FOURTEEN: With The Imperial Cousins
Tahimik kami ni Kuya Caleb habang nasa byahe papuntang Batangas kasabay sina Mama.
“Anong problema, Akiara, Caleb?” tanong ni Papa Owen
“Wala po.” Sabi ko. He’s still mad. I’m confused. Bakit ba siya nagagalit? Di naman ako nagsinungaling ah?
“Andito na tayo.” Sabi ni Papa Owen.
Almost 3 hears din ang byahe, 9:30 AM na and it seems like kanina pa nandito yung iba.
Pagkababa namin ng sasakyan, kay Mama Charlotte ako sumabay nung papasok sa kami sa resort. Why am I nervous anyway?
“Ija, may problema ba kayo ng kuya mo?” tanong ni Mama Charlotte
“Wala naman po... Uh I think? Ang gulo niya.” Sabi ko kay Mama Charlotte
“May ginawa ka ba?” tanong ni Mama Charlotte kaya napaisip ako.
“Wala naman po. Medyo ginabi lang po ako ng uwi.” Sabi ko
“Pag-usapan niyo yan mamaya ng kuya mo.” Sabi ni Mama Charlotte
“Opo, Mama Charlotte.” Sabi ko
“Sige na, mukhang gusto ka nag maka-bonding ng mga pinsan niyo.” Sabi ni Mama Charlotte kaya pumunta na ako sa pwesto nina ate Aoi at Ate Momo.
“Akiara!! My gosh! Teka sabi ni Caleb wala ka raw.” Sabi ni ate Aoi at niyakap ako
“I missed you, Akiara.” Sabi ni ate Momo at siya naman ang yumakap sa akin
“How are you, Akia?” tanong ni ate Aoi
“I missed all of you too.” Sabi ko at bumitaw sa yakap nila
“Naku, Akiara, niloloko ka lang ng mga yan.” Sabi ni Kuya Caleb at hinigit ako tapos niyakap mula sa likod. Wait. I thought galit siya sa akin?
“Alam mo bro, kung may gusto ka kay Akiara, sabihin mo lang.” Sabi ni Kuya Gionne. What? Is Kuya Gionne may pagka-crazy?
“Sus di ka lang makaporma kay Haley eh.” Kantyaw ni Kuya Niji kay Kuya Gionne
“Bobo! Parang ikaw nagagawa mo kay Crystal ah.” Sabi naman ni Kuya Ichigo
“Mga Kuya, lahat naman kayo di yon magawa.” Pang-aalaska ni Nicholas. The alaskador brother of kuya Niji. Siya lang ang ka age ko sa lahat ng Imperial cousins.
“Di mo rin naman magaw kay Jenny ah.” Sabi ni Kuya Ichigo sabay batok kay Nicholas. They’re really physical kapag asaran.
“Parang ikaw, Ichigo, di ka rin makaamin kay Brielle, diba?” sabi ni Kuya Gionne
Wait a minute. I just noticed the names are familiar. Very familiar. Is it just a coincidence na their love interests have the same name as my cousins?
“Kuya Gionne, Kuya Niji, Kuya Ichigo, Nicholas, may mga girlfriends na pala kayo?” tanong ko na nagpatawa ng malakas kayna Kuya Caleb, ate Momo, at ate Aoi.
Thankfully, at last ay bumitaw na sa pagkakayakap si Kuya Caleb at tumabi na kayna kuya Gionne. I really thought he’s galit pero as it seems ay nagdadrama lang siya. Like the usual.
“Wala. Torpe sila eh.” Pang-aasar ni ate Momo
“May girlfriend ka na ba, Caleb?” tanong ni ate Momo
Mas matanda si Kuya Caleb ng four years sa kanila while two years older naman si Kuya Gionne kay Kuya Caleb but di uso ang Kuya at Ate sa kanila, kami lang ni Nicholas ang nag-a-ate ang kuya sa kanila.
“Oo. Si Olive.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Olive?
“You mean Olive Gotianco?” tanong ko at tumango siya bago nagpaalam
NEWSFLASH: Olive Gotianco was a b***h who messed with my highschool life. Parang nasaktan ako don.
Patuloy parin sila sa pag-aasaran until I remembered something. I think I need to ask this to stop the crazy conclusion na naiisip ko just because of the coincidence.
“Kuya Gionne, the Haley na tinutukoy nila is Haley Ataska Del Valle?” tanong ko at tumango sila kaya nanlaki ang mata ko sa information na nalaman ko.
“At si Crystal Anne Del Valle at Jenny Isabel Enrile naman ang love interest niyong dalawa, am I right, Kuya Niji, Nicholas?” tanong ko na ikinataka nila pero tumango ng sabay. No way! They gotta be kidding me.
“Kilala mo, Akiara? Paano?” tanong ni ate Momo
“Papaanong hindi?” natatawang sabi ni Kuya Calebna lumitaw sa likod nina Kuya Niji at ate Momo
“Wait. Does that mean, Kuya Ichigo, that the Brielle na tinutukoy niyo is Brielle Elise Castro?” tanong ko at napatawa nang tumango siya
“Kayo ang mga sakit sa ulong tinutukoy nina Bree? Oh My Royals. Magiging cousins-in-law ko rin pala kayo.” Natatawang sabi ko
“Oo nga pala.” Natatawang sabi ni ate Aoi. Looks like she remembered something about me.
“Bakit?” tanong ni Kuya Gionne, na like the other boys except Kuya Caleb ay clueless.
They don’t know nga pala kung saang family my Mommy and Daddy belongs to so they really don’t know how I am connected to their love interests.
“Akiara Kashin Del Valle Imperial? Ring a bell?” sabi ko na nagpagulat sa kanila at humagalpak na ng tawa sina ate Momo, ate Aoi, at si Kuya Caleb.
Sayang. May sakit kasi si Quincel kay wala sina Kuya Clinton at ate Jewel habang unadvisable kay ate Chantal ang mag-travel.
“Hoy Akiara, wag kang madaldal.” Sabi ni Kuya Niji at ngumiti ako ng nakakaloko.
Why do I have to if their feelings seem mutual?
“Though maraming manliligaw ang mga pinsan ko so baka maunahan kayo.” Nakangising sabi ko sa kanila
Pumunta kami sa pwesto ng mga magulang namin. Nakita ko sina Abuela at Abuelo na nakatingin sakin kaya lumapit ako sa kanila.
“Ikaw na ba iyan, Akira, ija? Kay tagal na ng huli kang bumisita. Kamusta ka na?” sabi ni Abuela at napangiti ako. She reminded me that I looked like Mommy.
“Abuela, hindi po siya si Tita Akira. Anak na po siya ni Tita Akira.” Sabi ni ate Aoi. Bakas sa mukha nila ang pagtatakha at gulat.
“Ako po si Akiara.” Sabi ko at yumakap sa kanila
“Aba’y kay laki mo na. Parang noon lamang ay paiyakin ka niyong si Caleb.” Sabi ni Abuela.
“Hindi na po ngayon, Abuela, Abuelo.” Sabi ko
“Kamukhang-kamukha ka ng iyong ina ngunit namana mo ang berdeng mata at ang buhok ng iyong ama.” Sabi ni Abuelo at ngumiti ako
“Marami narin po ang nakakapansin niyan, Abuelo.” Magalang kong sagot
Maya-maya pa ay kinailangan na nina Abuela at Abuelo na magpahinga. Nakaupo ako dito sa may beach lounge ng mag-isa, naglalaro sa tubig yung mga kasama ko kanina.
Nagulat ako nang tumabi sa akin si Tita Geneva, nanay ni ate Momo.
“Masayang makipag-bonding sa mga Imperial. Don’t you think so too, Akiara?” sabi niya kaya napatungo ako
Kahit noon ay ilag na ako sa kanya dahil laging pinararamdam ni Tita Geneva na hindi ako tunay na anak.
“Yes, it is, Tita Geneva.” Sagot ko
“As I’ve heard from Charlotte and Owen, you use Imperial as your last name. I wonder how you have the guts to do so when you don’t have even a single drop of being a part of the Imperial Bloodline.” Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.
“With all due respect, Tita Geneva, I deserve where I am I am today. Imperial or not.” Pinilit kong manatili ang paggalang kay tita Geneva sa pagsagot sa kanya.
“Oh well. Anyways, if you really want to be an Imperial, do it legally. You were never legally adopted so you’re still a Del Valle or whatever your father’s surname is and it’s down to one choice; marriage.” Sabi niya dahilan para maguluhan ako
“What are you implying, Tita Geneva – I know you have feelings for your brother; Caleb. Well Caleb is a legitimate and biological Imperial and as I can see, you love him more than just a sister does. Looks like you’ll legally be become an Imperial after all.” Sabi niya at umalis
OH MY ROYALS!!
Wala akong na-gets sa sinabi ni Tita Geneva but one thing’s for sure. Alam niya na may gusto ako kay Kuya Caleb. That’s so embarrassing.
“Hey!” sabi ni ate Momo at umupo sa inuupuan ng Mom niya kanina
“Wag mo na isipin kung ano man ang sinabi ni Mama.” Sabi ni ate Momo pero umiling ako at ngumiti
“Wala namang sinabing masama si Tita Geneva, ate Momo.”sabi ko