🧛🏻‍♂️CHAPTER 9🧛🏻‍♂️

486 Words
Mainit na sikat ng araw ang tumama sa mukha ko kaya nagising ako. Nag-inat inat naman muna ako ng braso at pumunta na sa banyo. Ng matapos kong mag ayos ay lumabas na ako at bumaba na sa baba. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko naman dun sila Mama na naghahanda ng almusal. “Good morning, Ma. Good morning, La.” nakangiting bati ko sa dalawa at naupo sa pwesto ko. “Mukhang maganda ang gising mo, anak.” nakangiting sabi ni Mama na ikinangiti ko naman. Napatingin naman ako kay Lola na nakatingin sa akin. May alam siya kung bakit ganito kasaya ang araw ko ngayon. “Siya nga pala, anak. Nagyaya si Kanor na maligo daw kayo sa batis dito kasama ang mga kaibigan niya.” Napangiti naman ako at napatango. Mabuti nalang hindi pa ako naligo kaya makakaligo pa ako sa batis. “Huwag kang hihiwalay sa kanila.” paalala ni Lola at tumango naman ako. “Opo.” Kumain nalang kami ng almusal at pagkatapos naming kumain ay may kumatok na sa pinto. “Sila na ata.” sabi ni Mama at pumunta sa pinto. Sumunod naman ako at nakita ko ang apat na lalaki kasama si Kanor at dalawang babae. In fairness, gaganda at gagwapo nila maliban lang talaga kay Kanor. Napatikhim naman ako dahil ramdam ko ang pagtitig sa akin ng isang lalaki na tahimik lang sa tabi. Ang weird ng isang 'to! 18. “Ito nga pala si Avril, kaibigan ko. Siya yung palagi kong kin-kwento sa inyo.” nakangiting pakilala sa akin ni Kanor. Hindi pa naman kami friend ah! Pero bahala na nga kung yun ang turing niya sa akin. “Hi.” kumaway naman ako sa kanila habang nakangiti. Isa isa silang nagpakilala sa akin pati na rin ang lalaking kanina pa nakantingin sa akin na si Stevan pala. “Laking Maynila nga, ang puti puti.” nakangiting sabi ni Lily. “Oo nga, ang ganda mo.” sabi naman ni Pat na ikinangiti ko nalang. Napaismid naman si Stevan, “Umalis na tayo.” sabi niya at nauna ng lumabas. “Pagpasensyahan mo na si Stevan, ganyan lang talaga yan. Pinaka masungit sa amin.” umiling iling na sabi ni Kanor na ikinatango ko naman. Nag paalam na ako kila Mama na aalis na at sumama na ako kila Kanor. “Huwag kang hihiwalay sa amin, Avril ah? Baka mawala ka.” paalala ni Kanor habang naglalakad kami sa gubat. Tumango naman ako at napatingin sa puno. Hindi ko naman sinasadyang napatingin sa isang malaki at matandang puno. Nanglaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Damian na nakatingin sa akin. Bakit siya nandiyan sa puno? Pinapanood niya ba kami? “Avril!” Napatingin ako sa mga kasama ko na medyo malayo na pala. Napatingin ako sa pwesto ni Damian pero wala na siya. Umiling nalang ako at tumakbo papunta kila Kanor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD