Walang nagawa ang mag-inang Blaise at Nida, nag-impake nga sila ng kanilang mga gamit. Maluha-luha ang kanyang ina habang ginagawa iyon. Sa nangyari ay mas lalo lamang nadagdagan ang galit na nararamdaman nito para sa pamilya ni Dylan. Ayaw na nilang makipagtigasan pa at baka ano pang hindi makataong gagawin ni Ernesto. "Ang mga appliances dito auntie? Hindi na lang ba natin hahakutin?" inabot ni Roy sa kanila ang maleta. "Salamat, Roy, hindi na, kung ano ang dinala natin dito, yan lang rin ang ating dadalhin, iwanan natin ang hindi sa atin." "Babalik ba kayo sa Isabela auntie?" "Alam mo naman Roy na wala na kami pang babalikan dun sa Isabela, nakitirikan lang rin kami dun." "Pwede naman na duon muna kayo sa amin." "Kung duon kami sa inyo, magsisikan na kayo." "Pinalaki naman ni it

