Chapter 01:He is

1764 Words
Neo's POV *Tugs tugs tugs* *Insert Party Sounds* "JUST FEEL THE BEAT OF THE MUSIC!! PARTY PARTEEEE!!!!" sigaw ng Dj sa taas kung saan siya ang nagmamanipula ng musika Narito ako ngayon sa bahay ng isa sa mga naging kaibigan ko noon birthday niya kaya inimbitahan niya ako "Neo Matt!!!Bakit nagiisa ka lang?Why don't you join us to dance? The floor is always free!" bungad ni Brix, siya yung may birthday ngayon "Nah! I'm fine here, just enjoy your night dude." sabi ko nalang "You sure? You know what? Mukhang marami naman ang gustong makasama ka eh. Kung nakakahubad lang ang titig kanina ka pa sana walang damit." sabi niya at ngumisi-ngisi pa Napatingin naman ako sa paligid ko at ayun nga ang mga matang nakatitig sa akin. Mga mata ng mga babaeng kapos sa tela kung manamit. "Just don't mind them. Kaya ko ang sarili ko and by the way happy birthday pala." pagbati ko sa kanya at inangat pa ang baso kong naglalaman ng alak. "Sige salamat. Just enjoy the drinks." sabi pa nito at tinapik siya sa balikat para umalis. Tanging pagtaas nalang ng kamay ang naisagot ko sa kanya Sumasabay sa beat ng malakas na tugtugin ang kabog ng dibdib ko. Gustong gusto ko ang ganitong pakiramdam Tuloy tuloy lang ako sa pagiinom at hindi na ininda kung may tama na ba ako Maya maya pa ay may bigla nalang kumapit sa kaliwang braso ko Mabilis ko itong kinabig at masama siyang tiningnan "Oohh easy man. I just want to have a drink with you, mukhang mag isa ka eh." anas ng babaeng kaharap ko ngayon Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at hindi ko ipagkakailang maganda siya, maging ang katawan niya Pano ko hindi makikita ang magandang katawan niya eh halos maghubad na siya sa harap ko (-_-) "I'm Lacey if you don't mind." saad niya gamit ang nakakainis na tono "I really don't mind and I don't need you. Get lost." sabi ko saka tinuon muli ang atensyon sa hawak na baso "Aww sayang naman I really want to know more about you eh. May I know your name??" wika niya habang pinapasadahan ng kanyang kamay ang balikat ko At naiinis ako don "Pwede bang lumayas ka na sa harap ko at wala ako---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya ako kinabig at hinuli ang aking mga labi. Wala sa sarili ko siyang itinulak kaya muntik na siyang mahulog mula sa mataas na upuang kinauupuan niya "What the hell did you do?!You have no right to kiss nor touch me or anythi---" bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil may biglang sumuntok sa akin. Tiningnan ko kung sino ngunit dahil na rin sa may tama na nga ako ay hindi ko na maaninag kung sino ito. Hinawakan niya ang kwelyo ko at marahas na itinayo "Ang kapal ng mukha mong G*go ka para sulutin ang babae ko!" "Ako pa ang nanulot eh yang babae mo nga ang lumalandi at bigla bigla nalang nanghahalik. Pero infainess bro ang lambot ng labi ng girlfriend mo ahh." Pangiinis ko rito "G*go ka ahh!!!" Sigaw niya saka sinuntok muli ako Sumalampak ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya Tatayo sana ako para gantihan siya ng suntok ngunit naunahan niya ako Sinuntok niya ako muli habang nakapatong sa akin Kabilaan ang suntok na iginagawad niya sa aking pisngi ngunit manhid na yata ang mukha ko dahil wala akong maramdamang sakit Natigil lang siyang sumuntok nang dumating sina Brix at ilan sa mga kaibigan nito Inawat niya ang hayop na sumuntok sa akin at inalalayan akong tumayo "Rojer naman!Ilang beses mo nang sinira ang party ko masyado ka namang mainit eh!" saway ni Brix sa kanya "Pasensya na pare masyado rin kasing mayabang yang isang yan eh. Kompyansa masyado sa sarili." saad nito Kumalma ang sitwasyon at nawala ang tensyon. Umalis na yung Rojer kaya naman ako ang hinarap ni Brix. "Akala ko ba ayaw mo ng babae? Eh ano yun? Cause of trouble pa hanep!" Bungad niya saka ngumisi "Siya lumapit dude, hindi ako." sagot ko naman "Matinik ka ahh." pangaasar niya sa akin Sanay na sa akin si Brix at alam kong hindi na bago sa kanya ang mga ganoong eksena tulad kanina "Sige na Pare mauuna na ako medyo may tama na ko eh." pagpapaalam ko "Mukha nga, ayaw mo bang ipagamot muna sa mga maid namin yang sugat mo? Kaya mo pa bang magmaneho pauwi??" sunod-sunod na tanong niya "Hindi na, kaya ko na to wag mo ko alalahanin. Kaya ko pang magmaneho at isa pa para namang hindi ka na nasanay sa akin." sagot ko nalang "Sigurado ka ahh. Itext mo ko pag nagbago isip mo, ihahatid kita." habilin niya pa "Hindi na ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Just enjoy your night bro salamat." hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dire-diretso na akong lumabas ng kanilang bahay. Hindi ko itatanggi ang hilong nararamdaman ko. Sumabay pa ang sakit ng ulo at mga panga ko kaya imbis na dumaan pa sa bar na plano ko sana kanina ay mas pinili ko nalang na umuwi ng bahay. Pagdating ko sa bahay ay pasuray suray akong pumasok rito. Hilong-hilo na ako pero hindi naman ako nangangamba dahil hindi ko naman ugaling magsuka pag nalalasing at isa pa ay sanay naman na akong malasing kaya hindi na bago sa akin ang umuwing pagewang-gewang dahil kahit na malabo ay kabisado ko ang bahay namin. "My God Neo Matt! Lasing ka na naman!!" rinig kong sigaw ng aking ina "Jusko maryosep kang bata ka kelan ka ba magtitino!" dagdag niya pa "Hi mom. Good *huk* evening." bati ko sa kanya at nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat ng hagdan. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin namin ng tatay mo sa iyo Neo Matt ang hirap mong pagsabihan!!" wala ako sa mood makinig ng sermon niya kaya nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat ng hagdan patungo sa aking kwarto "Bakit ba hindi mo nalang gayahin ang mga kapatid mo lalo na ang kuya mo! Ikaw na bata ka hindi ko na talaga alam kung matatawag pa ba kitang anak ko!" hindi ko na nagawang marinig pa ang huling sinabi ng nanay ko dahil tuluyan na akong nakaakyat at nakapasok na sa aking kwarto. Malinaw naman sa akin na kinumpara na naman niya ako sa nakatatanda kong kapatid. Pagpasok ko sa kwarto ko ay hinayaan ko nalang ang sarili ko na bumagsak sa kama. Maya maya lang ay dinalaw na rin ako ng antok. K I N A B U K A S A N "NEO MATT!!!!!" naalimpungatan ako dahil sa sigaw na yon "My God Ashari! Get the hell out of my room!" angal ko habang yakap parin ang unan ko. "Aww." reklamo ko at napahawak sa ulo ko at dali daling napabangon dahil sa matigas na bagay na tumama dito. "Masaket?" mapang-asar na tonong tanong niya "Tss. What are doing here Ashari? Get Out!" asik ko sa kanya "Anong sabi mo?" "I said Get out." walang emosyong sagot ko "How did you say my name?" may pagbabantang tanong niya Sinamaan ko siya ng tingin "Ok fine! Ate! Happy now? You can leave." pasaring kong sagot sa kanya "Move." ma-awtoridad niyang utos "What?!" ano na namang trip ng babaeng to? "I said Move. Lumayas ka dyan." "Ano? Ang laki laki ng kama ko papaalisin mo pa ko?!" reklamo ko "Oo lumayas ka dyan at ako ang uupo sa kama mo. Tabe!" wala na akong nagawa nung siya na mismo ang tumulak sa akin kaya napaurong ako sa kabilang dulo ng kama. "Ano na namang trip mo?" hindi ko na napigilang punahin ang kalokohang ginagawa ng kapatid ko "Ikaw?! anong trip mo? Hanggang kelan ka magiging ganto? My God Neo Matt! You're already 22 anong gusto mong mangyari sa buhay mo?" sabi ko nga sermon ule eh "You don't need to know Ashari" "Isa pang Ashari mo at matatadyakan ko na talaga yang bibig mo." saad niya sabay irap Napakabrutal talaga ng babaeng to (-_-) "You know what Neo kung ako sayo magtitino na ako at ngayon palang aayusin ko na yung buhay ko." pangaral niya "You know what Ate? I'm still enjoying my life! Nakakastress seryosohin ang buhay." "Aling Life? Yung pagrerebelde? Alam mo ang dapat sayo makahanap ka ng babaeng makakatapat dyan sa ugali mo! Nang magtino yang baliko mong utak!" ang sakit naman magsalita nito "You know how I hate girls ate." sabi ko habang ipinaling ang ulo sa direksyon ng bintana Ang ganda ng pagkasikat ng araw. Hindi mainit. Yung tama lang at hindi nakakasilaw ang liwanag "Oo nga eh pati ako hate mo." napalingon naman ako dahil sa sinabi niyang yon. Tampo pa. "Of course not ate ikaw na nga lang kakampi ko dito eh." sabi ko saka lumapit at yumakap sa kanya "Ayan maglalambing ka kapag nagtatampo na ako pero hindi mo na nga tinatawag na ate. Kung hindi pa sabihan hindi pa gagalang." may pagtatampo paring sagot niya "Eh kasi naman we're twin! We have the same date of birth and the same age. So what for kung tatawagin kitang ate?" "Mas nauna parin akong lumabas kesa sayo kaya ako ang ate at ikaw ang bunso!" Napaface palm nalang ako dahil sa sagot niya. Palagi nalang bigdeal sa kanya ang pagtawag ko sa kanya ng ate. But at the same time nagugustuhan ko rin yon kasi nagagampanan niya talaga yung tungkulin niya bilang ate sa akin. "Umayos ka na nga at mag almusal na tayo, gagamutin ko rin yang mga sugat mong resulta ng pag e-ENJOY mo sa buhay mo." sabi niya habang pababa ng kama. "Oh ba't hindi ka pa kumikilos? Ayaw mong kumain?" tanong niya nang mapansing hindi pa rin ako kumikilos Matagal niya pa akong tinitigan bago makuha ang sagot Napabuntong hininga muna siya bago magsalita "Don't worry, umalis sina mom and dad, si kuya naman maagang pumasok kaya tayong dalawa lang ang sabay na kakain." saad nito Nagliwanag ang mukha ko dahil doon kaya naman pumunta na ako sa C.R para magtoothbrush Ashari's POV Sinundan ko ng tingin ang kapatid kong nagmamadaling pumunta sa c.r Kitang kita ko kung paano magliwanag ang mukha niya nang malamang kaming dalawa lang ang kakain ng sabay ngayon sa almusal Nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon ng kambal ko pero hindi maalis sa akin ang mainis dahil sa pinaggagawa niya sa buhay niya Neo was a very stubborn guy He really is...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD