talukap ng kanyang mga mata kaya hindi niya magawang dumilat.
Nakarinig siya ng pagpihit ng doorknob at mga yabag papalapit sa kanya kaya nagkunwari siyang tulog. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mga kamay na tumatapik sa kanyang pisngi at kumakalabit sa kanyang puwetan.
"Litse ka, Trixie! Bubuhusan na talaga kita ng mainit na tubig kapag hindi ka pa d'yan bumangon!" banta ng isang babae.
Hindi niya pa man ito nakikita pero sa paraan ng pananalita, kilala niya na kung sino ito. Iisa lang naman lang kilala niyang palamura at iyon ay si Lea.
"Ano? Hindi ka pa ba babangon?" ulit nitong sabi.
Ipinagpatuloy niya ang pagtulog-tulugan para mainis ito dahil ang usapan nila magkasama sila sa iisang kwarto doon sa hotel. Pero ang ginawa nito isinama ang asawa na wala man lang pasabi at nagmukha siyang tanga doon sa reception area kanina.
"Hoy! Tulog na tulog ang g*ga! Gising na punyetang babae ka!" iritableng sigaw ni Lea na may kasamang malulutong na mura nito.
Bigla siyang pinatihaya ni Lea at binuksan pa nito ang kanyang mga mata pero hindi siya nagpatinag. Hanggang sa hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito.
Hinila nito ang suot niyang t-back kaya siya napabangon bigla para pigilan ito. Subalit huli na ang lahat at sa pagbangon niya humiwalay ang kanyang mga hita. Tumambad sa harapan ng kaibigan ang kanyang kepyas na kakafull-shaved niya lang kagabi.
"Kalbo na kalbo, Trix ah! May deforestation ba riyan?" natatawang tanong ni Lea habang pinapaikot nito sa daliri ang pulang t-back niya.
"Ibigay mo na sa 'kin 'yan!" singhal niya rito.
Ibinigay naman ito ni Lea sa kanya at pinatalikod niya ito para makapagbihis siya.
"Bingi ka ba, Lee? Sabi ko tumalikod ka muna magbibihis lang ako!"
"Ang arte mo naman, Trix! Ako lang naman 'to! Marami na akong nakitang pèkpék kaya balewala na 'yan sa akin!"
Tiningnan niya ito ng masama kaya napilitan itong sumunod.
"Bakit hindi ka man lang nagtext sa'kin na kasama mo ang husband mo?" tanong niya habang nagsusuot ng damit.
"I told Blake to call to you dahil naubusan ako ng load. Hindi ka ba niya natawagan?" narinig niyang wika nito.
Natigilan siya nang marinig iyon. Napagtanto niyang wala pang kaalam-alam si Lea sa ginawa niya kay Blake at sa isang eksena na iniwan niya roon sa kompanya ng binata.
"Bakit na tahimik ka? Hindi ka ba natawagan kanina ni Blake?" boses ni Lea na nagpanumbalik sa kanyang lumilipad na isip.
"Naka-off kasi ang cellphone ko kanina." pagsisinungaling niya para takpan na rin si Blake dahil makakatikim ito ng maanghang na salita ni Lea kapag sinabi niya ang totoo.
"Maiwan na kita, Trix ha.. Kita-kits na lang doon sa dining area ng hotel mamaya." paalam sa kanya ni Lea at inihatid niya naman ito sa pintuan.
NAGSIMULA na siyang mag-ayos ng kanyang damit na susuotin para sa party mamaya nang mahagip ng mata ang kanyang cellphone.
"Hindi talaga ako tinawagan ng lalaking iyon!"
Kinonek niya ang cellphone sa free wifi ng bungalow house at maya't-maya ang pagpasok ng kanyang mga notifications mula sa kanyang mga social media accounts.
Inuna niyang binuksan ang messenger para tingnan kung sino-sino ang mga nakaalala sa kanya. Gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita niya ang 5 missed video chat niya kay Blake.
"Is this real? Hindi na kaya siya galit?"
Sa nakita parang naibsan ang kaba niya sa dibdib para sa nakaamba nilang pagkikita ni Blake mamaya. Sinubukan niya itong tawagan ngunit 'ringing' lang ito.
Sinulyapan niya ang oras sa kanyang relo at mag-aalas sais na ng gabi. Tinungo niya ang bathroom para simulan sa pamamagitan ng pagligo ang pag-aayos niya ng kanyang sarili.
Pink smocked maxi dress ang napili niyang suotin. Kahit sleeveless ang dress hindi naman labas ang kanyang cleavage. Ngayong gabi susubukan niyang magdamit ng hindi malaswa sa paningin ng lahat.
Patapos na at nag-iispray na lang siya ng kanyang signature perfume, nang may kumatok sa pinto. Inilapag niya perfume na hawak sabay kuha ng kanyang cellphone at nagmamadaling tinungo ang pinto.
"Hi! You're so beautiful tonight, Trix!" Vince sweetly said.
Sabay kuha nito ng kanyang kamay at hinalikan iyon. Sana'y na siyang ginagawa iyon sa kanya ni Vince. After all, kissing the woman's hand shows a sign of respect.
Ngumiti siya ng matamis rito.
Nakita niya si Blake na naglalakad papunta sa kanaroroonan nilang dalawa ni Vince.
"Dude!" dinig niyang wika ni Blake sabay tapik nito sa balikat ni Vince.
Papalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Nakita na siya ni Blake pero hindi siya nito pinansin. Ni hindi man lang siya tiningnan nito.
"Shall we?" tanong ni Vince.
Mga marahang tango lang ang kanilang naging tugon.
Naunang sumakay si Blake sa sightseeing type resort car at siya ang susunod. Laking gulat niya nang ilahad ni Blake ang kamay nito para alalayan siyang makaakyat. Wala namang pag-aatubili na hinawakan niya ang kamay ng binata at nagpasalamat. Ginantihan naman iyon ni Blake ng isang ngiti na ikinapanatag niya.
PAGDATING nila sa hotel ay agad nilang pinuntahan ang dining area. Maraming tao na sa loob ng sila'y makapasok at halos karamihan ay pamilya ng mga Monteverde.
Inikot niya ang paningin sa kabuuan upang hanapin si Lea kung saan ito nakaupo para makita nila ang mesang nakareserved para sa kanilang mga ninong at ninang ni Alexandra.
"There they are!" wika ni Blake sabay turo sa unahan.
Nakaupo si Lea katabi ang asawa nito. Kasama rin nito si Samantha at ang asawa nitong si Christian na kapatid ni Vince. Nakita niyang kumaway si Samantha at Lea nang makita sila kaya hinawakan ni Vince ang kanyang kamay. Iginiya siya papalapit sa kinaroroonan ni Lea habang sa likod nilang dalawa tahimik lang na nakasunod si Blake.
"Trix, anong nakain? Himala, nakatago ngayon ang dalawang melon mo ah!" puna ni Lea na siniko naman ng asawa nito.
"Hi, Trix! I miss you so much!" malambing na tinig ni Samantha at yumakap sa kanya.
"I miss you too, Ate Sam!" Hinalikan niya ito sa pisngi.
Pinaupo siya ni Samantha sa tabi nito. Bali napagitnaan siya ni Samantha at ni Vince at kaharap niya naman si Blake. Maya-maya pa ay dumating na rin si Evan at umupo ito sa gitna nina Blake at Vince.
Princess theme ang birthday ni Alexandra kaya halos lahat ng kababaihan na naroon shades of pink ang suot at white naman ang mga kalalakihan. Ilang sandali pa ay lumabas na ang birthday celebrant at naupo na ito sa kanyang mala-tronong upuan.
"Naiyak ako. This is the first birthday celebration ni Alexandra na complete family siya." ani ni Samantha. Hinagod naman ng asawa nito ang kanyang likod.
"Hoy, Ate Sam.. Huwag kang umiyak hindi pa tayo nakapagpicture nagkalat na ang mascara mo." sita ni Lea.
"Ito na pupunasan ko na." sabay kuha ng tissue ni Samantha.
Ilang sandali pa ay tinawag sila para sa picture taking. Lahat silang mga ninong and ninang ng bata.
"The parents of the celebrant wants to say thank you for the perfect attendance of ninangs and ninongs." pabirong wika ng emcee na ikinatawa naman ng lahat na naroon.
NAGING maayos ang takbo ng gabi. Masaya silang kumain nang magkakasama, nagkukuwentuhan at nagtawanan. Lumalim pa ang gabi at nag-inuman na ang magkakaibigan.
Sa una, masaya pa silang nagbibiruan hanggang sa nagpaalam na sina Samantha at Christian na umakyat na sa kanilang silid. Nagpaalam na rin si Lea na ihatid nito muna ang asawa sa kanilang silid at babalik rin kaagad.
Lumapit si Dylan at si Kathy sa kanilang mesa at nakipag-inuman rin nang magsabi sina Maurice at Jean na sila na ang bahala kay Alexandra.
"Let's cheers!" sabay angat ni Dylan ng basong may lamang brandy.
"Teka lang! Sali ako!" wika ni Lea habang papalapit.
"Hindi ka kasali rito, Reyes!" biro ni Dylan.
"'Di huwag! Siguraduhin mo lang na kapag mamaga muli ang pépé ng asawa mo hindi mo ako tatawagan!" mataray na saad ni Lea na ikinayuko ng ulo ni Kathy.
"Joke lang. Let's cheers again, guys! Isali natin itong mabait nating kaibigan!" ngising turan ni Dylan.
NAMUMUNGAY na ang kanyang mga mata at ramdam na ramdam niya ang pag-init ng katawan dahil sa tama ng alak. Simula nang makasama nila sa inoman sina Vince, Evan at Blake, kinalimutan na nila ni Lea ang lasa ng ladies drink.
Si Kathy na lang ang umiinom ng ladies drink sa kanilang magkakaibigan dahil hindi nito kaya ang tapang ng brandy at hindi rin pinapayagan ni Dylan.
"Can I joined?"
Sabay-sabay silang napaangat ng mukha nang makarinig ng babaeng nagsalita.
"Ate Sam? Iinom ka?" tanong ni Lea at inalok ito ng upuan.
"Nope! Makikisali lang ako sa usapan." nakangiting sagot nito.
"Lasing ka na ba, Trix?" baling ni Samantha sa kanya.
"May tama na, pero kaya ko pa!" sagot niya.
"Ano? May tama na? Saan ba? Sa puso mo?" sunod-sunod na tanong ni Lea.
"Tama ng alak, Lee!" nakabusangot niyang sagot.
"Ah okay! Pero maiba lang ha... Sa ating apat ikaw na lang ang wala pang-asawa.. So, what's the plan? Kailan ka ba mag-aasawa? Aba'y bilis-bilisan mo na, malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad mo!" malakas na boses ni Lea na para bang nanay niya ito.
"Mag-aasawa din ako. Antay ka lang!"
"Kailan pa, Trix? Baka mamaya 18th birthday na ni Alexandra, single ka parin. Naku, nakakahiya nang maghain ng pépé kapag makunat na!" dagdag na pahayag ni Lea.
"Hindi pa tapos mga kapatid ko eh!" depensa niya.
"Puwede mo namang tulungan ang mga kapatid mo kahit may asawa ka na. Mas maganda pa nga 'yon dahil may katuwang ka! Pumili ka lang ng tamang lalaki, pero the choice is yours parin buhay mo naman 'yan eh..." singit ni Samantha.
"Hayaan mo na Lea si Trix. It's better to wait long than marry wrong!" wika naman ni Kathy.
"Hay, naku Trix... Bahala ka! Kung matikman mo lang, kung gaano kasarap ang luto ng langit. Sinasabi ko sayo makakalimutan mo ang pangalan mo, manginginig ang katawan mo at titirik pa ang dalawang mata mo. Ganito 'yon..." Tumayo pa si Lea at denimonstrate pa para makita niya.
Umalingawngaw ang kanilang tawanan sa ginawa ni Lea. Panaka-naka na rin lang ang tao sa dining area kaya kahit pa nakatawag ng pansin ang kaguluhang nangyayari sa kanilang mesa wala silang pakialam.
Ipinagpatuloy pa rin ni Lea ang ginagawa. Mabuti na lang at tulog na ang asawa nito, kung hindi binatukan na ito. Mas triple ang pagiging madaldal at pagkawalang-hiya ni Lea kapag nakainom. Malas niya lang talaga dahil ngayon gabi siya ang nakitang pagtripan nito.
Para matigil si Lea sa ginagawa at pang-aasar nito sa kanya may naisip siyang gawin.
Hinarap niya si Blake at hinawakan ito sa braso.
"Blake, pawarak naman ng pépé kahit isang gabi lang!" pabirong sambit niya sa sobrang kalasingan.
Napaupo naman si Lea sa nakita at narinig.
"Dude, did you hear that? Pagbigyan mo na kaya si Trixie... I think she's begging." natatawang dugtong ni Evan.
Nakita niyang ngumisi si Blake at nahalata niyang tutugon ito sa biro niya. Ang biro na iyon ay isa na ring pain niya para malaman niya kung may galit pa ba si Blake sa kanya o talagang wala na.
"Pwede naman! Pero ang tanong, may wawasakin pa ba? Baka naman maluwag na!" wika ni Blake na ikinatawa ng mga kaibigan.
Biglang nagpanting ang kanyang tainga sa narinig.
"Nagsisimula kang mang-asar? Pwes! Hindi kita uurungan!"
"Natahimik, malamang totoo!" dagdag pa ni Blake at tumawa pa ng malakas.
"Hoy! Masikip pa ito, Blake! Ang problema lang hindi mo talaga mawawasak 'to lalo na kung mala-bulate lang kalaki iyang karagada mo!" walang preno niyang wika at nagpasiklab ng iyon nang mas malakas na tawanan.
Nakita niyang napatungga ng alak si Blake nang marinig ang sinabi niya. Napansin niya rin ang pamumula nito.
"Eh di try natin Trixie nang malaman mo! Be prepared lang baka hindi mo kayanin at ikahimatay mo!" resbak ni Blake na umiba na ang tono ng pananalita.
"Talaga ba? Baka hanggang salita lang 'yan! Hindi kasi halata." Ngumisi pa siya.
Natahimik ang lahat at naramdaman niya sa ilalim ng mesa ang mga daliri sa paa ni Lea na kinurot ang kanyang hita. Alam niyang warning na iyon na dapat tigilan na niya ang pang-aasar kay Blake ngunit hindi siya nakinig.
"Siguraduhin mo lang Blake na hindi scam 'yan. Baka makapagpost ako ng expectation vs. reality!" pagpapatuloy niya pa.
Tumikhim si Vince para kumalma ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Blake.
"Change topic, guys!" wika naman ni Dylan.
"Let's enjoy the night! Cheers!" wika ni Samantha at itinaas nito ang baso na gatas ang laman.
Tumunog bigla ang cellphone ni Blake at nagpaalam itong sagutin muna. Tumayo rin siya upang sundan ito para humingi sana ng pasensiya ngunit hinila siya ni Vince para pigilan at nawalan siya ng balanse.
Nadumihan at nabasa ang kanyang damit. Pinunasan naman iyon ni Kathy ngunit hindi na siya komportable kaya nagdesisyon na lang siyang umuwi na lang sa bungalow house.
Bago lumabas ng dining area ay nagpaalam na siyang hindi na babalik at ihingi na lang siya ng pasensiya kay Blake na noo'y hindi pa bumabalik.
Inihatid siya ni Kathy at Samantha sa labas ng hotel at hinintay na makasakay siya sa resort car, bago bumalik ang mga ito sa loob.