“Pèrvert!” sigaw ko sa kanya at nagtapis na ako ng katawan.
Tumakbo ako papasok sa banyo at dun nalang nagbihis. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nakita ko naman siya na nasa dati niyang pwesto habang nakatingin sa labas.
Napatingin naman siya sa akin. Nagdahan dahan na nga akong maglakad pero naramdaman pa rin niya.
“A-Anong ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong at lumapit sa may bintana pero medyo malayo ako sa kanya.
Sinisiksik ko lang ang sarili ko sa pader. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may mga bampira palang talaga tapos ang isa pa ay nandito.
“Maayos na ba ang sugat mo?” mahinahon niyang tanong.
Napatingin naman ako sa kanya at tumango.
“Oo.” tiningnan ko naman ang balikat niya pero wala na itong sugat.
Hindi katulad sa akin na meron pa. Mabuti pa sa mga bampira ay madali maghilom ang sugat nila. Akala ko kapag naghilom ang sugat niya ay hihilom din ang sa akin pero nagkamali pala ako.
“Hindi ko inaasahan na isang tao ang nakatakda para sa akin.” sabi niya habang nakatingin sa malayo.
Napatingin naman ako sa kanya, “Alam mo pala na may nakatakda na sayo?”
Tumango naman siya, “Oo, pero hindi ko alam na tao pala. Tiyak na madali kang màmàtày dahil mas mahihirapan ka kesa sa akin.”
Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
“But I will not allow that to happen. Dahil kapag nawala ka manghihina ako at màmàtày din.”
Napabuntong hininga naman ako. Napaka kumplekado naman pala ng sitwasyon namin ngayon.
Bakit ba napunta ako sa sitwasyon na ito?
Nagulat nalang ako ng nasa harap ko na siya at sobrang lapit niya sa akin.
“Bakit masyado mong sinisiksik ang sarili mo dito sa pader? Naiilang ka ba sa akin?” nakakunot ang makapal niyang kilay.
Napalunok naman ako. Parehas na malakas ang kabog ng dibdib namin sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ko. Parang iisa talaga kami.
“W-Wala, umalis ka na nga.”
Lumayo naman ng kunti siya sa akin.
“Matulog ka na at huwag ka ng lalabas. Maraming mga bampira ang kumakalat ngayon.” seryosong sabi niya at tumingin sa labas.
Tumango naman ako. Hindi talaga ako lalabas dahil baka kung ano pang gawin sa akin ng kapwa niya.
“Aalis na ako.”
Tumango naman ako at napagtanto ko nalang na wala na siya sa harap ko. Ang bilis talaga niya.
Nagpagulong gulong na ako sa kama ko pero hindi pa rin talaga ako inaantok.
Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang pambira na iyun! At gusto kong malaman ang pangalan niya dahil hindi ko pa alam!
Napaupo naman ako sa kama ko at lumapit sa bintana. Pinagmasdan ko nalang ang madilim na paligid at may mga huni din ng kuliglig ang naririnig ko.
Napatingin naman ako sa isang puno ng gumalaw ang dahon nun at nagulat nalang ako ng nasa loob na ng kwarto ko si Supremo.
“Anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong.
Napaismid naman siya, “Paano ako hindi pupunta dito eh kanina mo pa ako iniisip.”
Nanlaki naman ang mga mata ko. Alam niya?
“Damian Stoneberg, Hari ng mga Bampira.” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
Alam niyang gusto kong malaman ang pangalan niya ah!
Napatikhim naman ako, “Damian? Bagay na bagay.” napabungisngis naman ako.
“Ngayon alam mo na ang pangalan ko, huwag mo na muna akong gambalain pa. Dahil nangha-hunting ako ngayon, baka ikaw pa ang kainin ko.” masungit niyang sambit.
Namula naman ang pisngi ko at dun ko lang napansin na may bahid ang labi niya.
“S-Sige, umalis ka na.” nauutal kong sambit.
Napalunok pa ako ng dilaan niya ang dugo sa labi niya habang nakatingin sa akin at nawala nalang ito bigla.
Napahawak naman ako sa dibdib ko at nanghihinang napaupo. Hindi ko naman akalain na ganito ang epekto niya sa akin kapag nasa malapit ko lang siya.
At yung ginawa niya kanina, ang sèxy niya pvtik!