-Belleyel- "WHAT is happening, Drozell?" Naguguluhang tanong ko sa kanya habang hinihila niya ako papunta sa kanyang kotse. "Bakit mo ako tinatakas?" "Icell said that I should take you away from here." "Hah?" Hindi na ako nakapagsalita nang at sumunod nalang ako sa kanya. Ang seryoso kasi ng mukha niya. "May nangyari ba kay Icell?" "I don't know," Kanina pa niya sinusubukang tawagin si Icell ngunit hindi daw iyon sinasagot ng lalaking iyon. "I still can't reach him." Binuksan na niya ang makina ng kanyang kotse at pinaadar na niya iyon. Mabilis ang kanyang pagmamaneho kaya't napahawak ako sa seatbelt ko dahil natatakot ako at baka makabangga kami. "Drozell, you're scaring me. Can you please tell me what's going on?" Nakita ko ang pagbuntung-hininga niya, nag-isip pa siya kung sa

