Nang makalabas kami ni Asun ay nabungaran pa namin si Manang na tila hinihintay talaga kaming lumabas. "Ang tagal n'yo naman dalawa d'yan ay kung makasarado kayo ng pinto ay para bang takot na takot kayong mapasok." Sabi m Manang at napakamot na lamang sa ulo di Asun dahil s'ya ang nasa unahan at natalakan ni Manang.x "Nay naman, sorry na po kasi itong si Amirah ay nagbibihis pa kanina kaya naman natagalan kami."Sagot nito na ako naman ang pinangsangkalan kay Manang. "Tama na ang turuan n'yo at sumunod na din kayo sa akin sa kusina dahil marami tayong lulutuin." Sabi pa ni Manang at naglakad na ito papunta sa kusina habang kami naman ay nakasunod dito. "Bakit naman ako ang ginawa mong alibi kay Manang?" Tanong ko pa dito ng pabulong. "Sorry naman Amirah,wala na akong ibang maisip at i

