CHAPTER 18

2368 Words

"That was a quick replacement, Inori." ••••• Tumingin agad ako sa aking gilid pagkadilat ng aking mga mata. Napapikit akong muli nang maalalang wala nga pala ako sa sariling bahay, nandito nga pala ako sa bahay ng mga magulang ko. "Panibagong araw. Kaya mo 'yan, Inori..." bulong ko. Bumuntong hininga ako at tumayo na sa higaan. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto. Ito ang dati kong kwarto noong dito pa ako nakatira, wala pa rin namang pinagbago. Wala ring natutulog dito at linggo-linggo rin itong nililinis ng mga kasambahay nila Mommy. Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Hanggang kailan ako magtatagal dito? Hanggang kailan ko titiisin ang lahat? Hanggang kailan niya ako titiisin? Naligo na ako at nagbihis ng pang-alis na damit. Ginawa ko muna ang morning routi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD