Warning: SPG! __Belleyel's POV__ LUMIPAS ang tatlong araw na hindi ako lumalabas ng kwarto. Iniiwasan kong maabutan ako ni Icell dito para hindi na maulit ang mga mainit na tagpo na namamagitan sa amin. Mayroong banyo dito sa kwarto ko at dinadalhan naman ako ni Icell ng pagkain at kadalasan ay nawawala siya nalang bigla kaya naman doon lang ako lumalabas ng kwarto. Sinusubukan ko ring tumakas sa bahay niyang napakalaki ngunit lagi akong bigo mas lalo na't nakadandado ang mga pinto na maaari kong labasan. Hindi ko mapigilang lumuha minsan sa sobrang kalungkutan, at sa takot na nararamdaman ko dahil sa isiping pwede niya akong galawin anumang oras. Wala akong pag-asang tumakas, kahit pa na lagi siyang wala. "Belle!" Napatingin ako sa pintuan nang pagbabayuin iyon ni Icell. Kasing-lakas

