Rafa’s POV Magmula ng mangyari na magkaharap si Evere at Faye ay ramdam kong umiiwas na si Evere sa akin. Hindi na siya natutulog sa bahay ko. Dadaan lang siya sa bahay at sinisiguro niyang wala ako doon kung pupuntahan niya si Raffie. Sa restaurant naman, talagang umiiwas din siya sa akin. Alam kong ayaw din niyang magkaroon uli ng gulo. Araw – araw pa rin akong nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Hindi pa rin niya alam na sa akin galing iyon. Naipagpasalamat kong mahigit isang linggo ng hindi pumupunta doon ang boyfriend niya. Medyo nakakaluwag sa dibdib ko. Gusto ko na ring maayos kami ni Evere. I've decided to talk to her today. Tinapos ko lang lahat ng trabaho ko ngayon. After my three meetings today, kailangan ko pang puntahan ang Johnnie's Café ni Luis dahil mayroon daw s

