__Belleyel's POV__ NAPANGANGA ako sa nabungaran ko sa kusina. Puno ng itim na usok ang kabuuan nito at malalanghap mo ang kakaiba na amoy sa hangin. Magulo rin ang mga kagamitan at yung iba naman ay tila yata minurder na dahil wasak na at ang iba ay bali na at na-deform ang itsura. Abala siya sa pagluluto ng hindi ko alam kaya naman hindi niya pa ako napapansin na nakatayo sa pintuan. Napapatingin rin ako sa nilluluto niyang sunog na itlog na nasa kawali. Malakas pa ang apoy niya don. "Oh sh*t!" Narinig kong mura niya nang sa wakas ay napagtuonan na niya ng pansin ang kanina pang sunog na sunog na itlog. "F*ck*ng eggs!" Muntikan na akong matawa nang murahin niya ang sunog na itlog. Siya lang yata ang kidnapper na napapatawa ang kinidnap niya. Sana man lang bago niya ako kinidnap ay nag

