CHAPTER 22 Third Person POV Lumipas ang ilang linggo, at tila nagbalik na sa normal ang relasyon nina Nosgel at Erra sa harap ng iba. Ang mga kasamahan nila ay walang ideya tungkol sa kanilang lihim na relasyon, at sinikap nilang panatilihin ito sa ganitong paraan. Sa opisina, mahigpit at propesyonal pa rin ang kilos ni Nosgel, samantalang si Erra ay nanatiling nakatutok sa kanyang tungkulin bilang personal na security officer ng bilyonaryo. Ngunit sa tuwing sila'y magkasarilinan, nagbabago ang ihip ng hangin. Lumalabas ang malalim na damdamin na tila hindi nila kayang pigilan. Minsan, kahit simpleng sulyap lang mula kay Nosgel ang matanggap ni Erra, nagiging sapat na iyon upang patuloy na umikot ang kanyang mundo sa lalaki. Isang umaga, habang abala si Nosgel sa isang serye ng pagpupu

