🧛🏻‍♂️CHAPTER 2🧛🏻‍♂️

493 Words
Avril nandito na tayo.” nagising naman ako ng gisingin ako ni Mama. Kinusot ko naman ang mga mata ko at napatingin sa labas. Medyo padilim na at bumababa na din ang mga taong nakasabay namin sa bus. Kinuha naman namin ni Mama ang mga gamit namin at bumaba na. “Alam po ba ni Lola na pupunta tayo?” tanong ko kay Mama habang naghahanap kami ng tricycle na masasakyan. Natawa naman si Mama, “Syempre hindi, alam mo naman na hindi gumagamit ang Lola mo ng selpon kaya paano ko masasabi sa kanya na pupunta tayo dito?” Napakamot nalang ako ng ulo. Oo nga pala, hindi pala uso ang selpon dito sa probinsya namin at mahina din ang signal dito. May huminto namang tricycle sa harap namin. Tinulungan naman ni Manong si Mama na ilagay ang gamit namin at pumasok naman kami. “Saan po kayo?” tanong niya. “Sa bahay po ni Margarita.” Napatingin naman siya samin. “Ka-ano-ano niya kayo?” tanong niya pa. “Anak niya ako.” nakangiting sabi ni Mama na ikinagulat naman ni Manong. “May anak pala si Manang Margarita.” manghang sabi niya at napatingin sakin. “Napakaganda naman ng anak niyo. Ingatan niyo siya baka magustohan siya ng mga taong gubat dito.” Nangunot naman ang noo ko. Eh kayo kaya yun kasi obvious naman na mga taong gubat kayo. Natawa naman si Manong, “Mga bampira ang tinutukoy ko, iha.” Nanlaki naman ang mga mata ko. Paano niya nabasa ang iniisip ko? “Maraming salamat po. Sainyo nalang ang sukli.” nakangiting sabi ni Mama kay Manong. Ngumiti naman si Manong at tumango bago siya umalis. Napatingin naman ako sa lumang bahay na medyo malaki. Medyo ang creepy nga dahil wala man lang kabuhay-buhay ang bahay tapos may mga pàtày pang mga halaman ang nakatanim. May mga baging din na pumupulupot sa pader ng bahay. Wala man lang bang planong ipaayos ito ni Lola? “Tara na, anak. Baka nasa loob ang Lola mo.” Tumango naman ako at binitbit ang gamit ko. Binuksan naman ni Mama ang maliit na gate at tumuloy kami sa pinto. Inilapag ko naman ang gamit ko dahil sa bigat. “Ma!” tawag ni Mama habang kumakatok siya. Nangunot naman ang noo ko dahil sa tagal ng pagbukas ng pinto pero maya maya ay bumukas din ito at bumungad samin si Lola. Napatago naman ako sa likod ni Mama dahil sa nakakatàkot nitong tingin lalo na sa akin. Naka-all black siya at medyo magulo din ang buhok ni Lola. Ang creepy ng itsura niya. “Ano’t nasa likod ang apo ko?” tanong ni Lola. Sumilip naman ako at ngumiti ng naiilang habang nakatingin lang sa akin si Lola. “H-Hi po. M-May pagkain po ba?” Gusto ko nalang sàmpalin ang mukha ko. Kadarating lang namin tapos pagkain na ang hanap ko. Nahalata tuloy ni Lola na masyado akong matakaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD