-Belleyel- Naramdaman ko ang pagdausdos naming dalawa sa dingding. Hapong-hapo na siya sa pinsalang natamo niya at natatakot ako sa kalagayan niya ngayon. Nasa likod lang namin ang mga naglalaban na mga tao, ngunit wala akong pakealam sa mga nangyayari sa paligid ko at tinignan si Icell. Paranv tinusok ng napakaraming karayom ang aking dibdib nang makita ang nahihirapan at duguan niyang mukha. Malaki ang pinsala na natamo nito sa ulo at halos pumikit na ang isa nitong mukha, namamaga ang kaliqang pisngi nito at sumugugo ding ang labi nitong may sugat. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang aking pisngi gamit ang ang duguan niyang kamay. "I-I told you, I will protect you..." Napaiyak ako sa kanyang sinabi at napahagulhol sa harapan niya. Wala na akong pakealam kung nagmumukha na akong

