🧛🏻‍♂️CHAPTER 4🧛🏻‍♂️

495 Words
Nakaupo ako ngayon sa isang swing dito sa likod ng bahay ni Lola na nasa may puno ng mangga. Hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila dito dahil medyo malayo sila sa akin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Lola. Natawa nalang ako at napailing-iling. Hindi nga ako naniniwala na may mga bampira tapos malalaman ko nalang na ako ang nakatakda sa Hari ng mga Bampira. Imposible! Mas lalong imposible na may mga nabubuhay pang bampira sa panahon na ito. Tumayo ako at maglalakad na sana ako papunta sa loob ng bahay ng may narinig akong gumalaw sa mga halaman na nasa likod ko. Napatingin naman ako dun. At tanging nakita ko lang ay ang madilim na gubat. Malapit kasi ang bahay ni Lola sa gubat eh. Nagkibit balikat nalang ako at naglakad na papaalis pero napatigil ako ng tumindig ang balahibo ko sa batok. Napahawak ako sa batok ko at napatingin na naman sa likod ko. Pero ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng sumalubong sa akin ang dalawang mata na pulang pula na nasa madilim. Napaatras ako sa takot pero napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil parang kinakapos ako ng hininga. Nakatingin lang ako sa pulang mga mata na iyun na nakatingin din sa akin. Bumagsak ako sa lupa dahil sa panghihina at bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang pag sigaw ni Mama. “Avril!” Isang kwarto ang bumungad sa akin ng magising ako. Napaupo ako at napatingin sa binta na nakabukas. Hinahangin nito ang kurtina kaya kitang kita ko ang madilim na labas. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas iyun at pumasok si Mama. “Avril anak, ayos ka na ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin at lumapit sa kama ko. Tumango naman ako, “Ayos na po ako, Ma.” Nakahinga naman ng maluwag si Mama pero hindi pa rin maalis ang pag-aalala niya sa akin. “Ano ba kasing nangyari?” Napatingin naman ako sa bintana. Naalala ko ang mga matang iyun at kung paano unti-unting nawawala ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang iyun pero may mga nabasa na akong mga ganun eh. Posible kayang totoo ang sinasabi nilang bampira? At bampira kaya iyun na nakita ko. “Wala, Ma.” nginitian ko siya para mawala na ang pag alala niya. “Sigurado ka?” Tumango naman ako at napabuntong hininga naman siya. “Sige, magpahinga ka na. May iniwan akong pagkain dito na mainit pa. Maligo ka na din kung gusto mo.” Tumango naman ako at ngumiti. Umalis na din si Mama pagkatapos niyang mag-paalam. Tumayo naman ako at lumapit sa bintana. Napatingin ako sa labas at kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. Huminga naman ako ng malalim pero ganun nalang ang gulat ko ng may umalulong na aso. Pûtik yan, ayoko na sa Probinsya na ito! Maaga akong mamàtày dahil sa gulat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD