Lea angel???
Lea angel???
Po? Napamulagat ako bigla sa pag tawag sa pangalan ko ni manong
Ay manong pasinsiya kana napasarap ang tulog ko.
Oo nga kanina pa kita ginigising, nandto na tayo sa harap ng gate wait lang natin na mag bukas
Sabi ni manong
Mayat maya lang bumokas na ang gate na nakapag pamangha naman sa akin pagkapasok namin galing sa malaking gate, unang una ay ang napakalawak na garden.
At ang laki laki ng mansion grabe ang yaman pla ni sir nakakalula naman itong mansiyon.
At may swimming pool pa banda sa kanan at gilid na mansion na meron nakapaligid na mga upoang bakal na kulay gray at may mga nakapalibot na mga halaman na namumulaklak.
Grabe ang ganda ganda,
Ohh baba na, nandun sa main door nakaabang c monic kanina payan humahaba na iyong leeg hehe sabay tawa ni manong,
Pagkababa ko ng sasakyan
Napansin ako kaagad ng kaibigan ko at ang lakas ng tili patakbo sa akin para yakapin ako
My Baby angel ang laki laki mo na at ang ganda ganda mo miss na miss ko na ang baby angel na kaibigan ko. Sabay yakap ng mahigpit sa akin ng kaibigan ko na parang umiiyak.
Ako naman napayakap nalang ng mahigpit sa kaibigan ko ng mahigpit, ate monic miss you too po. Tumolo din ang aking luha,
Ohh siya pasok muna tayo kc kanina pa tayo pinagtatawanan ni manong rey. Heheheh
E paano para kayong mga artista jan kung makaarte wagas at parang wala ng bukas? Haha
Sabi ni manong.
Cheee???? Sabay taray naman ni monica,
Ohh hali kana sa loob para makita mo ang iba nating kasamahan dahil kanina pa sila excited na makita ka hehe dahil sabi ko sa kanila na ang kaibigan ko na darating ay isang angel hehehe.
Ako naman na napangiti nalang sa mga sinabi ni ate monic.
Sus ikaw talaga ate monic bolera ka talaga d ka parin nagbabago,
Sabay pasok namin sa loob ng sala, at ito nanaman ako namangha sa subrang lawak, at ganda ng sala, buong sala, lalo na yung mga chandelier palagay ko libo libo ang halaga, lahat ng mga kagamitan sa loob palagay ko libo libo ang halaga.
Naputol ang aking pagmamanman sa buong sala ng mag ingay ang mga kasamahan ni ate monic.
Oiii hi Angel
Bakit nakamaskara ka?
Ahh kase...
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si ate monic
Ayy kase ano meron siyang peklat na dipa nabubura kaya takpan lang daw muna heheh
Hi angel ako pla si gena
Ako naman si lorna ate itawag mo sakin kase mag 35 na ako.
Ako naman si belyn. Ate belyn din itawag mo sa akin
Ohh siya meron tayo mayordoma dito nasa kusena kumakain. C manang luz mabait yun heheh. After nila magpakilala sa akin isa isa ko silang niyakap at ako naman nagpakilala. Ako po si lea V. Vilusca
Pero kadalasan tawag nila sa akin lea angel po hehe,
Ohh tapos naba ang pagpapakilala nyu jan?
Sabay sabay kame napalingon sa bandang pintuan na si manang luz yata yun.
Ahm tapos na po manang, sabi ni ate lorna
Ohh siya balik na kayo sa pinangalingan nyu o kung may mga trabaho pa kayo na naiwan tapusin nyu na,
Opo manang sabay sabay sagot ng tatlong katulong na nagpakilala sa akin.
Ikaw naman monic dalhin mo siya dito pakainin muna baka napagod at nagutom yan sa beyahe,
Yes manang luz sabi ni ate monic,
Angel punta ka nalang sa kusena,
Akin na iyong mga dala mo ilagay ko lang muna sa kwarto ko okay?
Ok po ate monic salamat,
Pagkaalis ni ate monic inikot ko muna ang aking paningin sa buong sala, at parang may napansin akong painting na napakalake, kamay lang naman ng baby na may birthmark sa pulsuhan.
Hmmm parang kasing hugis ng birthmark sa pulsuhan ko pero ang cute nung nasa kamay ng baby,hehe cute naman.
Ayysus angel anjan kpa pla, halika na dto kain kna?
Napapitlag ako si manang pala,
Tinakbo ko ang kusena na napakalawak
Hmmmm lahat talaga maganda, wala na akong masabi.
Angel kain na ayan ang plato
Ito ulam natin sinigang na baboy at sinigang na hipon. Sabay sandok ng kanin ni manang at nilagay sa plato ko.
Ayyy manang ako na po hehe, kaya ko na po.
Kain ka ng marami kc napagod ka sa beyahe,
Angel bakit nakamaskara ka? Halata naman na maganda ka kase ang mga mata mo palang ohhhh kitang kita na?! Sabi ni manang habang titig na titig sa mukha ko habang itoy ngumonguya
Ahm kase manang dipa po nabubura ang peklat kaya itatago ko lang po muna,
Ahh ganoon ba,
Ohh siya kain kalang diyan wag ka mahihiya dito
Lahat ng tao dito mababait lalo na magiging amo mo. Basta sundin mo lang lahat ng gusto niya at iuutos sayo.
Opo manang salamat po