"Siguraduhin n'yo lang na matutulog na talaga kayo at ikaw Asun ay bukas nalang kausapin mo si Amirah para makapagpahinga na din s'ya." "Opo Nay, promise matutulog na po kami." Sagot ni Asun kay Manang Ising na parang hindi pa kumbinsido sa sagot sa kan'ya ni Asun. Isinarado naman ni Manang ang pinto at nahiga na nga kami sa kama na ang sarap higaan dahil sobrang lambot ng kama na para bang nakahiga ako ngayon sa mga ulap sa sobrang lambot nito. "AMIRAH,bukas na nga tayo magkwentuhan at baka mamaya ay bigla na naman kumatok si nay Ising." Sabi pa ni Asun. "Si Manang ba ay nanay mo talaga?" Tanong ko dito. "Hindi,tawag ko lang sa kan'ya ay Nay Asun dahil ito na ang aking nakasanayan na itawag sa kan'ya,at alam mo bang napakabait n'ya lalo na sa ating mga nangangailangan ng tulong kaya

