Episode 1 Ang Unang Tagpo

515 Words
"Elaine! Elaine!" malakas na sigaw ng nanay ni Elaine ang gumising sa mahimbing niyang tulog. Napuyat kasi siya kagabi kakanood niya ng paborito niyang korean drama. "Elaine may bisita ka", bungad ng kanyang ina sa pintuan ng kanyang kwarto. Kukurap kurap siyang lumingon sa ina niya habang iniinda ang antok niya dahil nabitin ang kanyang tulog. "Sinu ma?" tanong niya "Si jeena anjan sa baba, may pupuntahan daw kayo ngayon" Bigla niyang naalala ang usapan nila ng kanyang bestfriend, si Jeena na nakilala niya nung college siya. Siya ang naging kaibigan niya nung nag college siya at mula nun ay ito na rin ang naging best friend niya. Ito lang ang tanging pinagsasabihan niya ng mga sama ng loob niya, pati na mga sikreto ay dto na rin niya nasasabi. Mabilis siyang bumangon at inayos ang kanyang higaan bago bumaba sa kanilang sala. "Bes sorry, napuyat ako kagabi" sabi niya sa kanyang kaibigan "Yan nanaman tayo sa kakanood mo ng korean eh, bilisan mo na bes malalate na tayo sa interview natin" Sila ay kasalukuyang nag aapply sa mga kumpanya sa Maynila, at ngayong araw ay ang una nilang araw sa pag jojob hunting. Kahit saang kumpanya na may hiring na related sa kurso nila ay inaapplyan nila at bahala na kung sinu ang maunang makatanggap sa kanila. Una hanggang pangatlong kumpanya na napuntahan nila ay tanging "tatawagan nalang po namin kayo" ang narinig nila. Nawawalan na sila ng pag asa sapagkat lagi nilang naririnig yun sa mga kakilala nila na eto daw ang laging bukambinig ng mga kumpanya kung hindi sila interesado. "Bes kain muna tayo, nagugutom na ako" -Ellaine "Sige hanap nalang tayo ng kainan malapit" Habang patawid sila ay muntik silang banggain ng isang magarang kotse. Bumusina ito ng malakas kaya naman sabay sabay nagtilian sa gulat ang magkaibigan. "Hoy! wag kayong paharang harang sa kalsada" sigaw ng driver sa kanila Nag init naman ang ulo ni Jeena sa narinig. "Hoy ka rin, hindi ka ba marunong magmaneho? Bulag ka ba? Hindi mo kami nakitang tumatawid?" sigaw ni Jeena habang si Elaine ay masama ang tingin sa lalaki "Muntik mo na kami masagasaan kuya ikaw pa tong galit"-Elaine "Wala akong paki mashado kasi kayo tanga tanga tumawid,nagmamadali ako tumabi kayo!" sigaw naman pabalik ng lalaki sabay paandar ng kotse niya paalis. "Bastos! porket mayaman at nakakotse ang bastos na!" -Jeena "Hayaan mo na Jeen umalis na siya dagdag stress lang yan sa atin" - Elaine "Wag lang kami ulit magkita ng lalaking yun! kundi makakatikim siya sa akin!" Samantalang si Liam naman ay napamura sa kanyang kotse sapagkat muntik na siya makasagasa sa pagmamadali niyang magmaneho kanina. Kelangan niyang maabutan ang kanyang girlfriend, si Trix, na paalis patungong ibang bansa dahil bigla itong nagtext sa kanya na makikipaghiwalay at lalayo na. Nalaman niya sa kaibigan ng kanyang girlfriend na aalis eto ng tuluyan at hinding hindi na babalik, nalaman niya rin na meron etong ibang lalaki kaya naman sobra ang kanyang pagmamadali para marinig niya manlang na sabihin sa kanya ang totoo. Gusto niyang tanungin kung bakit niya eto nagawa sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD