Chapter 3

1423 Words
JACK Bumalik kami sa building bitbit ang mga binili namin sa tapat. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan s'ya ng tingnan. Napakasimple n'ya pero napakaganda. Nakapusod ang mahabang buhok, walang bahid na kahit anong make up bukod sa lip gloss at naka scrubs na itim. 'Yon ang uniform ng housekeeping dito sa kumpanya. Noong unang gabi na nakita ko s'ya hindi s'ya nakauniform kaya ko napagkamalan na magnanakaw. Magandang magnanakaw. Lumulan kami ng elevator at umakyat sa pinakataas na floor. Narinig ko ang pagtikhim n'ya. "Huwag kang titig ng titig. Baka mabulag ka," sabi n'ya sa akin. "Hindi naman nakakabulag ang pagtitig," katwiran ko. "Hindi nga, pero ang mga sticks na 'to," itinaas pa n'ya ang mga bitit n'ya. "This sticks will poke your eyes out. Intiendes, Bossing?" Tumango ako bilang pag-sang ayon sa kanya. Bigla akong namutla at napalunok. Seriously, tutundusin n'ya ng barbeque stick ang mata ko pag tumingin ako ng tumingin sa kanya. Habang ang iba ay nagkakandarapa sa atensyon ko, ang isang nilalang na ito ay walang pake sa akin. Naalala ko tuloy 'yong nanghula sa akin noong nasa kolehiyo ako. Nagkatuwaan kasi kaming magkakabarkada na magpahula sa isang kubol na nakita namin sa New York. Ang sabi ng matanda nang ilahad ang tarot cards n'ya, may makikilala daw akong babae na magpapabago sa buhay ko. Hindi daw ito karaniwan. Pero magkakahiwalay kami ng dahil rin sa akin. Kung magkikita daw ulit kami ay hindi n'ya masabi. Depende daw kung mahal pa ako nito. Weirdo lang talaga siguro ang manghuhula na 'yon. Sayang ang twenty dollars ko. "Saan mo pala gustong kainin 'to? Baka kasi mangamoy sa opisina mo eh. Hindi ko lang alam kung kumakain ka sa pantry." "Sa pantry na lang." "Okay, andun rin naman ang mga inumin. Easy access." Doon kami nagtungo at ng maupo ako ay ibinaba n'ya sa mesa ang bitbit n'ya. First time kong kumilos para sa kahit kanino. "Anong gagawin ko?" "Kumuha ka sa ref ng iinumin natin. Kung may iced tea, 'yon ang sa akin. Ikaw, hindi ko alam kung anong gusto mong inumin," sabi n'ya sa akin. Kumuha ako ng Coke para sa akin at iced tea n'ya. Nilapag ko sa mesa. Paano kainin 'to? Ang daming sawsawan. May suka, may ma-brown na sauce which I think is for the fish ball. "Turo mo sa akin kung paano kainin 'yan," sabi ko sa kanya. Umismid ito. "Kumuha ka ng isang stick at kagatin mo kaya." Napangiwi naman ako sa kanya. Brutal kung brutal. "Ibig ko pong sabihin, saan ko isasawsaw." Tumawa ito. "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ang common thing ng lahat ng pagkain na 'yan, walang matamis. Sawsawan lang ang magkakaiba. Noong una nga akong kumain sinawsaw ko yung fishball sa suka, hindi masarap. Kaya 'yong sunod doon naman sa kulay brown na sauce tapos ayun masarap na s'ya." "So you like adventures?" kinuha ko ang isang stick ng fishball at isinawsaw sa kulay brown na kinukwento n'ya. Masarap nga. "Sino bang ayaw ng adventure? Mas madaming tao ang gusto ang maaksyon kaysa sa boring na buhay." "Anong gagawin mo bukas?" "Di ba Byernes bukas?" "Oo." Lumunok muna ito ng kinakain at uminom ng iced tea n'ya. "May pasok ako sa school tapos babalik ako dito sa gabi maglilinis. Pagkaligpit ko nito, uuwi na ako. 'Yong office mo kasi ang pinakahuli na nililinis ko eh. Dapat off na ako ng alas dose pero minsan inaabot ako ng alas dose y media. Ang kalat kalat mo kaya. Gusto na kitang lagyan ng isang malaking drum sa tabi mo para makita mo ang basurahan," tawa ito ng tawa habang nagsasalita. Hindi man lang natakot na baka sisantehin ko s'ya. "Sorry," first time kong humingi ng dispensa sa kahit sino. Usually, it's the other way around kahit ako naman ang may kasalanan. "Totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nito "Oo naman. Mukha bang hindi?" tanong ko sa kanya. "Alam mo, Bossing --" "Jack." Naiirita na ako sa pagtawag n'ya ng bossing sa akin. Although a lot of people are calling me Boss, kapag s'ya ang tumatawag sa akin ay naiinis ako. Para bang ipinapaalala n'ya palagi na hindi kami magkabagay. Dahil ba hindi magkapantay ang antas namin sa buhay? Dahil boss ako at taga-linis s'ya? "Ha?" takang taka na sabi n'ya. "Call me Jack." "Pero boss kita at --" "Call me Jack or I just have to fire you." Tumaas ang kilay nito. "Hoy Jack, huwag mo akong matakot takot d'yan sa fired mo at magaling akong maglinis. Makakahanap ako ng ibang trabaho. Pero alam ko rin na hindi mo ako basta pwedeng i-fire dahil lang ayaw kitang tawagin sa pangalan mo, 'no?!" Balik na naman s'ya sa pagsusungit n'ya. Oo may point s'ya, pero grounds din ang insubordination para masuspinde s'ya. At pag nasuspend s'ya, hindi ko s'ya makikita. Damn it! Pagtitiisan ko na lang ang pakikitungo n'ya sa akin? Oo, gusto mo s'ya eh. You'll get used to it. Nilibre ka pa nga ng meryenda. "I'm just kidding about firing you. Bakit ang bilis mong mainis?" "Sa 'yo lang." "Dahil?" Napalunok ito at nag-iwas ng tingin. "Basta, nakakainis ka." Napahalakhak ako. Para s'yang bata kung mangatwiran minsan. Ang sarap n'yang pupugin ng halik at yakapin ng mahigpit. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mas dapat mahiya ang mga taong may asawa na ay may sideline pa. Georgia and I are both single. Oo nga at mahirap lang s'ya, but she's working hard to send herself to school. Mas dapat s'yang hangaan sa sipag at tyaga n'ya. Personally, hindi ko naranasan ang magtrabaho habang nag-aaral. My mother would be horrified. But my father worked while studying kahit mayaman ang pamilya nila. He said that was his choice and it was a good one. Nalaman n'ya ang hirap ng isang maging empleyado. Kaya nang magkaroon s'ya ng sariling kumpanya, trinato n'ya ang mga ito ng maayos at higit pa sa inaasahan ng ibang karaniwan na manggagawa. "Nakakainis ba ako? Sorry." Pangalawang sorry ko na. "Minsan minsan." "Sorry na." Napatatluhan pa ako. Jeez! What is happening with me? Epekto ba ito ng fishballs o kikiam? First time kong kumain masarap pala ang kikiam na 'yon. Kahit 'yong orange na itlog masarap din. Mas madami pa nga yata akong nakain sa kanya. Nakita ko ang sticks sa plato ko at mas marami ang sa akin. Tumango ito. "Okay." "Georgia," tawag ko sa kanya. Para akong bumalik sa high school. "Ano? Ligpitin ko na 'to ha para makauwi na ako. Ibabalik ko pa ang cart sa baba eh." "Uhm, pwede ba kitang ihatid ngayong gabi?" tanong ko sa kanya. "Ha?" "Bukas susunduin kita at ihahatid sa school. Susunduin na rin kita pagkatapos ng klase mo para makakain muna tayo bago ka magtrabaho dito," sunod sunod na sabi ko. I've never felt so nervous in my life. Pero nakatitig lang s'ya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. Nilinis n'ya ang mga pinagkainan namin at pati ang mga tirang laman ng soft drinks ay tinapon sa lababo saka dinispose sa recycling bin. "What do you say?" tanong ko sa kanya. I heard her take a deep breath. She faced me and smiled. This time, she answered my question. "No. But thank you," sabi n'ya. Iniwan n'ya ako sa pantry at saglit akong itinulos sa kinauupuan ko. Sinundan ko s'ya at inabutan na tulak ang cart n'ya. If she thinks she can get away from me just like that, she has another thing coming. Kinuha ko ang susi ko at hinagip ang bulaklak na iniwan n'ya saka lumulan sa private elevator para kunin ang kotse ko. Inabangan ko s'ya sa labas. Isa lang naman ang nilalabasan ng lahat ng empleyado sa opisina. And there she is, nakapagpalit na ng damit at bitbit ang backpack n'ya. "Georgia," tawag ko sa kanya. Nagulat pa ito ng makita ako. "Jack! Anong ginagawa mo dito? Akala ko nakauwi ka na?" "I don't take no for an answer. Sumakay ka na at ihahatid kita sa inyo. Gabi na, baka may mangyari pa sa 'yo sa daan at masisi ako." Nagulat ito sa pakikitungo ko sa kanya pero sumunod din naman ng pagbuksan ko s'ya ng pinto. Saan kaya napunta ang taray n'ya? Ngayon ko narealize, na kapag gusto ko s'yang pasunudin sa gusto ko ay ganito ang gagamitin kong approach. I wonder how she is as a girlfriend. "Georgia," tawag ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa daan papunta sa bahay n'ya. "Susunduin kita bukas, ha?" "Bakit?" "Mag-uumpisa na akong manligaw para sagutin mo na ako kaagad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD