Chapter 2

1736 Words
ARIANNE Mabibigat ang paa na bumalik ako sa bahay nila Noelle at nang nasa pinto na ako ay malakas kong sinipa ang aking paa nang sa gayon ay matanggal ang sout kong heels. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang tumalsik iyon nang malakas. But what most embarrassed me is when it landed on the shirt of a man I encountered earlier. “Oh my!” bulalas ko at natikom ang aking bibig nang dumako ang matalim niyang tingin sa akin. Yumuko siya saka pinulot ang aking heels. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya lalo na nang makita ko kung paano niya iyon hawakan. Sobrang higpit na sa tingin ko ay kaunting pwersa pa ay masisira niya iyon. Gumuhit ang dumi ng hayop na nasa heels ko sa kaniyang puting plain t-shirt. Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko sa bawat hakbang niya palapit sa akin. Huminto siya sa aking harapan at dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pa siyang tingalain. “S-sorry—” Natigilan ako nang bigla niyang itaas ang heels ko at basta na lang niya itinapon nang sobrang layo na halos hindi ko na makita dahil bumagsak iyon sa tila matalahib na parte. Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa kaniyang hindi makatarungan na ginawa. “Walang silbi ang ganoong klaseng sapin sa paa sa lugar na ito, Miss.” “That was my Louis Vuitton limted editon!” “Do you think I care?” supladong saad nito at nilagpasan ako. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa panghihinyang. Talent fee ko mula sa isang project ang pinambili ko nang sandal na iyon. It was expensive as hell and a rare one because I bought it as soon as it was launched. I groaned and took off my other heels and walked inside the house. Naabutan ko si Noelle na nakaupo sa sala habang nanonood ng TV at nang maupo ako ay mabilis niyang pinatay ang iyon at nakangiting bumaling sa akin. “Bakit mo pinatay?”`natatawang tanong ko. Alam ko na rin naman kung bakit dahil siguro sa mga balita na may kaugnay sa akin. “You want to roam around?” she asked with an awkward smile. “Hay nako, tingnan mo oh,” saad ko at inginuso ang paa ko. “Bakit nakayapak ka?” I rolled my eyes and about to answer her when her brother who threw off my favorite Louis Vuitton rare sandals. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito at dire-diretsong tumungo sa hagdan saka umakyat. Ipinakita ko sa kaniya ang kapareha ng sandal ko at ngumiwi. “I lost it somewhere,” pagsisinungaling ko sa kaniya. “Want me to give you my spare—” “Nah! I’m okay.” “The food is ready!” Tumayo na kami ni Noelle at nakasunod lamang ako sa kaniya na tumungo sa kusina. Naroon ang kapatid niyang nagpakilalang si Napoleon na tulad kanina nang dumating ako ay wala pa ring sout na saplot pang-itaas maliban sa apron. Kaming dalawa lamang ni Noelle ang nasa lamesa at mukhang nagsi-alisan na ang mga kapatid niya. Akmang uupo ako nang bigla akong itulak nang bahagya ng kung sino paalis sa upuan. Salubong ang kilay na nilingon ko ang may gawa niyon at napaatras nang makita ang kapatid ni Noelle na hindi man lang ako tinitingnan. “That’s my seat,” anito at naupo na. Napakurap naman ako at inilibot ang mata ko at akmang uupo sa bakanteng upuan nang maunang ukupahin iyon nang isang kapatid ni Noelle na may wrist wrap at nakataas ang kilay sa akin. Huminga muna ako nang malalim at akamng tatalikod na lang para umalis nang may humawak sa aking magkabilang balikat at iginiya ako paupo sa isang bakante upuan. Nang lingunin ko iyo ay ang isang kapatid ni Noelle ang may gawa. “You can sit at my seat,” aniya at inayos ang salamin saka tumingin sa akin. “I’m Raegan, if you don’t remember.” Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil kahit papaano ay may mabait pala sa mga kapatid niya. Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Simpleng kaldereta lang ang ulam at adobong sitaw na ikinatigil ko. Their food is so simple despite of the money they have. “Pasensya kana at ito lang ang pagkain—” “No, it’s fine,” putol ko sa sinasabi ni Napoleon at nginitian siya. Sa kalagitnaan ng pagkain naming ay napansin kong hinidi kumukha ng ulam na kaldereta ang isang kapatid ni Noelle na siya ring nagtapon ng heels ko. Puro adobong sitaw lang ang kinukuha nito. “He’s a vegetarian,” bulong ni Noelle, “and he is a veterinarian.” I smiled secretly. Kung kanina lang ay sa pisikal na itsura niya lang ako humanga, ngayon ay pati na rin sa kaniyang piniling klase ng pamumuhay. Nanlaki ang mata ko sa aking naisip at sunod-sunod na napailing. I went here to unwind not to flirt again. The dinner went well. Tahimik lang ang nangyaring hapunan at nang matapos kumain ay sinamahan na ako ni Noelle sa kwarto na uukupahin ko. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang kulay pink na wall at isang double size na higaan na kulay pink din. “This is my old room when I was a teenager,” ani Noelle at lumapit sa akin at itinuro ang mga gamit ko na pinaakyat niya na pala kanina sa kasambahay. “Thank you, Noelle,” pasasalamat ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa magkabilang kamay at nginitian. Noelle witnessed all my breakdowns because of the scandal I was involved with. Nagawa niya pang gumawa ng dummy account sa social medis para lamang ipagtanggol ako mula sa mga basher. Sinalo niya ang mga itlog na binabato sa akin ng mga naninirang fans. She’s indeed the sweetest. “Thank you, Bestfriend,” saad ko at niyakap nang mahigpit si Noelle. “No worries. Alam mo naman na nandito lang ako para sa ‘yo. Mas kilala kita kahit na kanino kaya alam ko ang totoo.” My heart flatters. Hindi ko tuloy alam kung deserve ko baa ng magkaoon ng matalik na kaibigan nakatulad ni Noelle. Nang mataos ang pagdadramahan naming dalawa ay iniwan niya ako mag-isa sa kwarto. I took a deep inhalation and rested my back against the bed. One month. Just one hell of a month without having any connections with the industry I work in. And I hope I survive. KUMUNOT ang noo ko at inalis ang unan sa aking ulo at itinakip sa aking tenga, Wala kasing tigil sa pagtilaok ang mga manok mula pa kaninang umaga. Hindi tuloy ako nakatulog nang mahimbing dahil pati huni ng kung anong insekto ay naririnig ko rin. Dahil sa inis ay padabog akong tumungo sa bintana. Mula doon ay kitang-kita ko ang malawak na rancho ng Calientes at natatanaw ko rin ang mga manok. Hindi pa rin tumitigil sa pagtilaok ang mga manok kahit halos alas otso na ng umaga. Dahil sa inis ay inilabas ko ang ulo ko sa bintana at huminga nang malalim. “Shut up you little rooster! Gagawin kitang tinola!” hingal na hingal na sigaw ko at hinawi ang aking buhok. Stress na agad ang ganda ko, umagang-umaga. The rooster stopped from making a loud sound. Napangiti naman ako at humalukipkip ngunit agad naglaho nang makita kong nakatitig sa akin ang mga tauhan ng rancho. Pigil na pigil ang ngiti nila at mukhang ang ginawa kong pagsigaw ang dahilan bakit ganoon ang kanilang reaksyon. “Hmmp!” irap ko at umupo mula sa kama sa inabot ang aking cellphone. Napaismid na lang ako nang pagbukas ko ng social media ko ay puro mukha ko pa rin ang laman. Social media netizens made my face as their daily memes. Share dito, share doon. Bash dito, bash doon. Pati ang mga lumang issue ko ay inuungkat ng mga baby bra warrior para lang ibato sa akin. I swallowed an imaginary when my messenger pop out and as usual, it’s from random fan who throw harsh words at me. Ni hindi naman nila alam ang totoong kwento. Dahil ayoko nang magpaka-stress at ibinaba ko na lang cellphone ko at tumungo sa banyo para maligo. Ngunit bago pa man ako pumasok ng banyo ay bumukas na ang pinto at iniluwa niyon ang bestfriend kong nakasout ng leggings at fitted t-shirt. Pawisan na rin ito at bakas ang pagod sa mukha. “Nag-jogging ka?” tanong ko at humalukipkip. Hindi ko nga pala nai-lock ang kwarto ko kagabi. She nodded her head. “Umikot lang ako sa Rancho,” “You didn’t wake me up—” “You were awake, Arianne. Tamad ka lang bumangon.” I rolled my eyes. “Bakit ka nandito?” “Breakfast is ready,” aniya at tumungo sa pinto. “Bumaba kana ha.” Tumango lang ako at dumiretso na ng banyo. I took a bath and after almost an hour, I went out. Nagbihis na rin ako at naglagay ng aking morning face skin care. Matapos ko mag-ayos ay nag-spray pa ako ng pabango saka humarap sa salamin. Kailangan ay presentable ang mukha ko sa t’wing lalabas dahil baka may makilala sa akin at kuhanan ako patago ng litrato. I can’t be ugly with stolen shots. Nang masiguro kong okay na ako ay naglakad na ako papunta sa pinto para sana lumabas ngunit bumukas naman iyon bigla at iniluwa ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ngayong umaga. My heart suddenly skip it beat just by merely seeing him. “A-anong ginagawa mo dito?” nautal na tanong ko at napalunok pa ng laway. As far as I can remember, his name is Iggy. Nagsalubong ang kilay ko nang may iabot niya sa akin ang kapares ng heels ko na tinapon niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil bukod sa mamahalin iyon ay rare item pa. Akmang kukunin ko iyon nang bigla niyang itaas ang kaniyanng kamay. “What?” nagtatakang tanong ko. He went closer to me and it making my heart go wild for I don’t know the reason why. My head jolted back when his face levelled to mine. “Ibibigay ko sa ‘yo ito sa isang kondisyon,” aniya sa malamig na boses. “A-anong kondisyon?” “Don’t talk to me or look at me. I hate it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD