🧛🏻‍♂️CHAPTER 5🧛🏻‍♂️

554 Words
“Good morning, La.” nakangiting bati ko ng makababa ako. Medyo sinasanay ko na ang sarili ko na kasama si Lola dahil mukhang matatagalan pa kami dito. Napatingin naman sa akin si Lola at itinigil ang pagtatahi niya. “Magandang umaga din, Apo. Mabuti nagising ka na. Pinatawag ko kasi ang palaging nagdedeliver sa akin ng tubig para ipasyal ka sa baryo natin.” nakangiting sabi ni Lola. Napatingin naman ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Kami lang ang nandito ni Lola. “Nasaan po siya, La?” takang tanong ko. Napatingin naman siya sa pinto kaya napatingin din ako dun. Pumasok naman ang isang lalaki na ikinasimangot ko naman. Akala ko ay gwapo ang nagdedeliver ng tubig ni Lola pero hindi naman pala. “Siya si Kanor, iha. Ipapasyal ka niya dito sa baryo natin.” pakilala ni Lola ng makalapit ang lalaki sa amin. Kanor? Bagay na bagay sa kanya. “Hi.” nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako dahil halata namang mabait siya. Bumaling naman ako kay Lola, “Eh nasaan po si Mama?” “May binili lang.” Tumango naman ako at napatingin kay Kanor na nakangiti sa akin. “Tara na, maraming—” pinutol ko ang sasabihin niya ng magsalita ako. “Hindi pa nga ako kumakain eh. Excited ka?” tumaas ang kilay ko na ikinatawa niya. Masyadong happy siya ah. Tinalikuran ko naman siya at naglakad na papunta sa kusina. “Kanor, totoo bang may mga bampira dito?” tanong ko sa kasama ko habang naglalakad kami papunta sa pamilihan dito sa baryo. Napatingin naman siya sa akin, “Bakit mo natanong?” Umiling naman ako, “Wala, curious lang.” Hanggang ngayon kasi ay pilit ko pa rin na tinatanong ang sarili ko kung totoo ba talaga ang mga bampira. At yung sinabi sa akin ni Lola kahapon na nakatakda ako sa mga bampira ay palaisipan pa rin iyun sa akin. Hindi ko naman matanong si Lola dahil masyado siyang abala sa kwarto niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa loob ng kwarto niya eh. “Oo, totoo sila.” seryoso niyang sambit. Napatahimik naman ako at magsasalita na sana ng makita ko ang pamilihan nila dito. Maraming mga tao ang bumibili at may mga bata ding naglalaro. Napangiti naman ako, “Ang ganda naman pala dito ano?” Tumango naman siya, “Sinabi mo pa.” Naglakad naman ako papalapit sa bintahan ng mga pagkain na nakalagay sa dahon ng saging at iba pang mga lalagyan na hindi plastic. “Anong bibilhin mo, iha?” tanong ng nagtitinda. “Pabili po ng mansanas.” Kinuha ko naman ang wallet ko at bubuksan ko na sana ng biglang may naghablot ng wallet ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw dahil sa gulat. Napatingin ako sa lalaking humablot ng wallet ko na tumatakbo. Napatingin ito sa akin at ang mga yellow niyang mata ang nakita ko. Kahit na nakatakip ang kalahati ng mukha niya ay nakita ko sa mga mata niya ang pag ngisi. “Y-Yung wallet ko, ibigay mo! Pàshnèa ka! Pag ikaw nakita ko ulit, humanda ka!” malakas kong sigaw ng maka ricover ako. Ano ba yan! Pati sa Probinsya ay may mga magnanàkàw. At yung mga mata niya! Anong klaseng mata iyun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD