🧛🏻‍♂️CHAPTER 7🧛🏻‍♂️

464 Words
Bago pa ako makita ng kung sino man ang mga taong paparating na iyun ay tumakbo na ako papalabas sa gubat. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Lola habang hawak ko ang balikat ko na patuloy pa rin sa pag agos ng dugo. “La!” sigaw ko ng makapasok ako ng bahay. Bumukas naman kwarto ni Lola at gulat na napatingin sa akin. “Bakit ka humahangos? At... ano iyang nangyari sa balikat mo?” nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa balikat ko na dumudugo. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang balikat ko. “Anong nangyari dito? Sagutin mo ako, Avril.” seryosong sabi ni Lola. Naupo naman ako sa sofa at ganun din siya. “H-Hindi ko po alam.” umiling-iling na sambit ko. “Anong hindi mo alam?” Napatingin naman ako kay Lola, “May nakilala kasi akong lalaki na kulay bughaw ang mga mata, La. At bigla nalang may sumulpot na palaso at natamaan siya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagkasugat din ako.” Naguguluhan ako. At nalilito kung bakit nagkasugat ako. Hindi kaya... “Nakita mo na siya?” tumayo si Lola at napatingin sa labas bago napatingin sa akin. “Pinigilan kung huwag magtagpo ang mga landas niyo pero gumawa pa rin ng paraan ang tadhana para pagtagpuin kayo. At ngayon, hindi ko na mapipigilan pa ang mga susunod na mangyayari.” Nangunot ang noo ko. H-Hindi kaya ang Sumpremo na iyun... Napatayo naman ako. Napaka gwapo naman pala ng soulmate ko! Para siyang greek god! Dahan dahan kong sinasabon ang balikat ko habang iniisip ko pa rin ang sinabi ni Lola kanina. Maggagabi na at hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang Sumpremo na iyun. Wala namang sinabi sa akin si Lola na siya ang soulmate ko pero pakiramdam ko ay siya talaga ang nakatakda sa akin at ako naman ang nakatakda sa kanya. Nagbanlaw nalang ako at pagkatapos kong maligo ay nag suot na ako ng tuwalya sa katawan. Ginamot na din kanina ni Lola ang sugat ko sa balikat kaya hindi na siya masakit. Lumabas na ako sa banyo ng kwarto ko. Kumuha naman ako ng damit sa closet ko at inalis ang tuwalya sa katawan ko. Napatingin ako sa likod ko pero ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang isang tao na nakaupo sa bintana habang seryosong nakatingin sa akin. “Ah!” napasigaw nalang ako at napatakip sa hubad kong katawan. Hubo’t hubad ako tapos nakatingin sa akin si Supremo! Nakita niya ang hubad kong katawan! Nanlaki ang mga mata ko ng gumuhit ang ngisi niya sa labi niya. “Isang napakagandang tanawin ang nakita ko ngayon.” sabi niya na ikinapula ng pisngi ko. Pulang pula ang mukha ko sa hiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD