Episode 4: angel meet the boss

1304 Words
Pagkatapos namin kumain ni manang nag presenta ako na ako ang maghuhugas ng plato pero hindi ito pumayag, dahil wala daw akong gagawin dito sa mansion dagil pagdating ng boss ko daw siya lamang itong aasikasuhin ko at wala ng iba, Parang nakakahiya naman po sa inyo manang at kay ate gena, ate lorna, ate belyn ate monic kung wala po akong gagawin? E kse ija d mo na kailangan tumolong dito kase kaya na namin. At isa pa mapapagod ka lalo kapag tutulong kapa e si sir mo pag dumating marami iyon iuutos, sabi ni manang. Okay po manang, salamat po Manang manang dalhin ko na po si angel sa taas sa magiging kwarto niya? Sigaw ni ate monic habang nasa may hagdanan paakyat sa taas, Ohh sige dalhin mo muna para makapag relax Ok po manang, Angel halika na? Sabay lapit ko kay ate monic at hinila niya ako paakyat, Angel sa kabilang side na nasa kanan kwarto ni sir james yan at yung katabi kwarto mo yan. At yung kabilang side kwarto yan ni sir jonas iyong kapatid ni sir james pero wala siya dito pero sabi ouwe daw sa December dito daw mag celebrate ng pasko at newyear, E ate monic bakit dito ako sa taas, bakit hindi doon sa maids room or sa kwarto mo? Anu kaba iyon kc ang bilin ni sir james pag dating daw ng P.A niya, itong kwarto nlng daw ang ibigay sayo kase para mabilis kang makarating kapag may kailangan or kung may utos siya sayo.. Sabi ni ate monic na kinabahan naman ako ng kunti dahil puro room ng boys makakasama ko dito, anu bayan diko pala makakatabi matulog si ate monic miss ko pa naman siya, sabay emot ko. Huwag kang mag alala hindi kna iistorbohin ni sir james kapag uras na ng tulog. Mabait yun promise,, Ang ganda naman dito ate monic pati yung sahig ng hallway napakakintab. Abay syempre lage yan linalampaso ni ate gena para daw pagdating ng alaga niya madulas hahaha sabay tawa ni ate monic at napatawa narin ako. Halika angel pasok ka sa kwarto mo ipakita ko sayo. Pagkapasok namin ni ate monic bigla akong napako sa may pintuan pagkakita ko ng room ko. Akala mo isang prensesa ang matutulog lahat kulay pink ang nasa loob. Curtain, bedsheets, lahat lahat pati cavinet ko? Iba lang kulay ng pintuan ng cr kc kulay puti ito, at ang lawak pa ng silid, hayyy grabe ate monic namangha ako parang nakakahiya yata kung dto ako matutulog, pwide bang sa baba nalang ako, diko mapigilan sabihin kay ate monic. Sabay kamot sa batok ko na nahihiya habang si ate monic nakangiti lang Kasalanan ko kase, sabi ni ate monic. Huh? Ano ibigsabihin mo ate monic? E kase si sir kc mabait talaga iyon, alam niya kase na ikaw ang erekuminda ko sa kanya bilang P.A niya, kaya ayun. narinig niya kase nagkwentuhan kame mga kasama ko dito about sayo. Sabi ko. Maputi ka, maganda at para kang Angel na walang langit hahaha sabay lakas ng tawa ni ate monic na napanganga naman ako sa mga sinabi niya, Kaya ayun angel napag disisyunan ni sir james na dito ka matutulog pag nandito kana, Nagulat nga din kame eh sa inasta ni sir james pero hinayaan nalang namin. Kc ang alam namin si sir james wala kaming masabi dahil napakabait nun. Pero alam mo angel? Never never pa namin nakita yan si sir james na nagdala dito ng babae, hindi namin alam kung may girlfriend ba siya o wala? Ahh basta ang alam lang namin busy siya palage sa businesses na pinapatakbo niya. Mahabang litanya ni ate monic na sunod sunod naman ang tango ko habang nakaupo kame sa mahabang sofa ng kwarto ko na kulay pink din. Angel paano pala yung maskara mo tatangalin mo ba yan kapag dumating si sir james? Ahm anu kase..... Diko na natuloy ang sasabihin ko ng may narinig kaming busis lalake na napaganda sa pandinig ko Baka yun na yung amo ko? Sabi ng isip ko na kinabahan naman ako at diko maintindihan bakit lumakas ang t***k ng puso ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit at bigla akong napahawak sa dindib ko..? Monica????? Ayyyy??? Sir james ikaw pala yan? Nandito kame sa loob ng kwarto ni angel??? Wait po lalabas na kame?? Sigaw ni ate monic. Ako naman diko na naalis ang kamay ko sa dibdib ko. Bakit ganito ito? Ang bilis ng t***k? Busis palang ng amo ko narinig ko, ang lakas na ng t***k ng puso ko? Angel anu nangyayari sayo masakit ba dibdib mo?? Ang lakas ng busis ni ate monic ng may narinig naman kaming yabag papalapit sa amin at sabay pa kaming napalingon ni ate monic, Ano ang nangyayari? Si sir james? Bigla akong napatayo at sabay yuko bilang pag galang, Hello po sir magandang gabi po sabay bati ko. Magandang gabi din. Ikaw ba si angel? Sabi ni sir james, Napatango naman ako bilang pag oo pero hindi parin ako tumitingin sa mukha ni sir james kc baka lalong lumakas ang t***k na puso ko. Monica ano yung narinig ko na masakit ang dibdib? Sabi ni sir james na ramdam ko may pag aalala dahil halata ito sa busis niya, Ayy sir si angel po baka po pagod lang kaya napahawak sa dibdib niya, sabi ni ate monic na mabilis makahanap ng palusot dahil alam ni ate monic na kinakabahan ako. Un lang ang alam niya pero di niya alam iba ang ipinapahiwatig ng t***k ng puso ko. Ahh ganun ba, okay okay, pwide kana magpahinga bukas nalang tayo mag usap. About sa mga gagawin mo at rules ko para sayo, Sabi ni sir james sabay tatalikod na sana siya ng tumigil muna ito sa pag hakbang, Sabay harap sakin at lumapit ng kunti ng hahawakan na sana niya ang maskara ko. Pero mabilis kung iniwas ang mukha ko. Ahhh sorry, nagustohan ko yung maskara mo at saka ang cute, sabay smile ni sir james na inakatulala ko. Pero sa mata ko siya nakatingin. Ohh monic ikaw na muna bahala, magpapahinga na ako. Gudnight angel and monic, Goodnight sir james Nagkasabay pa kame ni ate monic, Ohh divah sabi ko sayo mabait si sir james, bagay talaga siya sa angel hehehe, Hehe ikaw talaga ate monic, Ohh siya sige maglinis kana ng katawan mo at magpahinga kana, iyong mga damit mo nasa closet na nilagay ko na doon. Pero diko binuksan ang isa mong bag ikaw nalang mag ayos ha? Maiiwan na kita mag 9pm na pala matulog na kana at akoy bababa na, Goodnight angel ko sabay yakap ni ate monic sa akin. Goodnight ate monic, sabay tayo namin dalawa at hinatid ko si ate monic sa pintuan at isinara ko na ito, At ako naman dahan dahan kong tinangal ang maskara ko at nag asikaso na ng sarili ko para makatulog na, Hayyyy kapagod, musta na kaya si nanang at tatang, miss ko na agad sila, de bale bukas na bukas tatawag ako sa kanila ibabalita ko na okay na okay ako. Midjo nailang pa ako sa kama ko. Para talaga akong prensesa, nakakahiya naman. Pero anu pa ngaba magagawa ko andito na to, Haist katulong lang din ako dito pero bakit ganito? Hehe sabay yakap ko sa isang unan na napakalambot at unti unting pumipikit ang aking mata na habang nakasubsub ang aking mukha sa unan. Antok na antok na talaga ako kahit may naramdaman ako na may nagbukas ng pinto at papalapit sa akin ang prsensiya nito. At naramdaman ko na kinumutan ako at pinatay ang ilaw, pero di na kaya gumalaw ang aking katawan at diwa ko nalang ang gising pa, baka si sir James yun? Ahh hindi siguro baka si ate monic yun double check niya muna ako. Sabi ng isip ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD