🧛🏻‍♂️ CHAPTER 3🧛🏻‍♂️

487 Words
Natawa naman si Lola sa sinabi ko. “Oo, mabuti nalang ay marami akong inihanda. Inaasahan ko na ang inyong pagdating.” sabi niya na ikinagulat ko. Tinalikuran naman ako ni Lola at naglakad papunta ata sa kusina. Tiningnan ko naman si Mama na binubuhat na ang maleta namin. “Akala ko po ba hindi alam ni Lola na darating tayo?” takang tanong ko kay Mama. Napatingin naman siya sa akin, “Alam mo naman ang Lola mo.” Tumango nalang ako at tinulungan na si Mama sa pagbubuhat ng gamit namin. Ipinasok namin ito sa sala at lumabas naman si Lola sa kusina. “Kumain muna kayo bago ko kayo ipunta sa kwarto niyo.” Ngumiti naman ako at tumango. Sumunod naman ako kay Lola papunta sa kusina. Naupo naman ako sa kaliwa at kumuha ng sandwich. Gutom na talaga ako. “Bakit niyo pala naisipan na bisitahin ako dito?” tanong ni Lola. Nasa gitna siya namin. Ang haba din ng mesa dito sa kusina tapos mga makaluma pa ang gamit. “Ma, ipapakunsolta ko lang sayo ang anak ko. Noong labing-walo pa niya ito nararamdaman at akala ko ay maalis na din pero hanggang ngayon na bente na siya ay hindi pa rin.” sabi ni Mama. Napatingin naman sa akin si Lola at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano. Kumislap kasi ang mga mata niya. Nagulat naman ako ng hawakan ni Lola ang kamay ko at tinititigan iyun ng mabuti. Ito na naman tayo. Baka lumabas naman kabalîwan— este ka-weirdohan ni Lola. Nabitawan ni Lola ang mga kamay ko at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napatayo siya at pabalik balik ang lakad. “Hindi pwede. Hindi pwede.” rinig kong paulit ulit niyang sambit. Nagkatingnan naman kami ni Mama. Anong nangyayari kay Lola? At anong ibig sabihin ng sinasabi niya? “M-Ma, anong nakita niyo?” nababahalang tanong ni Mama. Napatigil naman si Lola at napatingin sa akin. “Kapag nasasàktan siya, mas doble ang sakit na nakukuha mo.” Tumindig naman ang mga balahibo ko sa sinabi ni Lola. “A-Ano pong ibig niyong sabihin?” kinakabahan kong tanong at nagsisimula na din akong matakot. Ito na ba ang sinasabi ko eh. Kaya ayaw kong pumunta dito sa probinsya namin. Umiwas ng tingin si Lola at nagpabalik balik naman siya sa paglalakad. “Hindi ko alam kung bakit ikaw.” sambit niya at napatingin na naman sa akin. “Pero ikaw ang babaeng nakatakda sa Hari ng mga Bampira.” Nanlaki ang mga mata ko. Nakatakda? S-Soulmate ang tawag dun diba? Napatingin ako kay Mama ng tumayo siya. “Ma! Hindi si Avril ang para sa kanya! Mali iyang nakita mo!” sigaw ni Mama na ikinagulat ko. Napatingin siya sa akin, “Lumabas ka muna, anak. Mag-uusap kami ng Lola mo.” Tumango nalang ako at walang nagawa kundi ang sumunod nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD