“Shawn, I can’t wait for your surprise.” ***** Sinundan ko si Yuri sa table na inuupuan niya. Medyo malapit iyon sa table ni Shawn ngunit hindi ako nagpatinag. Hindi ko naman kailangang magtago dahil wala naman akong kasalanan, mukhang siya nga ang mayroon pero hindi niya nga lang ‘ata alam. Hindi pa niya siguro ako nakikita dahil nakakangiti pa siya sa kausap niya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na ako? “Here’s the menu, Miss Okinawa.” sambit ng waiter na lumapit sa amin. Umiling si Yuri at ibinalik ang menu sa waiter. “No need, we’ll have two orders of udon. Parang hindi mo naman ako kilala niyan!” sambit pa ni Yuri sa waiter at tumawa. Nakatitig ako sa likuran ni Shawn nang bumaling si Yuri sa akin kaya medyo nagulat pa ako. Nawala rin tuloy ang tingin ko

