CHAPTER 31

2712 Words

“I won’t love you the way I love Inori.” ***** Panay ang tingin ko sa aking cellphone dahil hinihintay ko ang tawag ni Shawn. Limang oras na ang nakakalipas simula no’ng dumating kami rito sa Japan pero hindi pa rin siya tumatawag. Wala rin namang ibinabalita si Jaime sa akin. Siya lang ang kasama ko ngayon dito sa apartment. Nagtataka ako kung anong ginawa ni Jaime sa asawa ko at bakit pinagkakatiwalaan siya nito ng husto. Ang alam ko ay hindi madaling magtiwala si Shawn ngunit itong lalaking kasama ko ngayon ay alam kong malaki ang tiwala niya. Hindi naman niya isasama sa akin si Jaime kung hindi niya ito kilala at pinagkakatiwalaan ng lubusan. “Hindi pa rin tumatawag ang asawa mo kahit sa akin, siguro ay inaayos pa niya ang problema roon kay Olivia. Kasama niya si Miranda at susunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD