WARNING: SPG! __Belleyel's POV__ "WHAT do you want?" Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon at namimili ng damit ko habang siya naman ay kampanteng nakaupo sa pulang sofa at mataman akong tinititigan. Umiwas ako ng tingin at nilingon na ang ilang mga damit na nakalagay sa naturang boutique. "Would you stop looking at me?" Naiilang na sabi ko sa kanya habang ang atensyon ko ay nasa mga damit. "Where should I look then?" Kumibot-kibot ang bibig ko. "Hindi ko alam. Siguro kung saan maganda ang view." Natahimik na siya kaya naman hindi ko na siya pinansin, ngunit ramdam ko parin talaga ang titig niya sa akin kaya hindi ako makapili ng maayos. Nang ligonin ko siya ay nalaman kong nakatitig pa talaga siya sa akin. "Why are you still looking at me?" Unti-unti itong napangisi. "Because you a

