Evere’s POV Hindi ko na alam kung nakatulog pa ba ako. Dito ako nagpahatid sa apartment ko. Pagkatapos ng nangyari, alam kong malabo ko ng makita pa si Raffie. Lalo akong napaiyak. Isasakripisyo ko na lang ang kaligayahan kong makita si Raffie. Alam kong Paeng can give her a better life. A better life without me. Ang sakit – sakit lang. Gusto ko ng maayos ang lahat. Gusto ko lang naman na maging maliwanag ang lahat ng mga nangyari sa amin. Pero bakit ganoon si Paeng? Bakit ayaw niyang makinig? Hindi pa ba siya masaya? He almost have it all. Money, success, girlfriend. Pati nga anak ko nasa kanya na, eh. Pero bakit ganoon pa rin siya? Punong – puno pa rin ng galit ang dibdib niya. Tawag ng tawag sa akin si Nana Conching kagabi pero tiniis ko. Tapos panay ang text niya

