Dalawang araw na kami dito at bukas ay aalis na kami para umuwi sa mansyon. Sa mga araw na nandito kami ay marami kaming napuntahan at ngayon nga ay gusto daw nito na makita ko ang ilalim ng dagat na matagal ko naman na talagang nakikita, dahil nga lumaki ako sa isang Isla na napapaligiran ng karagatan. Nandito pa ako sa kwarto namin at si Xandro naman ay nasa baba na para aasikasuhin ang sasakyan namin para makapaglibot dito sa beach resorts na talaga palang sikat,lalo na sa mga magka-kasintahan na gusto talaga ng romantic na lugar ay bagay talaga ang lugar na ito. Gusto ko nga na malaman kung paano nabuo ang pangalan ng resorts na ito ,dahil tunog pangalan ng tao ang tawag dito. Kanina pa umalis si Xandro,pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapagdesisyon kung alin ba ang aking

