“Time to shine, Inori.” ***** Bago pa ako makita ni Olivia na nakatingin sa kanya ay dumiretso na ako sa cafeteria para makabili ng makakain. Ano kayang relasyon niya sa Jaime at Miranda na iyon? Pero ang tanong ko talaga ay 'yung kilala niya bang Miranda at Jaime ay 'yung ob-gyn na pinagkonsultahan ni Shawn at ang mga taong nagsabing infertile ang asawa ko? I think I need to make a plan kung paano ko aalamin kung sino ang Jaime at Miranda na iyon. Sa cafeteria na rin ako kumain ng lunch habang iniisip kung paano ko malalaman ang gusto kong malaman. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Olivia dahil siguradong maghihinala siya. Hindi rin naman kami close para tanungin siya tungkol sa mga kaibigan niyang iyon. I sighed. Ipapahinga ko na lang muna ang isip ko, pag-uwi na lang sa bahay sak

