WARNING: LONG CHAPTER AHEAD, HEHEHE. :) -*- "Please cancel the appointment, thank you." ••••• Tinitigan ko ang bawat patak ng ulan na bumubuhos sa labas ng bahay. Maulan at taglamig na. Nakasuot ako ng loose loongsleeve shirt na kulay baby pink at nakatuck-in ito sa aking high waist black pants. Somehow, I feel like I'm still in my 20s. Nakatayo ako sa harap ng aming pintuan habang hinihintay si Shawn na matapos sa pagbibihis. Nabaling ang tingin ko sa tumutulong tubig sa tiles ng bahay na nanggagaling sa dulo ng aking buhok. Kakatapos ko lang kasi maligo at basa pa ang aking buhok. Sinuklay ko iyon gamit ang aking daliri. Day off ko ngayon at ngayon din ang laban ni Shawn. Kahit umuulan ay hindi talaga nagpatinag ang University. Sa bagay, may bubong naman ang gymnasium kung saan ga

