"Apo!" Napalingon ako sa nagsalita at si Lola pala. Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. "Tapos na ba s'yang ayusan?" Tanong pa ni Lola sa nag-aayos sa akin . "Malapit na po Donya Mariella." Sagot ng make up artist na s'yang kanina pa nag-aayos sa akin. Hanggang sa matapos nga itonsa kan'yang mga ginagawang sa mukha ko. "Tapos na ba?" Tanong ko pa. "Opo Señorita,tapos na." Sagot nito sa akin. "Pwede bang lumabas ka muna." Utos pa ni Lola sa make up artist na agad naman na tumalima sa utos ni Lola dito Nang makalabas ang make up artist ay mas lumapit pa sa akin si Lola.l "Napakaganda mo apo!" Sabi pa nito at tila na-excite naman ako na makita ang kinalabasan ng kanina paglalagay ng kung anu ano sa mukha ko. Sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig sa mga paglalagay ng kung anu-

