CHAPTER 1

1484 Words
“Let’s stay this way forever, I love you.” ••••• “Iinumin mo ‘yung gamot na ni-reseta sa’yo ni Doctor I, ah?” Napangiti na lamang ako nang marinig ko ang sinabi ng nanay ng bata na nagpa-check up sa akin kani-kanina lang. I am happy that they encourage their children to follow the instructions of doctors, like me. Dahil wala pang pasyente, nagbasa-basa muna ako sa libro na hindi ko pa rin natatapos dahil sa dami ng batang nagpapacheck-up sa hospital araw-araw. Tumunog ang cellphone ko habang binabasa ang librong iyon. I smiled when I read the text. Shawn: Hi! I’ll fetch you later, I love you. Ako: Okay. Please take care. I love you too. Ibinaba ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagbabasa nang pumasok si Zarah sa clinic ko. “Doc, lunch na po. Pwede na kayong magpahinga muna at kumain.” Tumango ako at nginitian siya. “Sige, salamat Z.” Si Zarah ay nurse rito sa pinagt-trabahuhan kong hospital. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon at matagal na rin siya rito ngunit mas matagal lang ako ng ilangbuwan. Mabait siya kaya naman naging close kami agad. Tumayo ako at tinanggal muna ang lab coat ko para makalabas na ng clinic. Iniisip ko kung saan ba ako kakain, sa cafeteria o sa labas na lang ng hospital? Palabas na ako ng building nang tawagin ako ng guard. Pinili kong kumain na lang sana sa labas. “Doc I!” Nilingon ko iyon. Lumapit ako sa guard habang tinitignan ang paper bag na hawak niya na may nakasulat  na pangalan mula sa isang sikat na restaurant. “Magandang tanghali po, Kuya.” bati ko sa kanya. “Magandang tanghali rin po, doc.” iniabot niya sa akin ang paper bag. “Pinabibigay po pala ni Sir Mendrez.” Napangiti ako. Mukhang hindi ko na kailangang lumabas ng building.Bumalik ako sa clinic. Nakasakay na ako sa elevator nang makareceived ako ng tawag mula kay Shawn. “Hello?” “Hello, love.” his voice is husky, parang kagigising lang. “Natanggap mo ba 'yung lunch mo? Sorry, I slept kaya pinadala ko na lang.” I smiled. Sabi ko na nga ba, nakatulog ito. “Yeah. Thank you. Ikaw, you ate lunch?” I asked. “Yes love. By the way, I have to go, class starts in ten minutes. Take care, I love you!” “I love you too, bye!” I ended the call. Dumeretso agad sa aking clinic para makakain na. Ilang pasyente pa ang nagpa-check up. Nang vacant time ko ulit ay dumating naman ang mga kaibigan ko. “Hi Doc I!” bati ni Margarette. Natawa ako, nandito sila Leila at Margarette. Hindi ako sanay na tinatawag nila akong Doc. “Kamusta?” tanong ko. Ngumisi si Leila. “We’re doing fine. How about you, doc?” I jokingly rolled my eyes at her. Napailing din ako dahil sa pagtawag niya sa akin. “Stop with the 'doc' Lei. Okay lang naman. Maga-out na rin ako later.” Tumango-tango siya. “Baka gusto mong bisitahin 'yong boutique ni Marga?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Leila at agad na binalingan ng tingin si Marga na ngayon ay busy sa cellphone. “Marg?” tawag ko sa kanya. Napabalikwas siya ng tingin sa akin at ngumiti. “Ah, yes! May branch na ng boutique ko riyan sa SM Manila.” Mabilis akong tumayo at inayos ang nga gamit ko. “Well then, let's go!” Sakto namang pumasok si Zarah. “Doc I, ito po pala 'yung mga files ng mga patients for tomorrow. Sabi po kasi ni Doc. Justin ibigay ko na raw po sa inyo kaagad.” sambit ni Zarah. “Okay, pakilapag na lang diyan Z. Mauna na muna ako.” Tumango si Zara at pinasadahan ng tingin ang dalawa kong kaibigan na narito. “Magandang hapon po, ingat po kayo!” paalala niya sa amin. Nasa elevator na kami nang maisipang magsalita ni Margarette na kanina pa busy sa cellphone niya. Tinignan ko ang aking repleksyon sa elevator na sinasakyan ko. Nakasuot ako ng floral polo na nakatuck-in sa aking above the knee na palda. Napangiti ako sa aking sarili. I got matured with the way of my clothing too, huh? “Bilisan natin. Nandoon si Seatiel, baka mainip iyon.” ani Marga. Nagkatinginan kami ni Leila at sabay na nagkibit balikat. “Kailan ba kayo magpapakasal niyan?” tanong ni Leila nang makalabas kami ng elevator. “Kapag niyaya niya na siguro ako.” sagot ni Marga sa kawalan. Kumunot ang noo ko. May problema na naman ba sila? Mukhang dumadalas na ang pag-aaway nila. Tulala si Marga habang nasa biyahe kami. Nag-taxi lang kami dahil walang ni isa sa amin ang may dala ng kotse. Ako ang katabi ng driver habang si Margarette at Leila naman ang nasa likod. Nang makarating kami sa mall ay saka lang nabuhayan si Margarette. Naroon kasi si Seatiel, at mukhang hinihintay siya. “Se,” tawag nito kay Seatiel. Ngumiti si Seatiel sa amin at hinalikan ang noo ni Margarette nang makalapit ito sa kanya. “How are you?” bati ko sa kanya. Mga isang buwan na rin 'ata kaming hindi nagkita at nakapag-usap ni Seatiel dahil sa conflict ng schedules namin. Sila Marga at Leila naman ay pumupunta sa hospital para bisitahin ako kapag hindi sila busy. Sinagot ako ng 'okay lang naman' ni Seatiel at iyon ang naging cue para pumasok na kami sa loob ng mall. Nang makarating kami sa boutique ni Marga ay nakangiti na siya at hindi na maalis iyon kahit anong sabihin ni Leila sa kanyang pang-asar. Syempre, nasa tabi niya kasi si Seatiel. Pumasok kami sa boutique at may iilan-ilang mga costumers ang nandoon. Nang makita kami ng mga sales lady ni Margarette ay ngumiti sila at agad na bumati. “Nasaan nga 'yung main branch ng boutique mo?” tanong ko. Habang tumitingin ng mga damit ay tinitignan ko rin si Margarette na nakasunod pala sa akin. “Nasa SM Fairview.” Tumango ako at pumunta naman sa shoes section. Napapalakpak ako sa aking isip nang makita ang mga sapatos na design ni Margarette. Ang gaganda! Siguradong dadayuhin itong branch na ito dahil sa ganda ng quality ng mga produkto. “May size 7 ba kayo nito?” tanong ko sa kanya sabay pakita ng sapatos na dinampot ko sa aking gilid. Ang sapatos na iyon ay may 3 inches pointed heels. Naisip ko kasing magagamit ko ito sa trabaho. Pinatawag ni Marga ang isa sa sales lady niya para kunin ang hinihingi kong size 7. Infairness kay Marga, ang mga sales lady niya ay may ibubuga. “May height preference ba ang mga workers mo?” tanong ko habang nakakunot ang noo. Pantay-pantay kasi 'yung height nila kahit na may heels. Tumawa si Marga. “Meron. 5'5.” “Wow, parang flight attendants lang.” si Leila. Itatanong ko sana kung saan galing si Leila nang maunahan ako ni Marga. “Sinusundo na ako ni Bryan, may dinner kasi kami with his family. So... Mauna na ako?” paalam ni Leila sa amin. Nagkatinginan kami ni Marga at sabay na tumango. “Okay, ingat Lei.” Nang umalis si Leila ay nagpaalam na rin ako na mauuna na dahil susunduin din ako ni Shawn. Iniwan ko si Margarette at Seatiel sa loob ng boutique. Habang naglalakad sa parking lot ng mall ay tinatawagan ko naman si Shawn para masabing nasa SM Manila ako. “Hello?” “Love, where are you? Dumaan akong hospital, nag-out ka na raw.” I smiled when I heard his panic voice. “Sorry, nasa SM ako. Pinuntahan ko kasi 'yung new branch ng boutique ni Marga rito.” “Okay. Wait for me there.” I heard his sigh of relief after that. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Take care.” Ilang sandali pa ay dumating na si Shawn. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinalikan ang noo ko pagkapasok sa kotse. “Hi.” ngiti niya. I felt my eyes sparkled. “Hello.” Pinaandar niya na ang kotse habang nagtatanong sa akin. “How's work?” “Hm... Ayos naman. Mababait 'yung mga batang pasyente ko.” I smiled. Tumango si Shawn. “I see.” “Ikaw, kamusta naman sa Campus?” lumingon ako sa kanya. He shrugged. “Still the same.” Tumango ako at hindi na nagtanong ulit. Ilang sandali pa ay siya naman ang nagsalita. “Let's have a dinner first, love?” “Okay.” tumango ako at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko nang makababa kami ng kotse at pumasok sa supermarket. Kumunot ang noo ko. “I thought we're having dinner?” He smirked and kissed my hand he's holding. “I'll cook for dinner.” Ayon nga ang nangyari. Ako ang nagtutulak ng cart habang siya naman ay kumukuha ng kung ano-anong ingredients. When we got home, pinark niya ang kotse sa bahay habang ako naman ay diretso ng pumasok at dumiretso sa kitchen para ihanda ang mga ingredients na para sa lulutuin niya. Well, I cook also but he's more expert in this kind of work. So I give the privilege to him when it comes to cooking. Umupo ako sa stool na nandito sa may counter nang pumasok si Shawn sa kitchen. Nagsuot siya ng apron at ako naman ay pinapanood lang siya. “Anong lulutuin mo?” tanong ko. Lumingon siya sa akin. “It's a surprise, love.” he smiled. I shrugged. Okay. Napangiti na lamang ako at napailing. How did I get this guy again? Why did he marry me? “I hope we'll be like this forever.” It's been four years since we're together. Matagal na rin kami at kahit kailan ay hindi pa kami nagkaroon ng seryosong away. Sana ay ganito na lang palagi, sana ay walang magbago. Kami pa rin, hanggang sa dulo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD