6

1646 Words
Panay hikab ko habang nasa oras ako ng trabaho. Dahil sa natagalan bago ulit ako nakatulog kagabi dahil sa ginambala ako ng kidlat at kulog. Nawala pa sa isip ko kagabi na uulan kahit ilang beses na akong chinecheck ang weather forecast sa cellphone ko. Inaantok lang ako, pero hindi ako susuko! Dahil sa hindi na ko na kaya ay hindi na nagpasya na akong magtimpla ng kape para kahit papaano ay nabawasan ang antok ko at magising naman ang diwa ko. Si River kaya? Hindi ba siya inaantok o ano? Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang intercom na nasa tabi ko. "Baby Pau, come here." tawag niya sa akin sa pamamagitan ng baritono niyang boses. Matik na nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig! Agad ko tinakpan ang intercom at iginala ang aking paningin sa paligid. Ang iba sa kanila ay napatingin sa gawi ko. s**t, bakit kasi ako tinawag na ganoon ni River, kitang nasa oras kami ng trabaho?! Ngumiwi ako sa kaniya na kungwari joke lang 'yong narinig nila. Tapos ay nagmamadali akong pumasok sa opisina ni River. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso, kasabay na nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya na aking inabot. Nadatnan ko si River na kasalukuyang nakatutok sa kaniyang laptop na tila may binabasa siya doon. Seryoso ang kaniyang mukha. Naputol lang iyon nang maramadam niya ang aking presensya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Isang matamis na ngiti agad ang iginawad niya sa akin. Mabilis siyang tumayo at dinaluhan ako. Pinanlisikan ko agad siya ng tingin. "Bakit ganoon ang tawag mo sa akin? Alam mo namang nasa trabaho tayo, hindi ba? Papaano kung may nakarinig?" I was like a nagging mother in this state! "Kapag tayo nabuko ng mga emplayado dito, lagot ka na sa akin." Humalakhak siya na akala mo may nakakatawa sa sinasabi ko! Agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I'm sorry, baby Pau. I can't help." masuyo niyang sambit. Umingos ako. "Bakit mo pala ako pinapatawag?" pag-iiba ko ng usapan. "I just wanna know if you're alright." Umiba ang ekspresyon sa aking mukha, wari'y nagtataka. "Ayos lang naman ako. Inaantok lang ako ng kaunti pero uminom na ako ng kape." tugon ko. Tumango siya na tila naiitindihan niya ang ibig kong sabihin. Nilalaro ng hintuturo niyang daliri ang kaniyang pang-ibabang labi. Pinagmamasdan niya akong mabuti. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at hinatak niya ako sa mahabang couch na narito lang din sa kaniyang opisina. "Lie down." utos niya. Kumunot ang noo ko nang sulyapan ko siya. "H-ha?" "Ang sabi ko, higa ka." malumanay niyang sabi. "I mean, bakit?" Tumaas ang isang kilay niya. "Alam kong kulang na kulang ka sa tulog. You are free to sleep or rest here inside of my office. Don't worry, wala naman akong gagawin sa iyo." ayan na naman ang ngiti niya. Hay, nako! "Magtatrabaho lang ako habang natutulog ka." he assured. "Eh papaano ang mga trabaho ko?" "Huwag mo na muna problemahin ang mga trabaho mo. Maghihintay naman ang mga iyan. Ako na ang bahala." pinaupo niya ako sa couch. Kumuha siya ng throwpillow sa isang tabi at inilipat niya sa mahabang couch. "Now, rest and regain your energy, baby Pau." masuyo niyang sabi. Kahit nalilito ako ay sa huli ay wala na akong magagawa pa kungdi sundin ang kaniyang inuutos na magpahinga ako. Inabutan pa niya ako ng isa pang throwpillow para daw yakapin ko habang ako'y natutulog. "Sleept tight, my wife." then he plant a kissed on my forehead. Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo para itago ang kilig na aking nadarama. Marahan ko din ipinikit ang aking mga mata. Ilang saglit pa ay naririnig ko na nagtiitpa na si River sa kaniyang laptop. Mukhang seryoso nga siya sa kaniyang sinasabi wala siyang gagawin na kabulastugan ngayon. ** Nagising nalang ako na may naamoy akong masarap. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin si River na may inaayos sa coffee table. Bahagya akong bumangon saka humikab. Napatingin siya sa akin na nakangiti. Teka, nawawala pa ako sa ulirat. "You finally awake." nakangiting bati niya sa akin. Nang makita ko kung ano ang inaayos niya, pagkain. If I'm not mistaken, tinolang manok at mga cutted fruits. "Pagkain..." mahina kong sambit. "Ah, yeah. Tinawagan ko si mama, humingi ako ng favor kung pupuwedeng dalhan niya tayo ng tanghalian. Tuwang-tuwa naman si mama kaya siya ang nagluto at personal na nagdala ng mga ito dito sa opisina." he explained. Ah, napagawi pala si Madame Pasha dito sa office. Wait. Si Madame Pasha?! Ang nanay niya, pumunta dito?! Nanlaki ang mga mata ko na bumaling sa kaniya. "Pumunta si Madame Pasha?!" tumaas ang tono ng pananalita ko. Binigyan niya ako ng isang mala-inosenteng tingin. Ngumuso siya at tumango. "Yeah, tulad ng sabi ko, siya ang personal na naghatid nito-" Bigla ko ginulo ang buhok ko nang nasink sa akin ang lahat. "Oh my gosh! Nakakahiya! Naabutan pa niya yata ako natutulog dito! Hala! Tatawag ako sa kaniya at hihingi ng pasensya dahil natulog ako sa oras ng trabaho!" natataranta kong sabi. Agad niya ako dinaluhan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hey, hey, it's okay. Wala naman kaso kay mama kung naabutan ka niyang natutulog dito dahil ako na din mismo ang nagpaliwanag sa kaniya. You know my mother, she's too kind to undestand everything especially about you." Doon ako natigilan. Napaawang ang bibig ko. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "S-sinabi mo sa kaniya kagabi...?" s**t, sinabi niya na tungkol sa may nangyari sa amin kagabi?! Nakatitig siya sa akin nang matagal na parang naguguluhan na din siya sa akin. Nang napagtanto niya ang ibig kong sabihin, humalakhak siya. Walang sabi na kinurot niya ang magkabila kong pisngi! Wengya, masakit, ah! "Kung anu-ano ang pinag-iisip mo, syempre hindi tungkol doon." binatawan na niya ang magkabilang pisngi ko. "I told her about your anxiety, you're scared in thunderbolts." Natigilan ako. Tumitig ako sa kaniya. "Sinabi ko kay mama na nakatira ako ngayon sa bahay dahil kailangan mo ako, Pauline." sumeryoso ang kaniyang boses. "How long? You've got an astraphobia." Lumunok ako at sumeryoso na din ako. "Noong nasa grade six palang ako. Noong umalis ang mga magulang ko sa bahay dahil manganganak na si mama sa kapatid ko." sagot ko sa pamamagitan ng mababang tono. "I was all alone there. Umuulan ng malakas ng mga panahon na iyon. Pakiramdam ko kasi, ako ang tatamaan ng kidlat. Kaya nagmamadali akong nagtago sa closet hanggang sa napagtanto ko na nakatulog na ako sa loob n'on." mapait akong ngumiti. "Kaya simula noon, palagi ko inaabangan ang balita kung babagyo ba..." Hinaplos niya ang aking buhok ay marahan niyang inilapita ang ulo ko hanggang sa dumapo iyon sa kaniyang dibdib. "Mag-isa mo pala nilalabanan ang kinakatakutan mo. And I felt terrible to see you like that." malumanay niyang sabi. "I'm here now, Pauline. I'm here for you. Right now, tomorrow and every single day after that." Sa mga salita na kaniyang binitawan, my heart suddenly throbbing and clenched. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko nalang na may tumulo na isang butil ng luha mula sa aking mata. Hindi ko alam na mararamdaman ko ang bagay na ito, sa boss ko pa mismo. Ako na mismo ang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. "Thank you, River." sambit ko na basag ang boses. Pinunasan ko din ang mga luha na kumakawala na. Isang sinserong ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi. "For you, no problem." dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. ** Pag-uwi namin ng unit ay agad ko dinaluhan ang kusina para kumuha ng tubig. Si River naman ay prenteng nakaupo sa couch at binuksan ang tv. Naglabas ako bg tubig sa ref at nagdala ng dalawang baso. Dinaluhan ko ang salas. Ipinatong ko ang mga dala ko sa coffee table. Tinulungan naman ako ni River. Pagkaupo ko ay siya na ang nagsalin ng tubig sa baso. "Anong gusto mong kainin for dinner?" Ngumuso akong bumaling sa kaniya. "Kahit sandwich nalang. Pero na ang gagawa. Ikaw ba?" Hindi siya sinagot ang tanong ko, instead, "Mabubusog ka na doon sa sandwich lang?" bakas na pag-aalala sa boses niya nang tanungin niya iyon. "Yep. Ayos na ako doon. At saka, marami din naman akong gagawin." "Like what?" "Hihingin ko sa bawat department ang report. Then ichecheck ko pa ang mga email ko, baka may mga request for meeting with you-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya ako hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata kom dahil sa gulat. "Leave them for a while, baby Pau." sambit niya. "River..." "Baby Pau. It's already Friday night. How about let's have some fun?" saka ngumisi siya. Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Bago man niya sagutin ang tanong ko ay tumunog ang cellphone niya. Nakuha n'on ang atensyon namin. Tumingin sa akin si River na parang sinasbai niya nsasagutin niya muna ang tawag. Ngumiti ako sa kaniya. "Hello, Ruslan?" "Hey, cous. Wala ka yata dito sa penthouse mo. Ang sabi sa amin ng guard, huling nakita ka niya, may mga bitbit ka daw na bagahe. Where are you? It's Friday night, it's party time! Ikaw nalang ang hinihintay dito. Kuya Rowan and his girl ate Ciel were already here. Pati na din ang girlfriend ni Zvonimir na si Lyndy, kasama namin. Ikaw nalang ang kulang!" "Give me a moment. I'll be there. Just text me the club." aniya. "Alright. We're expecting ya." Binaba na din ni River ang tawag ng kaniyang pinsan. Bumaling siya sa akin. "Still have an energy?" he asked. Ngumuso ako. "Nakatulog naman ako sa opisina mo. Kaya okay pa ako. May energy pa naman ako." Bigla siyang pumalakpak. "Great, wear something pretty. We're going in a party." Laglag ang panga ko sa desisyon niya. "W-what?" para akong nabingi. "Isasama kita sa party night naming magpipinsan." "Hang out ninyo 'yon, bakit kasama pa ako?" naguguluhan na ako. Matamis siyang ngumiti sa akin. He lift my gaze by touching my chin. "Because I am your boyfriend, even it's fake, ipapakilala pa rin kita sa kanila." he brushes his nose on me. "They will meet the woman who I loved from the very first day."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD