"Apo,bakit parang hindi mo naman ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong sa akin ni Lola. "Pasens'ya na po,medyo napagod ako sa pamimili. Parang gusto ko na lang po na magpahinga muna." Sagot ko kay Lola,pero ang totoo ay iniisip ko pa din ang pagkikita kanina ni Xandro at Baby Yeira. "Sige Iha,mabuti pa nga na magpahinga ka muna." "Aakyat na po muna ako Lola."Sabi ko dito at tumayo na sa aking kinauupuan. Habang si Adam naman ay tila nagmamasid lamang sa aking ikinikilos. Umakyat ako sa kwarto at inabutan ko si Yaya Shane na inaayos ang mga pinamili ko kanina kay Baby. "Senorita,may iuutos po ba kayo?" Tanong nito sa akin. "Wala Yaya, pwede ka ng magpahinga muna,dahil alam kong napagod ka din kanina." Ani ko dito. "Senorita, humihingi po ako ulit ng pasens'ya sa nagawa ko kanina,pangak

