IT’S been a week simula iyong nangyaring ambush. Iyon din ang huling araw na nakita ko si Mattheus. Nakakausap ko naman siya pero madalang at gamit lamang nag burner phone na ibinigay niya sa akin. Kapag tinatanong ko siya kung kailan kami pwedeng magkita, iniiwasan niyang sagutin. I wonder what happened to him? Wala naman akong ibang mapagtanungan dahil tanging number lamang ni Mattheus ang naka-save sa burner phone. Hindi ko alam paano matatawagan o makakausap sina Vito at Samuel para alamin kung anong nangyayari kay Mattheus. Ngayong araw ay hindi ko pa ulit nakakausap si Mattheus. Hinihintay ko siyang mag-text pero wala pang kahit tuldok na nanggagaling mula sa kanya. Bumuntong-hininga ako at naisipan na ako na ang mag-text kay Mattheus. Me: When will I see you? I miss you. Hini

