Naging maayos naman ang lahat sa mga unang araw ko dito kompanya at kahit paano ay nasasanay na din ako. "Miss Kim, Anong schedule ko ngayon?"Tanong ko sa aking sekretarya na dating sekretarya naman ni Lola. Sa totoo lang ay hindi talaga madali ang aking trabaho, dahil sa akin lahat umaasa ngayon ang mga empleyado namin. Ayaw ko din naman na pumalpak kaya naman kahit pagod na pagod pa minsan ay naglalaan pa man din ako ng oras para lamang makapag-research. Gusto ko kasi ay maging pulido ang lahat ng aking kilos,kaya naman kahit nahihirapan ay hindi ako sumusuko. "Ngayon ang araw ng meeting mo with Mr.Allegre Señorita. "Sagot sa akin ni Miss Kim na aking ikinagulat pa dahil ang bilis talaga ng panahon at ngayon ay muli na naman kaming magkikita para sa isang partnership na naipangako sa

