CHAPTER 18 Third Person POV Tahimik ang umaga sa opisina ni Nosgel Jadia. Ang buong palapag ay abala sa kani-kanilang trabaho, habang si Nosgel ay tahimik na nakaupo sa likod ng kanyang malaking mesa, abala sa pagreview ng mga dokumentong inihanda ni Zarah. Halata sa kanyang ekspresyon ang pagod at pagkabalisa mula sa mga nangyaring insidente nitong mga nakaraang araw. Habang sinusuri niya ang mga papeles, pumasok si Erra Hidalgo sa kanyang opisina na may dalang ulat mula sa huling imbestigasyon. Ang formal niyang suot na uniporme ay mas lalo pang nagbigay-diin sa kanyang matapang na aura. “Lieutenant Jadia,” bungad ni Erra habang inilalapag ang folder sa mesa. “Narito ang ulat mula sa task force tungkol sa nangyaring ambush kahapon.” Agad na inabot ni Nosgel ang folder at tiningnan i

