__Belleyel's POV__ HINDI na ako lumingon sa likuran ko at sinundan ko ang sinabi ni Icell. Nadapa ako nang maapakan ko ang kumot na nakabalabal sa aking katawan. Hindi pa ako nakakatayo nang may humila bigla sa kamay ko at itayo ako. Nahindik ako nang malaman kong hindi iyon kasa-kasama ni Icell. "S-sino ka?! Anong gagawin mo sa akin?" Tili ko nang bigla ako kinaladkad ng naturang lalaki palapit sa isang kotse, di kalayuan sa kinaroroonan namin. Nilingon ko naman ang daanan na sinasabi sa akin ni Icell. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ng lalaki. Ngunit dahil may sinat pa ako at mahina ako ay hindi ako nakawala. Hindi naman ako maririnig ni Icell dahil nilalamon ng tunog ng baril ang sigaw ko. "Icell! Icell!" Pasigaw na tawag ko sa kanya ngunit natigil ang pagsigaw ko nang sa wak

