Chapter 14 Mariposa's POV ABOT tainga ang ngiti ko dahil sa sobrang kasiyahan. Bakit ba ako masaya? Simple. Dahil nandito na naman ang kulot na kamahalan. Hindi ko na maitatago kung ano ang nasa puso't isip ko ngayon. Marupok ma'y tawagin ay wala na akong pakialam doon. Sila kaya sunduin ng isang gwapong Alcantara. "Missed me, huh?" pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi nito. Naka ngiti siyang diretso lang anh pagmamaneho patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Nawala lang ako ng dalawang linggo mahigit sa paningin mo sinagad mo na ako ng halik. If I know na ganun mo ako ka mis, e, di... sana sinagad na rin kita." He grin after. Hinampas ko ang matigas nitong dibdib. "Sinasadya mo naman kasi, eh! Nakakainis ka!" He just laughed at ginulo ang maayos kon

