FOUR

1083 Words
FOUR: The Project Maaga akong umalis ng bahay at pumunta sa location ng magiging bahay nina Ian at Kiandra. Ipapakilala niya raw muna ako para daw magtino ang mga workers. Whatever. “Hi, everyone. This is Architect Akiara and she will be your boss while I’m away.” Sabi ni Ian. Seriously? He’s so madaming pakulo. “Hi, Ma’am Akiara.” Sabi ng mga workers at kumaway ako pabalik habang nakangiti “Una na ako, Iya.” Sabi niya at niyakap ako not minding na nakikita kami ng mga workers. Same old clingy and sweet Brian Elliot Castro. “Bye, Ian.” Sabi ko tapos hinalikan siya sa pisngi at umalis narin siya Idiniscuss ko na yung pinaka blueprint sa kanila at nagtaka ako nung wala pa si Kuya Caleb. Nung umalis ako kanina di ko siya napansin so where the hell is he na? Tinawagan ko si Kuya Caleb dahil haler 9:25AM na at WALA PARIN SIYA! “Oh?” sagot niya mula sa kabilang linya “Oh hello, Kuya, nasaan ka na ba at 9:25 lang naman po wala ka pa?” sarkastikong sabi ko sa kanya at iritadong napairap. “Masyadong halatang na-miss mo na agad ako.” Natatawang sabi niya “Kuya, to remind you, Ikaw ang engineer. Dapat nandito ka na.” Kalmadong sabi ko “I’ll be there in a moment.” Sabi niya at napabuntong hininga ako. Talagang masasapak ko na yung si Kuya Caleb eh. Nung dumating si Kuya Caleb ipinakilala ko siya sa workers at pinakita ko yung sketch at floor planning sa kanya tapos idiniscuss ko ko rin yung estimated building time. Nung lunch na binigyan ko sila ng 40 minutes na break time. “Nasaan ang nagpapagawa ng bahay?” tanong ni Kuya Caleb “Wala. Naghahanda para sa wedding niya.” Sagot ko at kinuha ang lunch ko mula sa lunch box ko tapos iniabot ko kay kuya Caleb yung lunch niya. “Sabi ko na eh. Concern ka talaga sakin eh.” Sabi niya at nginitian ako “Ewan ko sa’yo, Kuya Caleb. Mag-aalala sina Mama Charlotte at Papa Owen pag nagkasakit ka.” Pataray na sabi ko sa kanya. Malisyoso rin eh. Tahimik kaming kumain ng lunch tapos bumalik na kami sa trabaho. Biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot. “Hello? Akiara speaking.” Sabi ko pagkasagot ng tawag “Akiara?! Ikaw ang kausap ni Ian?” bakas sa boses ni Kiandra ang pagtataka. “Andy!” masayang bati ko sa kanya “Eto kasing si Ian, unregistered ang Caller ID mo. Muntik na tuloy akong magselos.” Parang batang nagsususmbong na sabi ni Kiandra “Naku, Andy, kung alam mo lang kung bakit. Oo nga pala, congratulations sa inyo, Andy.” Sabi ko sa kanya at napatawa ng mahina “Busy ka ba?” tanong ni Kiandra “Medyo, pero vacant ang schedule ko bukas.” Sagot ko sa kanya “Great! Kita nalang tayo bukas after ng sukatan ng gown. Teka, abay karin so kita nalang tayo bukas. Bye, Aki.” Sabi niya “Bye, Andy.” Sabi ko pagkababa ko ng telepono nakita ko si kuya Caleb na nakatingin sakin. “Kanina ka pa?” tanong ko “Andy, huh? Kahapon Ian ang pangalan ng kausap ngayon naman Andy. Playgirl ka rin eh.” Sabi niya at napairap ako. Malisyoso as always. “Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya “Wala naman. Just checking on you only to hear that my little sister’s flirting.” Sabi niya dahilan para irapan ko siya ng palihim. Baka isumbong na naman ako niyan kay Mama Charlotte eh. “Wala ako bukas. Gown fitting para sa kasal ng pinsan ko.” Sabi ko sa kanya “Okay. Sinong kasama mo? Si Andy o si Ian?” tanong niya “Si Andy. Catching up daw bago siya makasal sa pinsan ko.” Sabi ko na ikinangisi niya. Alam na this. Aasarin na naman ako ng asungot. “Wag kang bitter ah?” sabi niya bago lumabas. Isa ka talagang bwiset na asungot, Kuya Caleb. Nagfocus nalang ako sa pagbabantay sa mga ginagawa ng workers, Nakita ko si kuya Caleb na tumutulong sa workers. Nagmukha siyang greek god na nagbalat kayo bilang tao at  tumutulong sa mga tao. Di narin ako magtataka na maraming nagkakagusto sa asungot na iyan. Perfectly chiselled jaw line and chin, matangkad, matalin, mestizo, chinito, bonus nalang na Engineer siya. Crush ng bayan at dakilang ex rin ng bayan. Baka isa narin ako sa mga nababaliw sa kanya kung hindi ko alam ang lahat ng kabulastugan niyan sa buhay at kung hindi kami pinalaking parang magkapatid. Hindi ko napansin na napatitig na ako kay Kuya Caleb kaya nagulat ako nung ngitian niya ako. OH MY ROYALS... Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Anong nangyayari sakin? Umiwas ako ng tingin at kinha ang tumbler ko at uminom ng tubig. Kumakabog parin ang dibdib ko. Akiara Imperial naman, magpakaayos ka nga. Matagal na yon, bakit bumabalik pa? Nag-text ako kay Mama Charlotte na di ako makakauwi sa Sunday. Paniguradong magtatanong si Mama. Mama Charlotte Bakit naman, ija? May date ka ba? Mama Charlotte, kasal po nina Kiandra at Ian. Sige, sasabihin ko sa Papa Owen mo. Mag-ingat ka, Kia. Kayo rin po ni Papa Owen, Mama Charlotte. Hindi ko namalayan na tapos na ang working hours. 6AM hanggang 6PM kasi ang gustong working hours ni Ian para daw 5K lang ang ibabayad niya. Yung mga pundasyon tapos dalawang pader at platada sa sahig palang ang natatapos nila pero expected naman yun dahil unang araw palang at 12 lang silang workers. Tinawagan ko si Ian para ipaalam ang progress. “Iya, Bakit ka napatawag?” tanong niya pagkasagot ng tawag. Di uso hello samin eh. “Ang bilis ng progress. Ayos na ang mga pundasyon tapos may dalawang pader at tapos na ang platada ng sahig.” Pagbabalita ko sa kanya. Newscaster lang. “Talaga? Sino bang engineer?” Tanong niya “Si Kuya Caleb.” Sabi ko “Uuwi ka na, Akiara?” tanong ni Kuya Caleb pagkarating niya rito sa loob ng office “Oo. Wait kausap ko pa si Ian.” Sabi ko kay Kuya at nauna na siyang lumabas ng office. Di malang ako hinintay. “Sige na Ian, Bukas nalang.” Sabi ko at ibinaba ang tawag. Sumunod ako kay kuya Caleb. Binigay ko sa kanya yung susi para siya ang mag drive. Sumabay lang pala siya kay Kuya Howard papunta dito. “Ikaw na magpaliwanag kayna ate at Kuya sa Sunday, hindi ako makakauwi. Kasal nina Kiandra, Maid of Honor ako.” Sabi ko kay Kuya Caleb habang nagda drive siya Nabasa ko lang sa invitation na maid of honor pala ako sa kasal, paano pala kung di kami nagkita at di ko nalaman, kulang ang entourage nila. Ang lakas talaga ng trip nila pareho. “Nagpaalam ka kay Mama?” tanong niya habang nasa daan parin ang tingin “Oo. Nag-text ako kanina.” Sabi ko at sumandal sa passenger seat. “Tigilan mo na pagpupuyat mo dahil sa pag-iyak iyak na yan, di ka na bata.” Sabi ni Kuya Caleb. Inirapan ko siya bago pumikit. Alam naman niya kung bakit ako naiyak, nang-aasar pa. “Shut up, Kuya Caleb.” Sabi ko habang nakapikit. Nakatulog ako agad kahit na 6 palang ng hapon.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD