“She got food poison.” ***** Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang magkausap kami ni Miranda. Nasabi ko na rin kay Shawn ang ginawa kong pakikipag-usap kay Miranda at no'ng sinabi ko na iyon sa kanya ay ako pa ang nagulat imbes na siya. Bakit ko nasabi? “Hindi na ba tayo mag-uusap? Hindi ba sabi mo kaninang umaga gusto mo kong kausapin?” sambit ko habang sinusundan si Shawn papuntang sala. Umiling siya, “It’s up to you if you want to tell me.” Lumipat ako sa harapan niya at tinulungan siyang magtanggal ng kanyang necktie na nabuhol na dahil nagkamali siya nang pagtanggal. “Nakipag-usap ako kay Miranda kaninang umaga at saka kahapon din, pinuntahan ko siya sa clinic niya...” mahina kong sambit. Tumango siya kaya napatigil ako sa pagtanggal ng kanyang necktie at tinignan lama

