“Yung wallet ko, hanapin niyo! At ipakûlong kung sino mang lalaking iyun!” galit kong sigaw sa mga tanod na lumapit sa amin ng makita ang nangyari.
“Kumalma ka muna, Avril.” sabi ni Kanor na nasa likod ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, “Ikaw! Nasa tabi na kita tapos hindi mo man lang hinabol ang lalaki!”
Napakamot naman siya sa batok niya, “H-Hindi ko kasi nakita. Ang bilis niya eh.”
Napairap naman ako, “Heh, bahala nga kayo diyan! Basta hanapin niyo ang wallet ko!” sigaw ko sa kanila at naglakad na papaalis.
Naglakad na ako pauwi sa amin. Nakakainis ang magnĂ nĂ kĂ w na iyun. Marami pa namang pera ang nasa wallet ko.
Napahinto naman ako sa paglalakad ng mapansin ko na nasa loob na ako ng gubat. Hindi ko man lang napansin dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Napatingin ako sa taas at medyo dumidilim ang mga ulap. Mukhang uulan.
“Saan mo na naman ito ninà kà w?”
Napatigil ako ng may narinig akong nag-uusap.
“Sa isang babae, Supremo. Mukhang bagong salta dito.”
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang dalawang boses na iyun. Napatigil naman ako ng matapakan ko ang isang sanga kaya naglikha iyun ng tunog.
Nagsimulang kumabog ang puso ko at narinig ko ang mga yapak na papalapit sa akin.
“Sino ka?”
Napahinto ako at napatingin sa likod ko. Sumalubong sa akin ang bughaw na mga mata ng lalaki na ikinakabog ng puso ko.
H-Hindi ko maintindihan... iba ang pagtibok ng puso ko.
“Amoy tao at ang bango ng dugo.”
Napatingin ako sa katabi ng lalaking kulay blue ang mga mata at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kulay yellow niyang mga mata.
Siya yung nagnakĂ w ng wallet ko.
Napangisi naman siya, “Tingnan mo nga naman. Ikaw pa talaga ang pumunta sa amin. Mabuti, nauuhaw na din ako. Kailangan ko ng uminom ng dûgo.”
Nagbago ang mga mata nito at naging kulay red na ikinalaki ng mga mata ko.
Totoo ba ang nakikita ko ngayon? Dalawang bampira ang nasa harap ko!
Napaatras naman ako ng humakbang papalapit sa akin ang nagnĂ kĂ w ng wallet ko.
Nag-uumpisa na akong matakot. Ito na ba ang katapusan ko? Hindi ko pa nga nakikita ang sinasabi sa akin ni Lola na nakatakda sa akin kahit na bampira pa siya!
“Eren.”
Napatingin naman ako sa lalaki na may bughaw na mga mata ng magsalita siya. Hindi ko alam kung bakit ng magtagpo ang mga mata namin ay kumalma ang puso ko.
“Supremo.” sabi ng Eren at bumalik sa kulay yellow ang mga mata niya.
Supremo ba talaga ang pangalan ng lalaking ito na may bughaw na mga mata?
“Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa gubat?” seryosong tanong nito sa akin at hindi maalis ang tingin nito sa mga mata ko at ganun din ako.
“A-Ako si Avril, papau—” napatigil nalang ako ng biglang may palasong dumaplis sa balikat ni Supremo.
“Ah!” napasigaw nalang ako sa sakit ng nagkaroon din ang sugat ang braso ko.
Nanlaki ang mga mata naming dalawa at napatingin siya sa balikat ko na parehas na parehas ang sugat. Parehas din na dumudugo!
“Merde!” umalingawngaw ang sigaw niya at pumagaspas ang mga dahon ng puno sa taas.
May mga paparating!
“Supremo, umalis na tayo! Nandiyan na sila!” sigaw ni Eren.
Napatingin siya sa paligid at biglang nagkulay pula ang mga mata niya. Napatingin siya sa akin at napaatras naman ako.
“Babalikan kita.” seryoso niyang sambit at bago pa siya umalis ay kumislap ang mga mata niya.
Narinig ko nalang ang sigaw ng tao at may nalaglag pa.
Humangin nalang bigla at napagtanto ko nalang na wala na ang dalawa.
Napatingin ako sa balikat ko. Hindi naman ako natamaan ng palaso pero bakit may sugat ang balikat ko? At kaparehas pa ng kay Supremo. Anong ibig sabihin nito?