"P'wede ba papasukin n'yo na ako!" Sabi ni Loyda sa dalawang lalaki na naka-assign sa guest list at kanina pa nila hinahanap ang pangalan ni Loyda pero hindi nila makita. "Miss pasens'ya na po talaga,pero wala ka talaga dito sa guests list na ibinigay sa amin." . "Asawa ko nga si Mr. Xandro Allegre! Bakit ba ayaw n'yong maniwala sa akin?" Galit na nakikipagtalo pa si Loyda sa mga ito. "Kung asawa mo po s'ya,bakit ka n'ya iniwan dito sa labas?" Tanong pa ng isang lalaki. "Kasi nga sinabi ko na sa inyo na nagtingin-tingin lang ako sa paligid,dahil nga ang laki nitong hotel na ito." Sagot pa ni Loyda at tila hindi talaga sa kan'ya naniniwala ang mga ito. "Tawagin n'yo si Xandro sa loob at sabihin n'yo na nandito pa ako sa labas." Utos pa ni Loyda. "LOYDA!" Napatingin naman ito ng marini

