Gabi na at maghapon lamang ay puro laro at kain ang ginawa nila.
Ayaw ko kasing makisali sa kanila,mas gusto ko pa din na tanawin na lamang sila habang nagsasaya.
Ngayon heto kami at nakapalibot sa bonfire na ginawa ng mga boys kanina.
Dahil sa pangungulit ni Camie ay sumali na din ako sa inuman nila.May mga dala din kasing inumin sila Fonso na pwede din sa aming mga babae.
Paikot kami ngayon at nasa magkabilang gilid ko si Fonso at Yzmael,habang katabi naman nito si FIA sa kabilang gilid n'ya.
Kung makapulupot ito kay Yzmael ay akala mo tuko,, kanina pa din ito nakadikit sa lalaki na tila nag-eenjoy naman sa presensya ng babae.
Nakadalalawang bote na din ako at medyo tipsy na din sa nainom ko.
"Game na guys,alam naman natin na medyo laos na itong laro na ito,pero masaya kasi ito kaya naman ito ang lalaruin natin." Sabi pa ni Camie na may hawak na bote ngayon at tila alam ko na ang laro na ito na madalas nga noon ay hindi ako sumasali,pero ngayon ewan ko ba! Pero may lakas ako ng loob na sumali ngayon.
Naiinis na din kasi ako sa paglalandian ng dalawa dito sa tabi ko.
"Truth or dare!" Sigaw pa ni FIA na sobrang excited ito sa ganitong laro.
"Game! Game! Game!" Suagwan nila.
"Amirah kaya mo pa ba!?" Tanong sa akin ni Fonso.
"Oo naman kaya ko pa,kaya sasali pa nga ako dito sa laro n'yo ngayon." Sagot ko dito.
"Sigurado ka ba d'yan,dati naman ayaw mo ng ganito?" Tanong pa nito na tila hindi makapaniwala na sasali ako.
"AMIRAH sasali ka ba sa amin!?" Sigaw naman ni Camie, hindi din kasi nila naririnig ang pinag-uusapan namin ni Fonso,dahil halos magbulungan na kami dito sa gilid.
"Oo sasali ako," sagot ko dito.
"Yown! Masaya ito." Sabi pa ni Camie na halata naman na excited din ito.
"So ito ang mechanics kapag Truth ang pinili n'yo ay sasagutin n'yo ang tanong ng magtatanong,at at kapag naman dare lalagyan lamang natin ito ng twist.Paliwanag ni Camie sa amin.
" So ano game na ba kayong lahat!?" Tanong pa ni FIA.
"Yes na yes,,game na simula na natin ito!"sigaw naman ni Luis na nakayakap pa sa beywang ni Camie.
Masaya ang dalawa sa relasyon nila at kahit anak ng isang mayor si Luis ay hindi ito naging hadlang para mahalin nito si Camie na katulad ko ay isang mahirap na naninirahan lamang dito sa Isla.
Hanggang sa nag-umpisa na nga ang game nila at unang tumapat ito kay Camie.
"Truth and Dare!?" Si Luis ang nagtanong dito.
"Truth." Sagot ni Camie dito.
"Mine,lahat ba ay kakayanin mo para sa atin!?" Tanong ni Luis dito na halata naman na seryoso ang tanong nito kay Camie.
"Ano ba naman klaseng tanong yan," Sabi pa ni Camie.
"Sagutin mo Mine please!" Sabi pa ni Luis.
"Syempre naman Oo lahat ay kakayanin ko para sa ating dalawa,kahit na ano pa ang dumating sa atin na problema ay kakayanin natin okay at hangga't kaya ko ay intindihin kita." Sagot ni Camie na pati ata ako ay nadala sa naging sagot nito.
Sa totoo lang kasi ay ayaw ng mommy ni Luis kay Camie kaya naman siguro ay ito ang malaking pagsubok naman sa buhay pag-ibig ng dalawa.
Pinaikot na ulit nila ang bote at tumapat naman kay FIA.
"Truth or Dare!?"
"Dare!" Sagot ni FIA kaya naman napangiti si Camie.
"Do something na ikigugulat ni Yzmael!" Utos ni Camie dito at napatingin naman ako sa reaction ni Fonso.
Tila wala naman itong pakialam sa gagawin ng kan'yang kapatid.
Hinihintay namin ang gagawin ni FIA.
Tumayo ito at ang ginawa nga nito ay biglang kumandong kay Yzmael sabay halik sa labi nito na tinugon din naman ni Yzmael.
Ngayon ko narealized na sobrang sakit pala na makita s'yang may kahalikan na ibang babae.
Nakita ko pa na nagmulat ng mga mata n'ya si Yzmael at nagtama ang mga mata, habang s'ya at si FIA ay patuloy pa din sa paghahalikan.
Mahal ko na nga lalaking ito! Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at inisang lagok ang laman ng kalahating bote pa na iniinom ko.
"Woooohhh!" Sigaw pa Camie at Luis.
"Hindi ko alam na tapos na din pala ang dare ni FIA.
"Grabe ang init naman." Sabi pa ni Camie.
"Nag-enjoy ka ba Pare!?" Tanong naman ni Luis kay Yzmael at tila ba hindi ko na kaya pang marinig ang sagot nito kung nag-enjoy ba s'ya sa paghalik ni FIA sa kan'ya.
"Yeah!" Simpleng sagot nito na masakit para sa akin dahil sa isang salita na iyon ay para akong tinutusok ngayon ng aspile.
"Sa galing ko ba naman humalik,hindi magugustuhan ni Yzmael. Imposible iyon guy's." Confident pa na sabi ni FIA.
"Okay next na!"pinaikot na muli nila ang bote at tumapat ito sa akin.
"Ito ang gusto ko na tanungin!" Sabi pa ni FIA.
"Truth or Dare!?"
"Dare!" Matapang na sagot ko dito.
"Ay,iba ito matapang sayo Mine ang mga kasama natin." Sabi pa ni Luis na siniko lamang ni Camie.
"Halikan mo si Kuya Fonso ,not only plain kiss na parang bata." Utos ni FIA sa akin.Hindi ko nga alam kung paano ba humalik at wala pa akong karanasan sa ganito.
Pero dahil sa tama ng alak at nasasaktan ako ngayon ay para bang gusto kong gumanti, tumingin ako kay Fonso at tulad ng utos ni FIA ay hinalikan ko nga ito.Pero hindi pa nagtatagal na nakalapat ang aking mga labi sa labi ni Fonso ay bigla na lamang may humila sa akin.
"Ay ano ba," Sigaw ko pa pero tila walang balak na bitawan ng lalaking ito ang aking kamay.
Nang iwawaksi ko ang kamay nito ay bigla naman akong kinarga nito.
"Bitawan mo ako Yzmael?" Utos ko pa dito.
"Ano bang ginagawa mo Yzmael,ibaba mo nga ang babaeng yan." Sabi naman ni FIA na tila nagmamaktol na sa gilid nito.
"Tumigil ka na nga FIA!" Saway naman ni Fonso sa kapatid nito.
"Pero Kuya,dapat nga ay pinipigilan mo din sila." Sabi pa ni FIA.
"Sige na Yzmael mag-usap na kayo ni Amirah,ako na ang bahala dito sa kapatid ko." Sabi pa ni Fonso.
"Fonso ano bang sinasabi mo d'yan,wala naman kaming kailan na pag-usapan ng lalaking ito." Sabi ko at tumawa lamang ang bestfriend ko sa akin.
"Akala mo lang wala Best,pero iba ang ikinikilos mo at nakikita ko sa mga mata mo." Matalinghaga na sabi pa nito.
"Salamat P're!" Sabi pa ni Yzmael dito na kinarga lamang ako na parang sako ng bigas ngayon.
"Ano ba ibaba mo nga ako!" Sigaw ko pa at hinampas lamang nito ang aking p'wet.
"Ibaba din kita maghintay ka muna d'yan."Sabi nito at nanahimik na lamang ako kaysa magsisigaw pa, hihintayin ko na lamang kung saan ba ako nito dadalhin.
***********************
Samantala
Si FIA naman ay inis na inis dahil hindi n'ya masundan si Yzmael at Amirah.
"Alam mo Kuya, hindi kita maintindihan! Pagkakataon mo na iyon para mahalikan si Amirah na matagal muanng minamahal hindi ba!"Pasigaw na tanong ni FIA sa kuya nito na umupo lamang ulit sa buhanginan.
"Alam mo FIA, tama ka mahal na mahal ko nga si Amirah kaya nga kung sino ang makapagpapaya sa kan'ya ay tatanggapin ko ng buong buo sa loob at alam kong si Yzmael ang mahal n'ya at tanging pagkakaibigan lang talaga ang kaya n'yang maibigay sa akin." Sagot ni Fonso sa kapatid nito.
"Pero Kuya,mahal ko din si Fonso at sa ginagawa mo na ito ay nasasaktan ako ngayon." Sabi pa ni FIA na may kunwaring mga luha pa para maawa sa kan'ya ang kapatid.
"Tigilan mo nga ako FIA,,oo gusto mo s'ya pero alam mo din at ramdam na ramdam na hindi ka gusto nung tao. Kaya h'wag kang tanga ,hayaan muna sumaya ang mga taong nagmamahalan dahil kung para sa'yo si Yzmael ay matagal na sanang naging kayo,halos ipagduldulan muna ang sarili mo sa kan'ya,pero wala ka din napala."Sabi pa ni Fonso na hindi na naitago ang inis na nararamdaman para sa kan'yang nakakabatang kapatid na wala nang ginawa ku'ndi ang gumawa ng kalokohan maging sa university kung saan ito nag-aaral sa bayan ay puro sakit ng ulo ang nakukuha ng mga magulang nila dahil sa kan'yang kapatid
"H'wag kang tanga FIA!" Madiin na pagkakasabi nito na lalong ikinainis ng kan'yang kapatid.
"I hate you Kuya,,isusumbong kila Mama itong ginawa mo sa kanya akin ngayon," banta ni FIA sa kan'yang nakakatandang kapatid bago ito nagdadabog na naglakad papunta sa tent nila.
Habang si Fonso naman ay napapailing na lamang sa kan'yang kapatid, hindi din naman s'ya natatakot sa banta nito.Dahil alam ng kan'yang mga magulang ang ugali ng kapatid n'ya.
"Magsumbong ka hangga't gusto mo!" Sabi pa nito kahit wala naman na ang kan'yang kausap.
"Masarap pang kabonding itong alak ngayon na birthday ko." Wika pa nito sabay laklak ng alak sa bote.
"Mahal kita Amirah,mahal na mahal kaya lang ay hindi ka maaring maging akin."Muling sabi nito at nahiga sa buhanginan na may luha sa kan'yang mga mata.
Ang magkasintahan naman na sila Luis at Camie ay pumasok na din sa tent nila at buong gabi din na pinagsaluhan ang kanilang pagmamahalan sa loob ng tent.
Habang si FIA naman ay inis na inis sa ungol ng dalawa.
"Aaahhh! Tumigil kayong d'yan!" Sigaw ni FIA pero tila walang narinig ang magkasintahan at patuloy pa din ito sa kanilang pagniniig.
ITUTULOY....