-Belleyel- Nagising ako na parang ang bigat-bigat ng katawan ko at tila napagod ako mula sa napakahabang pagtakbo. Bahagya pang kumunot ang noo ko dahil kakaiba sa pakiramdam ang aking kinahihigahan na kama at napakatigas nito. At nakakapagtaka na mainit ang aking kama. Bahagya kong iginalaw ang aking mga braso para tumagilid ng higa ngunit iangat ko iyon ay nagulat ako nang maramdaman ang isang braso na nakapulupot sa aking beywang. Napadilat ako ng wala sa oras at tumingala mula sa pagkakadapa. Namataan ko ang natutulog na mukha ng lalaking pilit kong kinalilimutan at iwasan. Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa magkadikit naming katawan at mas lalo pang lumuwa ang mata ko nang mapagtantong parehas kaming walang saplot. "Oh my g-" Napatakip ako ng bibig at nagmamadaling umalis mu

