Chapter 1: L

4279 Words
CHAPTER 1 LUCIENNE'S POV Sandaling napatigil ako at nag-angat ng tingin mula sa dalawang cup noodles na pinaghahambing ko kanina nang maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako nang mamataan ko ang isang empleyadong lalaki ng maliit na convenience store na kinaroroonan ko na kaagad nagtago nang tumingin ako sa direksyon niya. Napabuntong-hininga ako. Paniguradong pinababantayan ako sa kaniya. Sa isang tingin siguro talaga ay mukha akong kahina-hinala dahil sa suot kong pink pajama bottoms at malaking hoodie na halos kainin na ang maliit na bulto ko. Nakataas pa ang hood niyon para matakpan ko ang wala pang suklay na buhok ko. Paniguradong mukha akong pulubi. Sa nagugutom ako eh. Gusto ko lang namang bumili ng cup noodles.  Kung sabagay lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Kahit pa na ang tagal ko ng nakatira dito sa subdivision bihira naman ako matandaan ng mga tao. Una dahil sa hindi naman talaga ako friendly. Mas gusto kong magkulong sa bahay ko. Pangalawa sa gabi lang ako kalimitang lumalabas. Iyon ay sa mga pagkakataon lang na kumakalam na ang sikmura ko at naghahanap ng makakain katulad ngayon. Minsan naman lumalabas din ako para bumayahe lang papunta sa paborito kong coffee shop na malayo sa tinitirhan ko, kahit marami namang coffee shop dito, at doon ako tumatambay. Bukas kasi iyon hanggang alas dos ng madaling-araw. Masyado kasing madaming kabataan ang tumatambay sa mga coffee shop malapit dito sa subdivision kaya iniiwasan ko na magpunta ro’n. Nawawala ang konsentrasyon ko. Isa pa paminsan-minsan lang din naman 'yon dahil bihira akong magkaroon ng energy na lumayo pa. Muli akong napapabuntong-hininga sa naisip at nagpasya na lang ako na dalin ang dalawang cup noodles at tumuloy na sa counter. Hinablot ko ang nadaanan kong chips at kumuha ako ng dalawa niyon bago tuluyang magbayad. I hate rushing. I have the right to choose at my own pace of time like everyone else, right? Mukhang nakahinga naman ng maluwag ang dalawang empleyado at kaagad akong hinarap ng babaeng cashier para i-punch in ang bilihin ko. I drummed my fingers on the counter as I impatiently wait for the cashier to finish. "Ito na po, ma'am. B-Balik po kayo ulit." Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng pinamili ko pero bago ko pa siya magawang talikuran ay dumako ang tingin ko sa wall clock sa itaas lang na bahagi ng ulo niya. Mag a-alas onse na ng gabi. Sigurado ako na hindi bente-kwatro oras ang tindahan na 'to dahil kapag madaling-araw ako na lumalabas ay sarado na ito at sa mas malayong convenience store ako napapadpad. "Wala ba kayong security guard dito?" hindi ko napigilang tanong sa babae habang inaayos ko ang pagkakahawak sa mga pinamili ko. Halatang hindi inaasahan ng babae ang tanong ko. "Po?" "Security guard. Napansin ko kasi na wala kayong security guard dito." "Ay wala pa po sa ngayon ma'am. Nagkasakit po kasi 'yung dati naming guard eh hindi naman po nakahanap kaagad ng kapalit kaya nitong mga nakaraang araw wala pa po kaming kasama rito." Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at huminto iyon sa labas kung saan wala na talagang mga tao. Malamang sa hindi ay nagpapahinga na ang mga tao ng ganitong oras. Hiwalay-hiwalay din ang bahay sa subdivision na 'to at hindi din gano'n karami ang mga nakatira. "Pa'no 'yan pag gabi? Wala ng shuttle at wala na rin na tricycle masyado. Ano 'yon naglalakad kayo pauwi?" Halatang nagtataka na ang babae sa mga tanong ko pati na ang lalaking empleyado na nakikinig sa amin. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Wala man akong kaibigan at namumuhay akong mag-isa hindi ibig sabihin no'n ay wala na akong interaksyon sa mga tao. I do like interacting with people sometimes. Asking them questions, but not getting attach to them. Ginagamit ko lang sila para sa trabaho ko. Life is so much easier that way. Attachments makes people crazy. Specially people like me. Mag e-expect ka, ipapakita nila ang posibilididad sa iyo sa umpisa, at sa huli hindi nila mapaninindigan...o ang mundo na mismo ang sasampal sa'yo sa katotohanan. Tapos ikaw, maiiwan ka na kinukuwestiyon ang sarili kung saan ka ba nagkamali kahit na wala ka namang ginawa para magkaroon ng gano'ng resulta. Kasi sa huli lagi ka pa rin naiiwang mag-isa. For some, it might be easier to get back on track but people like me who always got their eyes open with their hearts out there, things are not that easy. We feel too much and we remember so much even though we wish we wouldn't. Idagdag pa talaga na pinanganak ata ako para maging mag-isa. I'm just not good at talking to people. "Naglalakad po hanggang labasan pag walang masakyang tricyle tapos doon na po kami naghahanap ng jeep." "Malayo nilalakad niyo? May mga talahib?" usisa ko pa. "O-Opo." Tumango-tango ako at inayos ko ang pagkakahawak ko sa paper bag na kipkip ko. "Mag-iingat na lang kayo. Delikado na ang mundo ngayon." I meant it to be a generous advise and to appear kind but the look on the woman as well as the man's face says that I'm doing the opposite. Namumutla at mukhang natatakot. Iyon nga lang mukhang ang takot na 'yon ay hindi para sa maaaring maging panganib sa pag-uwi nila kundi sa akin mismo. Nice, Lucienne. Idagdag mo na sila sa listahan ng mga taong baliw ang tingin sa'yo.  Alanganing ngumiti ako na mukhang mas ikinatakot nila at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas na ako mula sa lugar na 'yon. Mabilis na sumakay ako sa itim at nag-iisang sasakyan na nakaparada sa tapat ng convenience store. Isa kasi ako sa suki ng petrolyo sa bansa dahil kahit malapit man o hindi ang pupuntahan ko lagi akong gumagamit ng sasakyan. Iyon nga lang kinakailangan kong mag long cut kapag ang lapit lang ng bibilhin ko katulad ng bilihan ng ice candy tatlong bahay mula sa tinitirhan ko. Para hindi naman ako masyadong magmukhang abnormal na naka kotse pa ako. And besides, I love driving. Specially at night. Kaya kung hindi nga lang may trabaho na ako baka malamang naging taxi driver na ako. "Wag kang mag-alala Alexander. Uso naman ang Grab ngayon kaya hindi ko na kailangan bumili ng taxi. Alam mo namang you're the only one for me." pagkausap ko sa sasakyan na para bang may buhay iyon at hinaplos-haplos ko pa ang manibela. Binuhay ko na ang makina at pinaandar ko na iyon. Pasipol-sipol pa ako habang tinatahak ko ang daan pabalik sa bahay ko na nasa pinakadulo at kanto ng subdivision. Napakatahimik na ng lugar. Hindi katulad noong nakatira pa ako sa Manila five years ago. Dito kasi sa Cavite pagdating ng nine o'clock nagsisimula ng humimbing ang mundo. Bihira nang makakita ng mga establishment na buhay na buhay pa maliban na lang sa ilang piling lugar. Pero dahil nakatira ako sa liblib na subdivision, I can enjoy the peacefulness, the dark night sky, the cold and fresh breeze, the eerie atmosphere, the vacant houses, mga bakanteng lote, at talahib. Swak na swak kasi iyon sa trabaho ko. Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ko bago ako bumababa bitbit ang mga pinamili ko. Bukas ko na ipapasok ang sasakyan sa garahe dahil ayokong magalusan na naman si Alexander. Hindi kasi mapagkakatiwalaan ang mga mata ko kapag gabi. Binuksan ko ang gate at pumasok ako roon. Ibinaba ko muna ang mga dala ko bago ko ini-lock ulit ang tatlong kandado na nandoon at pagkatapos ay kinuha ko na ulit ang mga pinamili ko. I punched in my security codes and quickly went inside my home. When I'm finally secured at the comfortability of my haven, I put the paper bags on the table and went back to the door so I can close it. Bukod sa security system ko ay sinarado ko din ang tatlong bolt na nandoon. I have trust issues. I grabbed my paper bags and went to the kitchen. Naglagay na lang ako ng mainit na tubig sa mangkok at inilagay ko 'yon sa microwave. Kahit kabilin-bilinan ng boss ko na wag ko na uulitin 'yon dahil masama daw sa kalusugan at delikado. Pero tinatamad na talaga ako.  Hindi naman niya malalaman dahil next year pa kami magkikita. Kapag pipirma na ako ng kontrata ulit. Sisiguraduhin ko na lang na hindi na ako ulit kakain sa office para hindi niya na ulit makita kung paano ako mag-init ng tubig katulad ng nangyari a year ago. Nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng microwave ay inilabas ko na ang malaking mangkok at pagkatapos ay binuksan ko na ang mga cup noodles na binili ko para ilagay sa bagong init na tubig. Nang mailagay ko na ang mga iyon doon ay masayang dinala ko na iyon sa living room. Ibinaba ko ang mangkok sa coffee table katabi ng nakabukas kong laptop bago ako sumalampak ng upo. "Now where was I?" Muli kong binuksan ang microsoft word ko kung saan tumigil ako sa kalagitnaan ng sinusulat ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Pag natapos ang librong ito ay pwede ko ng ipasa ko sa boss ko na matagal na akong kinukulit. I started typing, my fingers creating the sound that I always found comforting. Sa isang iglap ay tila dinadala ako no'n sa mundo ng librong binuo ko. ***I know they're closing in on me. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit alam kong delikado. Kahit na alam kong dapat muna akong manatiling tago. I can feel it in my veins as if it's leaving a scorching path of desire as it trails all over my entire being. I need it so I can stop the fire in my body. I need it to satiate the blazing hunger in my system. Alam kong mali ito. Tinangka ko noon na itinigil ang pagdamay sa mga inosenteng tao sa pangangailangan ko ng hindi inaalam kung sino sila. Kung karapat dapat ba sila sa hatid kong parusa. Pero kailangan kong punan ang kahunghangan na nararamdaman ko. Hindi ako dapat maging mapili dahil hindi ako pwedeng basta-basta gumalaw lalo pa at alam kong naghihintay sila. At kapag nagawa nila akong hulihin...mawawalan ng saysay ang nasimulan ko na. Hindi ko na magagawang tapusin ang koleksyon ko. Rinig ko ang dagundong ng puso ko sa bawat hakbang ko papasok ng natatanging establisyementong bukas sa gitna ng natutulog ng subdibisyon. Hindi ako nag-angat ng tingin kahit pa narinig ko ang pagbati ng empleyado at nagpatuloy lang ako na maglakad papunta sa mga estante. Hindi ko na kinakailangan pang maghalughog ng kailangan ko dahil alam ko na kung ano ang ipinunta ko. Mabilis na kinuha ko ang mga kinakailangan kong kagamitan bago ako lumapit sa taong kanina ko pa pinagmamasdan mula sa labas. "Ito lang po ba ang kailangan niyo?" Tila matamis na melodya ang boses niya sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay nalalasahan ko na ang tamis mula pa lang sa boses niya. Pero kailangan kong magpigil. Hindi pa ito ang tamang oras. Tinanguhan ko ang babae dahil hindi ko na magawang tanggalin ang bikig sa lalamunan ko na tila tuyo na mula sa uhaw. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ng babae na iniaayos ang mga pinamili kong itim na garbage bag, masking tape, pentel pen at cutter. Napakaputi ng balat niya...napakakinis na parang hindi man lang nahahalikan ng araw. "Patapos ka na ba diyan? Kailangan na nating magsara." Bahagya kong tinignan ang lalaking lumapit sa babae at humawak pa sa balikat ng kaharap ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kamay ng lalaki na may suot na sing-sing. Siyang bagay na hindi ko nakita sa babae. Mukhang hindi naman pala ako nagkamali ng napili. Mukhang hindi rin pala kasing linis ang babae katulad nang inakala ko. Tahimik na kinuha ko ang mga pinamili ko at lumabas na ako ng lugar na iyon. Pero hindi ako tuluyang lalayo. Maghihintay ako sa tamang oras. Tamang-oras kung saan magagawa kong guhitan ang balat niya ng mga salitang tumutukoy sa nakikita ng lahat habang ang itim na tapunan ng basurang binili ko ay isasaklob ko sa maganda niyang mukha biglang palatandaan na ako ang gumawa ng obrang iyon at isusulat ko sa masking tape ang salitang tumutukoy sa siya na hindi nakikita ng iba. ********************************************* NAKAHIGA ako sa malawak kong bakuran na napapalibutan ng pekeng bermuda grass. Sa paligid ko ay puno rin ng pekeng mga halaman na may mga pekeng bulaklak. Ilang beses na kasi akong namatayan ng mga halaman dahilan para magmukhang bahay ng kaluluwang hindi matahimik ang bahay ko. Kaya para magmukha namang kaaya-aya ay nilagyan ko na lang ng mga dekorasyon. Noon kasing hinayaan ko lang ang mga halaman ko na namatay na manatili sa kinaroroonan nila ay mukhang inakala ng mga taong napapadaan dito ay inabandona na ang bahay ko. Dahil bahagyang kita sa labas ang ilang mga kagamitan sa bakuran ko katulad ng sasakyan ko ay may nagtangka tuloy na akyatin ang gate ko at pasukin ang bahay. Mabuti na lang talaga at gabi na no'n at kasalukuyan akong nagsusulat kaya buhay na buhay ang diwa ko. Mabuti na lang din na mabilis rumesponde ang security sa lugar na ito dahil kung hindi mapipilitan akong gamitin ang arm to arm combat skills ko na hindi ko alam kung kaya ko bang gamitin sa totong buhay dahil sa Youtube ko lang iyon natutunan. Bukod pa do'n ilang beses na akong nirereklamo ng mga opisyal ng subdibisyon dahil daw hindi bagay ang "vibes" na binibigay ng bahay ko sa mga bahay dito na nagpapagalingan sa pagpapaganda ng mga bahay nila. Sa bakuran pa lang kita na ang nagmamalaking mga halaman at mga bulaklak nila na para bang may kumpetisyon na nangyayari. Sobrang layo nga naman sa mukha kong hunted house na bahay. "Mga mapanghusga." nag-iinat na sabi ko. Pinalis ko ang tumatama sa mukha ko na d**o at bahagya akong tumagilid para umunan sa braso ko. Isa ito sa mga araw na sobrang dalang na mangyari. Iyong lumabas ako at tumambay sa labas na sobrang aga pa. Iyon ay base sa depinisyon ko ng "maaga" na sa pagkakataong ito ay alas-singko ng hapon. Hindi ko pa kasi kailangan magsulat dahil katatapos lang ng series na ginagawa ko. Kalalabas lang ng panglima no'n two months ago at ang pang-anim naman ay nabayaran na at kasalukuyang nasa editing process na. "Kamusta nga kaya 'yung bagong labas ko na libro? Hindi pa ko tinatawagan ni Boss ah." Hindi kasi ako mahilig mag social media kaya ang mismong publishing company ang humahawak sa promotion ng libro pati na ng fan page ko. Last time kasi na sumubok ako pumasok sa online world ay hindi ko kinayang i-handle ang stress ng mga demand na natatanggap ko. Malaki naman ang pasasalamat ko sa mga mambabasa ko pero talagang hindi kayang tanggapin ng systema ko ang pressure. Kaya email lang at tawag talaga ang koneksyon ko sa mga tao na limitado rin naman dahil ang boss at ang editor ko lang naman ang lagi kong kinakausap. Napatigil ako sa pagninilay-nilay nang umalingawngaw ang tunog nang pagkalam ng sikmura ko. Napapabuntong-hiningang tumihaya ako at hinawakan ko ang tiyan ko habang nakatingin sa langit na ngayon ay nagsisimula ng dumilim. "Tinatamad pa kong mag grocery. Bumili na lang kaya muna ako ng cup noodles?" pagkusap ko sa sarili ko habang tulalang nakatingin pa rin sa kawalan. "Do'n na lang ako sa convenience store na pinuntahan ko four months ago. Baka hindi na ako naaalala ni ate na nasindak ko ata." Hindi na ako magtataka kung laman ako ng panaginip ng mga empleyado na nakasalamuha ko noon. Baka nga hindi pa matawag na panaginip at maging bangungot pa. Minsan na rin kasing sinabi sa akin iyon ng editor ko na si Miss Nessie nang minsang ikinuwento niya ang experience niya nang una niya akong makilala. "Mga tao nga naman. Hindi naman ako pangit para magmukhang naglalakad na bangungot." bubulong-bulong na sabi ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. Nakapajama ako na kulay pink at may suot ako na dilaw na jacket na halos kainin na ang kabuuan ko sa sobrang laki niyon. "Ang cute ko nga eh." Tumayo ako at pinagpag ko ang damit ko. Manonood na lang muna ako ng mga paborito kong horror movie dahil naiinip na ako. Ang sabi kasi ng boss ko last time na nag-usap kami ay lumabas naman daw ako para mahanginan ako. At dahil masunurin naman ako minsan ay ito nga at nagpapahangin na ako sa labas ng bahay ko. Wala naman siyang sinabi na specific na puntahan ko kaya bakit pa ako gagastos eh may hangin din naman sa bahay ko? Naglakad na ako papasok sa bahay at saktong hihilahin ko pa lang ang pinto pabukas nang mapapitlag ako sa pagkagulat dahil sa biglang pagtunog ng doorbell ng bahay. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang gate na sa kinapupuwestuhan ko ay hindi ko pa kita ang tao sa labas. Mabilis na tumakbo ako papasok ng bahay at kaagad kong kinuha ang nakasandal lang sa pader na baseball bat ko at dala-dala iyon na lumabas ako ulit. Kung ang ibang tao siguro ay bubuksan lang ang pinto para tanungin kung anong kailangan ng kumakatok pero hindi ganoon sa sitwasyon ko. Dahil sa loob ng limang taon kong pagtira sa lugar na 'to ay tatlong beses pa lang may lumapit sa bahay ko. Ang una ay nang may magtangkang pasukin ang bahay, pangalawa ay noong may naglakas loob na mag trick or treat sa akin na akala ata ay inayos ko lang ang bahay para magmukhang pang-Halloween, at ang huli ay nang puntahan ako ng management para kausapin dahil sa itsura ng lugar ko.  Well of course iba iyong naghuhulog ng electric at water bill sa mail box ko. Hindi naman iyon kumakatok. Mahigpit ang hawak sa baseball bat na dumikit ako sa gate at nakiramdam. Halos mamuti na ang mga kamay ko sa pagkakahawak ko sa baseball bat nang muling kumatok ang tao sa labas. "Sino 'yan?" tanong ko. "I need to talk to Lucienne Simons." Sandaling natigilan ako nang marinig ko ang boses ng tao sa labas. Parang pang audio book. Ang lalim ng boses na para bang may kung anong pinupukaw iyon sa kaloob-looban ko. Isang bagong pakiramdam para sa akin na ang tanging nagpapabuhay sa dugo ay mga kahindik-hindik na mga senaryong napapanood, nababasa, at sinusulat ko. "Sino ka?" "This is Thorn Dawson of Dagger Private Security and Investigation. I was sent here by Mister Magnus Aquilan." Sunod-sunod na napakurap ako nang marinig ko ang bangalan ng boss ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nabuksan ko na ang pintuan ng gate.  Bakit naman sasabihin ni Boss ang kinaroroonan ko? Nakalagay sa kontrata ko na hindi pwedeng may makaalam kung saan ako nakatira.  Kaagad bumalik ang katinuan ko sa isiping iyon at akmang isasara kong muli ang pintuan nang may kamay na biglang humarang doon. Napaatras ako sa pagkagulat at itinaas ko ang hawak ko na baseball bat para ipangprotekta sa sarili ko pero pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang mga kamay ko nang makita ko ang inuluwa ng pintuan. Nagtangka ako noon na sumulat ng libro na may romance na tema pero hindi ko nagustuhan. Hindi ko kasi magawang itawid ang mga karakter na pakiramdam ko ay masyadong OA sa pagkakapaliwanag. Para kasi sa akin ay walang taong kasing perpekto katulad ng mga deskripsyon na makikita sa mga libro. Pero ngayon ay pakiramdam ko may kumakantang mga anghel sa paligid ko dahil sa taong ngayon ay nasa harapan ko. Isang tingin pa lang ay alam ko ng may banyaga siyang dugo hindi lang sa tangkad niya na dahilan kung bakit kinakailangan ko siyang tingalain kundi maging sa mukha niya na para bang hinulma ng napakagaling na iskultor. His chiselled features are screaming to be noticed. He has this strength that can't be overlooked with his clear bone structure, jaw lines, and his deep set of eyes that with just one look it seems like he magically pulverized the bones in my body. And his body...despite his simple black shirt and jeans, I can see how even this can define his well developed muscles, broad chest, and his waist that drops into a V. "I need a paper and a pen." I whispered. Halatang naguluhan siya sa lumabas sa bibig ko dahil bigla na lang kumunot ang noo niya.  Oohlala, pati pagkunot ng noo niya nakakagwapo. Kailangan kong tawagan ang boss ko. He'll be proud of me when I tell him that I can probably write romance now. "Miss Simmons I really need to talk-" "Lush na lang para everybody happey happey!" "Miss Simmons as I've said I'm Thorn Dawson of Dagger Private Security and Investigation-" Naputol muli ang sasabihin niya nang i-angat ko ang kamay ko at naguguluhan man ay tinanggap niya iyon. Imbis na bitawan ko ang kamay niya ay kusang umangat iyon at gumapang papunta sa braso niya. Titignan ko lang kung matigas ba...inosenteng curiosity lamang mga kabayan. "Miss Simmons." he said in a voice laced with frustration. Napakurap ako at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. May dumaang inis sa mga mata niya pero pilit niya iyong kinontrol para magawa niyang panatiliing pormal ang ekspresyon sa mukha niya. "Pinadala ako rito ni Mister Aquilan." Animo hinila ako pabalik sa realidad at napalayo ako kaagad sa kaniya nang may maalala. "Imposible 'yon." "If he didn't sent me, I wouldn't be here." Ako naman ang napakunot-noo dahil tama ang sinabi niya. Wala namang ibang nakakaalam ng kinaroroonan ko. Dahil mula ng pumatok sa publiko ang mga librong ginagawa ko ay nahirapan na akong humanap ng katahimikan at privacy na siyang naging dahilan kung bakit naghanap ako ng ibang matutuluyan. "Bakit ka naman ipapadala ni Bossing? Pwede naman niya akong tawagan." nagdududa pa rin na sabi ko. "Baka fan ka lang na adik na adik sa akin." Sandaling hindi siya nakaimik at nakatingin lang sa akin na para bang tinitimbang kung lalayasan na lang ako o magpapatuloy pa rin sa pakikipag-usap sa akin.  I really hope he keeps on speaking to me though. Ang ganda ng boses niya at ang ganda rin niyang tignan. Minsan lang makakita ng magandang view ang mga mata ko. "Mula sa araw na ito ay hindi na maaaring kumontak muna sa iyo si Mister Aquilan unless dadaan sa amin ang magiging pag uusap niyo." may pinal sa boses na sabi niya. "I am not your fan, Miss SiMmons. But one of your fan is indeed the one causing the authorities to know about your existence." "Authorities...meaning hindi lang ikaw?" "Yes." "Hindi ko maintindihan. Ano namang ginawa ng fan ko para maging sobrang interesado kayo? Nag amok ba siya sa bookstore para matunton ako?" Imbis na matawa sa pagpapatawang kalbo ko ay nanatiling sarado ang mukha niya sa kahit na anong ekspresyon. Sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay pakiramdam ko ay kung ano man ang nasa isip niya patungkol sa akin ay hindi ko magugustuhan. Naiilang na hinila ko ang hoodie ng jacket ko para mas lalong matakpan ang mukha ko. "Hello? May kausap pa ba ako?" "Are you familiar with J and R Convenience Store?" Naguguluhang tinignan ko siya. Pamilyar sa akin ang lugar dahil dati akong pumupunta do'n. "Oo naman. Iyon lang ang malapit na tindahan sa dati kong tinitirhan sa Manila. Anong kinalaman no'n sa akin?" "Did you recently went to a nearby convenience store called Nari?" he asked again. "Uhh...recent? Hindi naman. Mga four months ago." "One of our security contractors surveyed this place and they got the chance to talk to two employees of Nari. Sinabi nila na may isang babae raw na bumili sa kanila ilang buwan na ang nakakalipas na tinatanong sila kung paano sila makakauwi. Tinanong pa raw sila kung may mga talahib silang madadaanan at pagkatapos ay sinabihan daw sila na mag-ingat sa nanakot na paraan." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naiangat ko ang baseball bat para ipangduro sa kaniya. Bahagya ko pang tinulak ang dibdib niya sa pamamagitan ng dulo ng bat pero hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya. "Hoy. Paninirang puri na 'yan ah! Hindi ako nananakot concern lang ako kaya sabi ko mag-ingat sila. Mga mapanghusga!" "Two months ago, a female employee of J and R store were found dead. May masking tape na nakatakip sa bibig niya, meron ding nakapalibot sa mga kamay at paa niya, puno siya ng saksak, may sulat sa katawan niya, at natagpuan siya na may saklob na garbage bag ang ulo. May nakita rin na masking tape na dinikit sa garbage bag at sinulat ang salitang "Kerida" at sa katawan niya naman ay nakasulat ang trabaho niya at isang symbolo." Tila nayanig ang kabuuan ko sa narinig. Napahawak ako sa pader sa tabi ko para hindi tuluyang manlambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay may gumagapang na kilabot sa katawan ko kahit pa na ayokong paniwalaan ang mga naririnig ko. "A-Anong kinalaman ko sa sinasabi mo? Porke may pinatay ako kaagad? Writer ako hindi killer." "They found a broken triangle written on the stomach of the body. Hindi ito ang una na nangyari ito dahil pang-ilan na ito sa mga pinatay sa loob ng nakalipas na ilang taon. All of them have the same symbol written on them. The authorities searched for everything. The issue even got televised and a lot of the viewers posted it online. A few weeks ago one of the people who saw it online commented the name Lush Fox. He said that the killer's style is similar to a book he read." he said and pulled out something from the small envelope his holding. Inabot niya sa akin iyon at kahit buong systema ko ay sinasabihan na akong tumakbo at magtago sa loob ng bahay ko ay kusang umangat ang nanginginig na kamay ko at kinuha sa kaniya ang bagay na iyon. Nagbaba ako ng tingin sa larawan na ngayon ay hawak ko na at tuluyan nang ginumon ng takot ang buong pagkatao ko sa nakita. Sa isang tingin ay mukha ngang triangulo iyon. "It's a letter L." I said in a quiet voice. "What is it, Miss Simmons?" I looked up at the man in front of me and managed to utter the words I'm afraid to say. "It's not a broken triangle. It's a letter L." "Anong ibig sabihin nito?" "It means me." He looked at me with confusion in his eyes. "I don't understand-" "It's my signature." __________________________End of Chapter 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD